Chapter 33-- Yes, but no.

40 4 1
                                    

Chapter 33-- Yes, but no.


Kamille's POV


Ito na siguro yung tipikal na hapon ko simula noong nakaraang linggo, ang maglapag ng regalo sa table. Umupo muna ako sa higaan ko bago magpalit ng pambahay. Ilan nga ba yung natanggap kong regalo ngayon? Dalawa yata. Hay.


Nagbihis ako saglit ng pambahay at saka ako umupo sa study table ko. Sinimulan kong buksan yung unang regalo na natanggap ko, galing kay... Edward? Isa rin 'yun sa mga kaklase ko na nagsabi na may crush daw siya sa'kin.


Keychain. Keychain na kalahating puso 'yung bigay ni Edward sa'kin. Couple keychain ba 'yung ganito?


Ibinalik ko na 'yung keychain sa box na maliit at saka binuksan yung pangalawang regalo. Galing naman ito kay Andrei. Teka, nasa lower year yata 'to ah? Pagkabukas ko naman, isang box ng chocolates yung laman. Halatang mamahalin kasi imported.


Hay.


Natutuwa naman ako kasi medyo maraming pumapansin sa akin sa school ngayon. Paminsan minsan, may nag-aabot sa'kin ng regalo gaya ngayon. Hindi naman sa hindi ako nakukuntento sa mga binibigay sa'kin, kaya lang kasi parang may mali. At hindi ako sanay.


Sa lahat ng nag-confess sa'kin, si Dylan ang bukod tanging nagbibigay sa'kin ng regalo araw-araw. Kung hindi naman siya magbibigay ng materyal na bagay, sisiguraduhin niyang hindi lilipas ang isang araw ng wala siyang nagagawang surpresa para sa'kin.

 Ganun naman talaga si Dylan noon pa, kaya lang mas madami siyang pakulo ngayon. Two weeks niya na yata siyang ganito sa'kin. At pag naaalala ko ang mga ginagawa niya, parang mas nalulungkot ako.


Haaaay. 


Napahiga ako sa kama ko at saka ako tumingin sa kawalan. 


Alam mo yung pakiramdam na hindi ka naman ganun kalungkot? Pero hini ka rin naman ganun kasaya? Ganun. Ganun 'yung pakiramdam ko.


*bzzt bzzt*

Kinapa ko 'yung phone sa kama ko at saka binuksan yung message ko sa Skype. Alam ko na agad kung sino 'yung nag-message kasi isa lang naman ang kausap ko dun.


Errol: How was your day, campus crush? :)


Nawala ng kaunti 'yung mga iniisip ko dahil sa nag-iisang message na natanggap ko. Kaya nagreply naman agad ako.


Kamille: Mall, please?


Kahit papaano, hindi na rin ako nahihiyang humingi ng pabor kay Errol kasi bukod sa matagal na kaming magkakilala at mas nagiging close pa rin kami habang tumatagal, madalas niya naman akong pinagbibigyan. 


Errol: Yes, but no. 10 minutes.


My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon