Chapter Two

24 0 0
                                    

Chapter Two: Assume

Apriel's POV

"Oy, saan tayo pupunta?" Tanong ni Tin

"Ewan, kahit saan! Basta makagala!" Sabi ko at tinapon yung wrapper ng burger nung kinain namin kanina

"Kanina pa tayo lakad ng lakad! Nasaan na ba tayo?" Pagrereklamo ni Tin

Ang kulit naman nito eh! Gagala nalang akala mo maliligaw eh! Nasa baranggay pa rin namin kaya kami. Kaloka 'tong babaeng 'to.
Tumigil kaming dalawa sa paglalakad tapos ito, naikot na pala namin yung buong baranggay, napunta pa ata kami sa kabilang baranggay dahil sa dinadaanan namin pa pasok ulit sa baranggay namin. Aba'y kaloka! Paulit-ulit yung term kong 'baranggay'. O s'ya, ang pangalan ng baranggay namin ay Santulan. Ayan, para hindi paulit-ulit Santulan nalang.

"Nasa Santulan Elementary School na pala tayo," sabi ni Tin

Ngumiti ako habang pinagmamasadan yung school.
"Dito ako nag-graduate ng elementary" ani ko

"Ah." Nalang nasabi n'ya.

Kaloka naman nito kausap! Kung may topic ganto, pero sa pagrereklamo daming say.

"Uy! Kwek-kwek oh!" Turo ko doon sa nagtitinda ng kwek-kwek tsaka pritong maliliit na pieces ng manok.

"Hindi ka na nabusog sa burger?" Pang-aasar ni Tin

"Burger lang 'yun eh, hindi naman nakakabusog. Buti kung kanin 'yun," sabi ko habang palapit sa stand.

"Magkano po dito?" Tanong ko sa mama

"5 pesos dalawa." Sagot ng mama habang nagpri-prito ng manok sa stove ng stand n'ya.

"Limang piso nga po," sabi ko sabay abot ng bayad

"Apriel, punta tayo sa Baclaran mamaya" aya ni Tin

"May pera ka?" Pagmamataray ko

"Pera nga pambili ng pagkain meron ka pamasahe papuntang Baclaran wala ka." Sagot ni Tin na tila na nag-roll pa ng eyes nalalalaman.

"Tsk, tusukin ko ng stick 'yang mata mo eh," bulong ko habang tinutusok yung kwek-kwek ng barbecue stick.

"Ano sabi mo?!" Pag-aangas n'ya

Aba matinde 'tong babaeng ito ah, masampal nga.

"Wala, sabi ko maganda ka" sabi ko sa kanya na tinatamad na sumagot. Katamad kausapin 'tong babaeng 'to. Kakainin ko nalang nga yung kwek-kwek ko kesa makipag-usap dito.

"Tagal ko nang alam." Sabi n'ya at may pa flip hair, flip hair pang nalalaman. Aba, kina-reer.

"Pero Dyosa ako." Smirk ko

"Kapal." Sagot n'ya.

Aba matindi 'tong babaeng 'to ah, kapal ng mukha!

"Che, ikaw nga yung makapal d'yan eh, kinareer mo naman sinabi ko," pang-aaway ko

"Edi ikaw na." Nalang ang tanging nasagot n'ya

"Asar talo ka pala eh!" Pang-aasar habang tumatawa

"Che! Hindi kaya!" Inis n'ya

Mas lalo ako tumawa, hindi ko na tuloy makain yung isang natirang kwek-kwek sa stick katatawa.

"Aba, oo nga!" Pang-aasar ko. Parang s'yang bata!

"Hindi nga sabi eh!" Sabi n'ya na inis na inis na.

"O sige na nga, hindi na" sabi ko pero tumatawa pa rin ako

"Umayos kana nga, kairita ka." Sabi n'ya at naglakad na kami.

Kinain ko na yung last kwek-kwek ko sa stick at tinapon na. Kinuwa ko yung cellphone ko at nag-GM ng saglit.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Oh, tapos ngayon ikaw na nagtatanong" pag-susungit n'ya.

"Edi Wow" nalang nasabi ko habang yung isang kamay ko naka-Wow sign.

(A/N: kung hindi n'yo alam yung 'wow' sign, west side sign rin itsura n'un. I guess alam n'yo naman yung west side sign 'di ba? :) x )

"Naka-punta ka ng concert ng 1D?" Tanong ni Tin

"Bakit ako pupunta doon?" Sabi ko habang nakataas yung isang kilay

"'Di ba fan ka?" Tanong n'ya

"Hindi ah, nakikinig lang ako ng music nila pero hindi ako baliw sa kanila. Meghatron ako" sabi ko sabay send na ng GM ko sa contacts

"Meghatron?" Pagtataka ni Tin habang nakataas ang isang kilay

"Ayun yung tawag sa fans ni Meghan Trainor, Meghatrons." Ngiti ko

"Ah." Sagot n'ya, "kung magco-concert dito si Meghan, pupunta ka?" Dugtong n'ya.

"Syempre naman! Oo! Gustong-gusto ko s'ya ng makita! Yung blonde n'yang buhok, pag-ukulele n'ya, basta! Ang ganda n'ya gusto ko s'ya makita! Hindi naman s'ya katabaan para sa akin eh, chubby lang s'ya. Ang cute, cute n'ya kaya!" Sabi ko na tila nagfa-Fangirl na

"Alam mo, bagay sa kanya yung red lipstick, ang cute n'ya kapag pula ang labi." Pout ko

"Huwag ka nga mag-pout! Mukha kang pato!" Panga-ngasar ni Tin at tumatawa pa

"Halika nga dito!" Sabi ko at tumakbo na s'ya, syempre hinabol ko. "Yari ka sa akin kang bruha ka" sabi ko at tumakbo ng mabilis.

"Bleh! Hindi mo ko mahahabol!" Belat ni Tin

"Mahahabol kita, baliw!" Sigaw ko
"Sige nga!" Smirk n'ya at tumakbo pa ng mabilis

Nung tumakbo na ako para habulin s'ya, nung sa may banda pilahan ng trycicle, narinig ko yung familiar na boses sa pinapanooran nila ng TV

"One Direction, mag-babakasyon sa Pinas" ulat ng Headlines.

Napatigil ako saglit at tumunganga sa TV. Pinakita sa Headline yung sneak peak sa interview nila sa 1D.

"I remember I used to have a friend there" ani ni Harry sa TV at nag-commercial na.

"Hoy, Apriel! Ano tinatayo mo d'yan!?" Sigaw ni Tin

"SM Val tayo!" Aya ko at lumapit kay Tin.

Author's Note•
Ang tagal ko nag update hue hue. Periodic Exam na namin sa Thursday at Friday 😭
Sorry for late update, busy at tsaka iba na focus ko hehehe :3

-Leian 💕

PS. SINO ZQUAD AT DIRECTIONER AT THE SAME TIME? 🙌

My Childhood Bestfriend is FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon