Ako nga pala si Damon Montessori.
Damon ha, hindi Demon. Magbugbugan na lang tayo pag may marinig talaga akong maling pronunciation.
My tyrant father who owns Montessori Academy, school of ano... basta wide range ang pagpipiliang specialized paths. Bahala ka na kung san ka magaling, edi dun ka na. Ako kasi magaling sa pagpapakatanga sa pag-ibig. Ish, corny... cringe... tama na.
I'm the last child, 17 years old. I have two brothers and three sisters. All of them are gifted and trained by Damiano Montessori III himself, our father. He is prominent and respectable in our town, most people look up to him, while some fear him. Ewan ko ba, ba't ba sila natatakot sa gurang na yon. I mean yes, he tortured me, experimented on me, until my body could already withstand all the pain. Kaya di ako natatakot sa kanya but I'm still under his command, I became his weapon. Sa mga experiments na yun, I became a titanium na may konting human. Grabe ba, dahil sa torture din sa katawan ko and yung trauma that my body undergone, almost lahat na ng bones ko are titanium plates.
Ako lang kasi ang walang gift sa lahat ng mga anak niya, and that triggers him.
Damiano Montessori IV, ang magaling na panganay. He is like the second version of Dad, naging tuta na talaga siya ni Dad. His gift is Clairvoyance, the ability to see things that are not physically visible. Oh diba, manghuhula yarn?
Alecto Montessori, idol ko tong ate ko to na to eh. Matinik to sa chix, kabilaan ba. Super red flag siya, well marami namang color blind na mga babae ang nagkakagusto sa kanya, well poganda eh gaya ko. Malala din anger issues nito, sa kanya ko rin yan nakuha. I'm like her second version, since marami kaming similarities. Also, we're both intersex. She has seven wives and twelve children, kinalat talaga dugo namin eh. Her gift is Pyrokinesis, the ability to control fire.
Tisiphone Montessori, super tahimik naming kapatid. Boring kasama dahil di ka man lang kakausapin, unless important matters lang. Pero, don't underestimate her, malakas siya. Her gift is shapeshifting, the ability to change your physical form. Nasanay na kami sa bahay, bigla na lang may wolf, lion, tiger, crocodile, python, at iba pang kaya niyang i-transform.
Megaera Montessori, pinakamalandi. She's very seductive, pero what surprises me the most is that virgin pa siya. Sa lakas niyang mang-akit, walang nakakagalaw kahit isa. Well, we can't blame her innate trait. Well, yun din kasi gift niya eh which is Persuasion, the power to influence others' thoughts and actions through her words.
Jacinto Montessori, ang pinaka mabait sa lahat. Siya ang baliktad nina Dad at kuya Yano, he's very demure and mahinhin talaga. He also stood as the better father figure to me since magkasunod lang kami, besides ate Alecto na pinaka-close ko, siya ang kasunod na fave sibling ko. He's also openly gay and he has a boyfriend, si kuya Apollo. His gift is Cyberkinesis, the power to control computers and other electronic devices with his mind.
Pinabugbog ba naman ni Dad yung dalawa dahil wala daw siyang anak na bakla. Sus toxic traditional mindset, edi ayun kami ni ate Alecto ang nagtanggol sa kanila. Takot si Dad kay Alecto eh, kasalanan niyang ginawa niyang walking bomb ang anak niya.
Damon Montessori, eto na. Ako na, ako na ang pinaka-hate ni Dad saming mga anak niya. Besides sa walang gift at ginawang experiment, anak ako sa labas.
My mother is different from theirs. Nung namatay ang great love niya which is dati niyang asawa, ayun nagdrama sa bar at nakabuntis. Iniwan daw ako ng mother ko sa doorstep saying na anak ako ni Dad, pina-DNA test and all hanggang sa satisfied siya sa result na confirmed nga. I don't even know who my mother is, her name, her features, is she even alive?
Ah basta ayun. So nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng malaking gate, the driver just dropped me here and umalis din agad. Di man lang ako samahan makapasok. Yung two security guards na parang bouncer sa bar, ay grabe naman parang ang-OA naman.
"Full name, miss. Accompanied by an identification card, if not, you're prohibited from entering." Kung makatitig tong dalawang toh.
"Mon- Franco" I almost forgot, muntikan ko nang i-reveal ang aking real identity. Nagpagawa ako ng fake IDs and documents with different surnames kay kuya Jacinto, pinalitan niya rin ang Montessori sa inside files ng Montessori Academy.
I want to study here without everyone's attention and curiosity, na may schoolmate silang anak ni Damiano Montessori III. Actually the academy is for people with gifts and supernatural abilities, but there are also ordinary students na anak ng mga privileged people since this prestigious school offers depth training and development.
After kong pinakita yung ID ko, pinapasok na ako and asked me to wait for the person who will assist me in everything. This academy is really wide and maraming tall buildings, parang mini city naman toh. Although, walang katao-tao and staff lang nakikita ko since Sunday ngayon and umuwi yung students, or basta nasa dorm lang sila.
A few minutes passed by, meron akong nakitang babaeng naglalakad papunta sa direction ko. Habang papalapit siya, makatitig lang ako sa kanya. She's gorgeous and hot, the Montessori uniform suits her. Yung mini-skirt talaga and yung ano, dalawang bundok naka-emphasize sa blouse. Ah shit, kahinaan ko man din yun.
"Miss?"
"Miss Franco?"
"Ah yeah?" My eyes finally looked up at her hazel eyes, parang may lahi to ah.
Nakita ko ang smirk niya pero kinausap niya yung guards, "I'll take her from here." tumango yung dalawa at sinunod ko naman siya.
"I'm Tala Mitchell, your assistant for today. Welcome to Montessori Academy, Ms. Franco." Ah baka staff toh, pero bakit naka-uniform ng pang students, or maybe SSG.
"Call me Damon." Nilingon niya ako at ngumiti, fuck ang ganda niya. Gusto kong magpalahi.
"Well, uhm, Damon. Follow me to your designated room."
Nasa likod niya lang ako, nagmumukha tuloy akong manyak dahil di ko mapigilang mapatingin sa puwet niya habang naglalakad kami.
Ayoko na!
Pumasok kami sa elevator, it took five minutes till we reached the ninth floor na pinindot niya. I followed her through the silent hallways until we stopped at a door with room number 49.
"Here is your key, Damon." She gave me the key and some device with Montessori logo na may buttons. "If you have any questions or assistance, you can beep me with that device, sa green button." Bigla siyang lumapit sa akin, naamoy ko ang perfume niya putek bango niya. "Good luck with your roommate." She whispered then left me with a wink.
What a day to start in Montessori Academy.
YOU ARE READING
TITANIUM [GXG, INTERSEX]
FantasyDamon Montessori Definition: A walking titanium plate (na may konting human). Pronunciation: It's dAmon, not dEmon. (so simple hays) Example: Damon Montessori loves hot women, grabe ba.