Kathryn's POV
"Panget talaga nya nuh?"
"Oo nga! Ewan ko ba kung bakit nandito yan?"
"Huy! Tawag ka ni Maam Panget! Eww"
"Gawin mo nga tung assignment ko Nerd. Ayusin mo kundi malilintikan ka talaga sakin!"
Kawawa masyado ako nuh? Aping aping. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Sinasayang lang nila oras nila. Ewan ko ba. Pero kahit labag sa kalooban ko ginagawa ko parin ang pinapagawa nila. Tinatanggap ko ang mga sinasabi nila para wala ng gulo.
Pero alam niyo ba? (Natural hindi -.-)
Hay naku! Barado naman ako.
Alam niyo ba, MAY CRUSH AKO! Yiieee <3
Kinikilig talaga ako.
Gwapo siya, Varsity player, tapos gwapo. Haaay! Sobrang gwap - - -
Dumaan siya. Dumaan Si Daniel. Ang crush ko ^0^
Sabi nila imposible daw na maging kayo ng crush mo. Pero wag kayo naging kami. OO, NAGING KAMI! As in. Feeling ko ako ang pinaka swerteng babae sa balat ng lupa. Dreams do come true.
"Will you be my Girlfriend Kathryn Bernardo?"
"Yes. YES DANIEL!"
Tapos niyakap niya ako. Syempre niyakap ko rin siya. Ang Saya ko. Sobrang saya! Kahit utusan pa ako ng lahat ng estudyante ok lang :D basta ang importante, Boyfriend ko na ang Long time crush ko na tinaguriang "Campus Prince"
Mala fairytale ang buhay ko. Pero isang araw, naglaho nalang lahat ng ito. Nalaman ko nalang na laro lang pala ang lahat. Planado ang lahat. Isang pustahan. Isang trip ng isang mag babarkada.
"Oh ano? Masarap ba maranasan maging isang prinsesa? Oh well Bernardo, tapos na ang lahat. Tapos na ang fairytale mong buhay kaso nga lang hindi ka nagkaroon ng happy ending. Assuming mo kasi eh. Kawawa ka naman HAHAHAHAHA! Back off girl. Akin lang si Daniel." sabi ni Barbie.
Barbie Forteza.
Ang inakala kong ex ni Daniel pero hindi pala.
Ang sakit. Sobrang sakit.
"Yan kasi feeling masyado"
"Buti nga sayo! Bitch eh. Kala mo naman maganda ka!"
"Danbie for the win! Bleeeh! :P"
Nasaktan na nga ako. Napahiya pa ako.
Sobra na talaga to. Sobra na.
- - -
Hay naku! Eto na naman ang drama ko.
BINABASA MO ANG
Mistreated
FanfictionSimple lang naman ang gusto ko sa buhay. Maka pag aral, mamuhay ng tahimik at masaya, magkaroon ng mga taong magmamahal sa aking ng tunay. Yan lang naman eh. Masama ba na hangarin ko ang ganyang klaseng buhay? Bakit nila ako ginaganito? Wala naman a...