CHAPTER 39

13 9 0
                                    

Zahaira's POV

Nagmulat ako ng mata napagtanto kong
nakagapos na ako, nilingon ko ang paligid at kumunot ang noo ko ng makita ko si Kristell, Raine, Alyanna,
bakit sila nandito? katulad ko ay
nakagapos din sila.

Pinilit kong magpumiglas sa tali ngunit
masyadong makapal ang lubid hindi ko
matanggal, kila Kristell, Raine at Alyanna
naman ay manipis na tali lang kaya
kayang kaya nila makawala, pero ako?
ang kapal kapal ng lubid na ito.

Umusod ako ng kaunti at sinipa sipa si
Alyanna siya kasi ang pinaka malapit
saakin, nagpapasalamat ako na nagising agad siya sa sipa ko, lumingon
agad siya saakin at kumunot ang noo ng
makitang nakagapos ako, napagtanto
niya na rin na nakagapos siya pati na rin
si Kristell at Raine.

"What the heck?" Bulyaw nito, sinipa ko
si Alyanna at sinenyasan na huwag
maingay baka kasi malaman nila at
puntahan pa kami dito.

"What is this?" Kunot-noong tanong ni
Alyanna at tinignan sila Kristell at
Raine, naguguluhan siya. Lumingon siya
saakin na may pagtataka "What is this?"

"I'm sure dinukot tayo nung babaeng
may grupo, paano ba kayo nadukot ha?"

"I don't know...naalala ko lang nasa taxi
ako at...." Hindi niya na natapos ang
kanyang sasabihin ng may marealize siya, lumaki ang mata niya pati na rin
ang bibig niya "OMG! sigurado akong
yung nagmamaneho sa taxi ay kasabwat
ng dumukot saatin!"

Mariin akong napapikit at bumuntong hininga "Tanggalin mo yang tali mo.."
Utos ko, nagulat naman siya na parang
sinasabi niya saakin paano niya
magagawa yon. Napabuntong hininga
muli ako titignan na lang ba ako ng
babaitang ito?!

"How?" Naguguluhan niyang tanong

"Kaya mo yan! manipis lang yang tali
na yan at hindi buhol ang pagkakatali
sayo" Naiinis kong sabi sakanya, wala
siyang nagawa kundi subukan ito at
nagkaroon ng pag-asa dahil mabilis
siyang nakawala sa tali. "Tanggalan
mo ko ng tali, faster."

Kahit nagpapanic na siya ay mabilis
niya akong sinunod, tinanggalan niya
na ako ng tali masyado pa kaming
natagalan dahil nga sa makapal ang
tali ko ay mabuhol din ito pero mabuti
na lang ay nakawala agad ako.

Mabilis naming pinakawalan si Raine
at Kristell nagising din naman agad sila
bakas sa mukha ni Kristell ang galit, si
Raine naman ay takot. Mas natatakot
ako kay Raine dahil hindi siya bihasa sa
pakikipag laban, sunod sa pinaka bata
saamin si Raine masyado siyang inosente sa ganitong bagay, ang alam
niya lang pakikipag laban ay pag
nakakahawak siya ng mga armas
kagaya na lang ng arnis.

"N-Nasaan tayo?" Bakas sa tono ni Raine ang takot, nilapitan ko kaagad siya at
kaagad siyang lumingon saakin "Haira,
nasaan tayo?" Pag-uulit niya

Napabuntong hininga ako "I don't know,
pero may dumukot saatin and kailangan
natin makaalis dito, sinong may dalang
cellphone?" Tanong ko, huminga naman
ng malalim si Kristell dahil narealize niya
na yung cellphone niya ay nasa mga
dumukot sakanya kanina, maging si
Alyanna, Raine ay ganon din ako naman
ay nasa bag ang cellphone ko kaso sure
akong nasakanila din yon.

Punyeta naman.

"Tangina sino ba kasi ang mga yon?!"
Pasinghal na sabi ni Kristell, kaagad
ko siyang sinaway baka kasi may
makarinig saamin mahirap na.

Biglang bumukas ang pinto, kaagad
kong pinapunta sa likod si Raine
tumabi naman si Kristell kay Raine at
nasa unahan kaming dalawa ni Alyanna.
Natatakot ako dahil sa mga nagdaang
araw puro mga gulo ang dumadating
saakin at sumasakit na ang mga katawan ko.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now