Chapter Six ~ Bumaba ka dito Kendrick ^__^

229 15 6
                                    

Hi readers ^_^.. Gusto ko lang po magpasalamat sa patuloy na pag-vote at pag comment sa story ko:..  

Magpatuloy lang po kayo sa pag-comment at pag-vote para may gana parin po akong ituloy tong story na to.. gusto ko po kasing malaman ang mga reactions niyo about my story.. ^_^... Eto na po yung Chapter 6 ..  

[ Kendrick's POV ]  

" Yun lang ba? Okey , your wish is my command. ^_^" sabi niya.  

Tapos parang may iginagawa syang ritual .. Ewan ko ba kung ano.  

Tapos tumatalon -talon at sumasayaw-sayaw pa sya..  

Hanggang sa na inip na ako... Ano ba? Ang tagal ~_~  

Para yun lang na wish di nya pa magawa?! May pa ritual-ritual pa syang nalalaman ~__~  

" Ano ba !! Hindi ka pa ba tapos !? Asan na yung hinihiling ko sayo ?! Diba sabi mo isa kang enkantada ? Eh asan na yung apartment ha hinihingi ko sayo ?! " galit kong sabi , eh kasi naman itong kambing na ito gumagawa pa ng ritual at kumakantakanta pa at itinataas pa nya ang mga kamay nya na parang nagpoprotesta..  

"Tapos na... Ahihihi... Naitupad ko na ang hinihiling mo.. ^__^ "  

Tumingin-tingin ako sa paligid ko..  

Wala naman akong nakitang apartment " Asan !? Wala namang apartment dito sa paligid natin !! Puro sari-sari store lang ang nandito !! Akala ko ba fairy ka ?! Eh simpleng wish lang di mo kayang itupad ! Naka -----" di ko natapos yung sasabihin ko may biglang sumulpot na babae tinanong ako..  

Di naman masyadong matanda...Siguro mga 40's pa..  

" Iho... Wala ka bang matutuluyan mamayang gabi ?? Naghahanap kasi ako ng titira dun sa bago kong pinapa-upahan "  

Biglang umiksena si Kambing " Oh.. Diba ? Sabi ko sayo eh.. Ahihihi "  

.  

.  

.  

.  

.  

HUWAAAAAT ??!! O_O  

Nagulat ako sa nangyari parang malalaglag uli yung panga ko..  

Pa-pa-pano nangyari yun ?! O_O  

Totoo bang Engkantada siya o nagkataon lang yun ??  

MAYGAD !! T___T  

[ Luningning 's POV ]  

Nakakatawa ang itsura ni Kendrick .. Ahihihi.. Nanlaki yung mata at naka - bukas yung bibig.. ^___^  

Sumama kami dun sa babae kung saan kami titira ni Kendrick..  

Naglakad lang kami kasi malapit lang daw ito sabi ng babae..  

Habang naglalakad kami, nakabukas at nanlaki parin yung mga mata ni Kendrick .. Tulala pa siya ^___^  

Siguro nagulat siya sa super powers ko.. Ahihihi ^___^  

Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala na isa akong Engkantada at naggaling ako sa mundo ENGKANTADIA.. ??  

At nang makarating kami sa aming tutuluyan ay inihatid na kami nung babae sa loob ng silid at iniwan kami..  

Sabi niya kami ba daw bahala mag -ayos dito sa silid  

Habang tumitingin - tingin ako sa paligid ng silid , nakatulala parin si Kendrick..  

" Yehey !! Ang ganda-ganda dito Kendrick !! " Lumingon ako sa kanya pero tulala parin sya..  

Kaya naman iwinagay-way ko yung kamay ko sa harapan ng mukha niya para mawala yung pagkatulala niya. " Kendrick ? Yohooo ! Kendrick ? Yohooo ! "  

Dahil iwinagay-way ko ang mga kamay ko sa harapan niya ito ang naging sanhi para magulat at magsalita siya ^___^  

" AAHHHHHHH !!! WAG KANG LUMAPIT SAKEN !! AAHHHHHHH !! " umatras sya kasi akala niya na sasaktan ko siya at may nakita syang isang pamalo.  

" WAG KANG LUMAPIT SAKEN !!! KUNG HINDI IHAHAMPAS KO SA PAGMUMUKHA MO ITONG WALIS !!! "hindi pala pamalo.. Walis pala ang tawag dun..  

Ah.. Pwede nga pala syang tawaging pamalo kasi pinagbantaan niya akong ihahampas nya sakin yun.. ^___^  

Nagtangka akong lumapit sa kanya at nagsalita ako. " Bakit ba ay---- " hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla syang sumingit na aktong hahampasin nya talaga ako nung hawak - hawak nyang walis  

"WAG KANG LUMAPIT SAKEN !!! "namumutla na sya sa takot  

Ano ba to... Hindi naman ako kumakain ng tao eh.. Hmpff ! ~__~  

"Kendrick hindi naman ako kumakain ng tao eh.. Kaya wala kang dapat ikatakot... ^___^ "  

Nginitian ko lang sya para hindi sya matakot..  

Nakita kong nanginginig na sya kaya lumapit ako sa kanya pero hindi ko natuloy kasi bigla syang sumigaw at umakyat sa pader..  

Alam ko kung ano ang " pader " kasi may pader naman dun sa kaharian namin ..  

" AAHHHHHH !!!! " nagpatuloy parin sya sa pagsigaw na halos namumula na sya sa kakasigaw..  

Kanina namumutla tapos ngayon namumula.. ^___^  

" Kendrick wag kang matakot.. Bakit ka ba natatakot? "  

" Si-si-sino ba naman ang hi-hindi matatakot, eh i-i-itinupad mo yung hi-hiling ko " ano ba to.. Ba't ba sya natatakot ? ~___~  

Hindi naman nakatakot yung mukha ko ah.. Maganda naman ako..ahihihi  

" Kendrick, hindi naman kita kakainin eh.. Kaya bumaba ka na diyan para maibili mo na ako ng paborito kong malunggay...ahihihi " hmpff ! Hindi parin sya nagsasalita..  

Nagulat ako ng may biglang tumunog .  

Hindi ko alam kung ano yun basta isa syang maliit na bagay na tumutunog..  

Kinuha ko to at bigla naman uli nagsalita si Kendrick..  

" Hoy !! Wag mong pakialaman yan !!! Cellphone ko yan !! Hoy kambing !! Wag mong paki-alaman yan !! Akin yan !! " sabi nya habang nasa itaas parin sya ng pader.  

Ngumiti muna ako " Bumaba ka muna dito.. At pag nakababa ka na dito ibibigay ko na tong sangkalan na ito.. Bumaba ka na... Bakit ba gustong - gusto mo dyan sa pader !?"  

" Hindi sangkalan yan !! Cellphone yan !! " sabi nya habang nakakapit padin sya dun sa pader..  

Ayaw nyang bumaba , natatakot sya saken ~___~ ahihihi  

Pinindot -pindot ko yung sangkalan este cellphone pala at nagulat ako ng may biglang sumigaw galing sa cellphone.  

" ANAK !!! ASAN KA BA HA !!!"  

[END OF CHAPTER 6 ]  

Readers leave a comment po kung ano ang reaction nyo simula chapter 1 hanggang sa chapter na ito para di ako mawalan ng inspiration ^___^

My Lovely Fairy™ (KimXi) ►Ongoing◄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon