It was around 9pm na nung natapos ko ang mga gawain ko galing office. Sabi ko narin sa maid na ako nalang magdadala ng gatas sa mga kwarto nila, I will check up on them.
I came to Chelsea's room first. I knocked twice at binuksan nya rin agad iyon, the floor were scattered with a bunch of papers, coloring materials and scissors.
"You're doing a project?" I asked. Nilapag ko ang isang tasa ng gatas sa desk nya at umupo sa corner ng higaan.
"Yes po dad, by friday pa naman ipapasa pero gagawin ko na. Gagala kami kasama dance club ko and also Shawn..I think isasama ko sya."
"You sure? You know your brothers is quite exhausting right?" I chuckled a bit, tumabi sya saakin. Inakbay ko ang kanang kamay ko sa likod nya.
"Ah pa..I think Shawn.. Something's wrong with Shawn." Something wrong? Bakit may problema ba si Shawn?
"Why is there a problem?" I asked, few seconds passed napa isip isip din ako na baka naaapektuhan na iyong anak ko. Baka unti-unti na nilang nararamdaman yung kalungkutan na..kulang yung pamilya. Broken family.
"No..wala naman problema. He's acting weird somehow sa school. Palagi syang naka simangot, tapos sinusungitan ako lagi!" Hirit ni Chelsea. Baka pagod lang sa training yon, batak na batak pa naman yon. Gustong gusto manalo palagi, ang competetive.
"Hayaan mo na..pagod lang yon. Basta wag mo lang asarin hm? You know..darling..I'm planning to have a divorce with your mom soon." Matapang ko iyong sinabi. I know it will hurt them, and it hurts for me too. Hindi sa pag didivorce ko sa babaeng iyon, pero natatakot akong makita silang malungkot o mainggit man sa ibang pamilya na kompleto.
"And..gusto mo ba na kay mommy mo ikaw mag stay? Also Shawn..pwede nyo desisyonan. I will support your decision kung kanino man kayo sasama. I will still be your dad..forever.." I smiled, may halong lambing ang tono ko nung sinasabi ko yon. Pero masakit, natatakot akong maiwan.
Natatakot akong maging mag isa at natatakot akong maiwan ulit, mabuhay na walang katuwang at mabuhay ng walang minamahal at nagmamahal.
"Shawn and I will stay here. Ayaw na namin sakanya pa, we won't let you go. Mahal na mahal ka namin! Sus! Alam kong malungkot ka, pero wag mong isipin na nasasaktan kami dahil hindi na kompleto yung pamilya natin ah."
"Look.." Both of her palms covered my cheeks.
"Shawn and I might be teens pero alam namin ang nararamdaman mo. Pinaguusapan ka namin, takot ka na maapektuhan kami sa desisyon mo dad. Pero hindi," She shooked her head. My eyes becoming watery.
"Maha na mahal ka namin." She said. Akala ko, ako ang mag cocomfort sakanya. Ako pa pala ang na comfort nya.
Simple words yet very comforting. I never expected na alam nila ang nararamdaman at naiisip ko. It was not easy for me too, minahal ko din kasi yun eh. Pero kailangan ko ng bitawan.
"Thank you darling." Hinaplos ko ang mukha nya at bigla nya rin akong niyakap. She hugged me tight and caressed my back, I smiled gently. Thank you God. Thank you for giving me this kind of children.
"Oh sya sige na, kakausapin ko pa kapatid ko kakamustahin ko rin. Tapusin mo agad ang project mo at inumin mo yung gatas na pinatimpla ko para maganda tulog mo. I love you Sea." I kissed her forehead at lumabas na.
Yung isang tasa ng gatas nasa labas medjo hindi na mainit kaya agad kong pinuntahan ang kwarto ni Shawn. I knocked, hindi nya ako pinagbuksan.
"Shawn? Pakibuksan." Tawag ko.
I knocked again, seconds have passed pero hindi sumasagot at hindi ako pinagbuksan. I tried opening his door but it was locked. Baka naka headphones at may ginagawang assignments. I'll just text him later, iiwan ko nalang ang tasa ng gatas dito sa maliit na mesa. Katabi ng pintuan nya.
It was quite weird, dahil ang tahimik talaga ng kwarto nya. Hindi naman sya makakalabas sa bintana at tatakas para gumala, ang taas ng tatalunin nya pag ganon.
I came into my room and grabbed my towel. Naligo ako dahil sobrang init at para mas maganda ang pag tulog ko, after I blowdried my hair I just wore my Calvin Klein boxer. I turned on my aircon, released a heavy sigh.
I need to prepare those divorce papers na, fuck. Naka move on naba ako? I'm almost 40, had 2 kids, soon to be divorced. Makakahanap paba ako ng pagmamahal neto? May magmamahal paba sakin? I mean my kids loves me. Chelsea's maturity is starting to kick in whithin her, I raised her well. Shawn's a good volleyball player too. Both of them are good in academics, may mga talent din. Eh pano nako?
I stood up and looked for my mirror, noong nakita ko ay pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin. Too old? My hair's turning white? Yung buhok ko, ang haba narin. My beards growing back. I need to pamper up.
There's nothing bad if I will look like a cool hot gen-z papa right?
David:
Shawn your milk is outside of your room Konin mo yun. Bka malamig na yun nak.
Nagtipa ako ng message para sakanya, muntikan ko na makalimutan.
"Do me a military haircut." Hapon na yun nung nagpagupit ako, yung babae ngumiti lang saakin at inumpisahan ng gupitan ako.
After getting a fresh cut, I instantly visted watsons to buy some skincare for Chelsea. Yun ang habilin nya saakin nung umaga bago ako umalis nung hinatid ko sila sa school.
Nivea Cleanser
Nivea Moisturizer
Vaseline Lip therapy
Nivea Lipbalm
Cotton Pads
Belo SunscreenKay dami! Ano ba itong arte ng anak ko! Kung ano ano nilalagay sa mukha sobrang ganda naman na, lalagyan pa ng kung ano ano. Kahit tubig at La Prairie ngalang linisin ko sa mukha okay na eh. Si Shawn walang hinabilin pero bibilhan ko nalang sila ng pagkain galin mcdo mamaya. Medjo malaki laki rin ang binayaran ko sa pinamili ko para kay Chelsea. Naalala ko rin nung pag pasok ko sa kwarto nya yung vanity mirror nya puno ng kolorete para sa mukha. May mga Nars, Charlotte Tilbury at Maybelline.
Chelsea:
Dad, where r u na? It's almost 7 na. We are waitinggggg for youuuu(っ˘̩╭╮˘̩)っ
Chelsea's messaged notified me.
----
This story will be temporarily unfinished. This is not my main story to finish as of now, I'm sorry and please bare with me thank you:)
[Will be soon ongoing and editing. This story will continue next year.]
SEE YOU ON S.O.L SERIES
-Rinth