Clarisse Ponce here! YooHoo!!
21 years old, single and ready to mingle. yay!
..if im 21 now, let's change it to 12.
"balikan ang mga nakaraan"
yan ang iniisip ko ngayon habang nakatingin sa madilim na kalangitan sa tabi ng bintana.
why 12 years old??
simply because that's the time when i met my "first love" [cheesy huh?]
BECAUSE OF HIM! kaya ako naging ganito.
[ First Year H.S ]
June 13, 2003 first day of my highschool life. new set of friends, new classmates and mga bagong tao din na sa tingin ko ay makakaaway ko balang araw :)) , bagong teacher, bagong libro, new sets of uniform, and this f*cking feeling.
that f*cking feeling!
F*CK!
Pakiramdam na para bang nasa alapaap ako at hinaharana ng mga kerubin gamit ang harp when i first saw him. [12 years old pero kumekerengkeng na.]
Maputi, tirik ang mga buhok na kapag nahulugan ng butiki.. deads. Kung merun man akong ihahantulad sa itsura niya.. kamukha niya si.. Chace Crawford. hihi gwapo di ba?? [tingin sa kanan, kung gusto mong matunaw..]
he's name is Gio. [very cute name.] lahat na lang cute pagdating sa kanya.
our first day of school and our first time to exchange our hands.
"Hello! I'm Gio.. and you are...?" agad kong inabot ang aking kamay at sabay sumagot ng "Clarisse... Clarisse Ponce."
"Nice Meeting You, Clarisse!" ang huli niyang nasabi bago dumating si Ms. Natalie, our adviser.
"GOOD MORNING CLASS!!!" ang mataray na pagbati ni Ms. Natalie.
[pero ang totoo, hindi naman talaga siya mataray... mmmm... o sige na nga mataray na nga... medyo, she's kind and also kikay and talempot like me.]
"Class! some of you are my students when i was in elementary dept.. and because of that kilala ko kung sino ang makulit at maingay for short 'PASAWAY'.. kaya iaarrange ko na agad ang mga seat niyo.. lalong lalo ka na...MR!"
sabay turo kay..... Gio??
"Uy! ako na naman Miss? mabait na ako ngayon Miss. Promise!" ang pabirong sabi ni Gio.
agad kaming nagsitayuan sa mga kinauupuan namin bitbit ang mga bag namin at kung anu-ano pa ng biglang lumapit sa akin si Gio at sabay bulong ng...
"Sayang! ikaw sana tatabihan ko kung hindi lang umentra tong si Miss Natnat.."
na out of balance ako sa sinabi ni Gio at tila namumula ako na parang kamatis kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
oh gawd!!
~~~~~~~~~~
1 week na ang nakalipas at hindi ko pa din makalimutan yung sinabi niya sa akin pagkatapos ng arrangement ng seat namin..
nakakatuwa kasi.... after all ako pa din at siya ang magkatabi. naks!
"Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..
Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..
Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko..
Ang saya ko dahil ikaw ang katabi ko.."
"F*CK!! stop it na Risse! please. oh gawd Gio, your making me insane.. haay" ang sabi ko sa sarili. [nababaliw na siguro ako no? hahaha nakaramdam ka din naman siguro nito.. hindi lang ako. :))]