RINA'S POV
"Mag ingat ka dun bukas ha" tinulongan ko syang mag-ayos sa mga gamit nya.
"Wag kang magpabaya, wag puro trabaho magpahinga ka rin. Tapos kumain ka sa tamang oras, ito yung bimpo mo ilagay agad sa likod mo ha, madali pa naman pawisin yung likod mo malayo ka lang sa lamig." Nandito ako ngayon sa kwarto nya, ngayon lang din ako nakapasok dito kung kailan aalis na sya bukas. Pagbukas nya palang ng pinto amoy na amoy ko na yung pabango nya, amoy powder mist yung loob ng kwarto nya.
Buong bahay ko na yata to eh sobrang lawak at may malaking glass window pa na tanaw na tanaw yung garden at kung hahawiin ay kitang kita ang kalangitan. May napansin din ako pagpasok ko muntik nako atakihin kasi akala ko may taong nakatayo sa may glass window nya, standee pala. Standee ko! Yun yung nag endorse ako ng pabango, tapos may isa pang standee na may dala akong hair conditioner tapos kanina kaya pala may parang tinatakpan sya sa likod ng malaki nyang pintoan na halatang halata ko naman na anlaki ng poster ko dun. Grabe naman pala si Claudia idol na idol naman pala ako. Naks naman.
"Ito rin jacket mo kasi malamig dun ngayon diba? Nasearch ko kanina. Ito okay to para di agad makapasok yung lamig sa katawan mo." Nilalagay ko sa maleta yung jacket nya, nang maramdaman kong niyakap nya ko sa likod.
"Opo Love-love" she rest her whole face on my shoulder.
"Tapos pagkatapos mo dun sa trabaho mo, umuwi ka ha hihintayin kita..." damn ayan na naman namumuo na naman yung luha sa mata ko. Bakit naman kasi bukas agad sya aalis, at di nya alam kelan sya makakauwi dahil mukhang malaki talaga ang aayosin nya dun. I hope hindi aabot ng months kasi siguradong mamimiss ko sya.
"Of course my love, uuwi ako."
"Sayo"
I blushed as i feel her warm breath on my neck. "That's enough, I don't want you to get tired." pinigilan nya yung kamay ko sa pagiimpake.
"Can I stay here?" Nakapatong pa rin yung mukha nya sa balikat ko at maramdaman kong mahina syang tumango.
"Yes please"mas humigpit yung yakap nya sa bewang ko.
"Kaso wala akong dalang damit." ay jusko naman Rina may pa stay stay ka pa nalimutan mong wala ka palang damit na dala alangan namang magdress ako matulog.
"We can stay naked naman-aw aw wait hahahahha wait Rinaya" dahil nga nakapatong yung mukha nya sa balikat ko mabilis kong pinanggigilan yung pisngi nya. Ano ba kasi pinagsasabi nito.
"I'm just kidding, you can have my pajama." Tumayo sya at may binigay sakin.
"Di pa nagagamit yan, go try it."
"Hmm san cr mo?"
"Nah, just change infront of m-waittt awww I'm just kidding hahahahah left left that door hahaha awww." kinurot ko na naman yung pisngi nya habang tinuturo nya yung white door na may linings ng gold na may angel ulit malapit sa doorknob.
Nakatitig ako ngayon sa salamin dito sa loob ng cr. Pinagkatitigan ko ang sarili ko. "Busy kana rin next month Rina sunod sunod na ang nakaschedule mong interviews, mabilis lang ang panahon uuwi rin sya." Mahina kung kinausap ang sarili ko sa salamin at parang tangang napaluha na agad ko namang pinunasan. "Hindi pa nga nakakaalis yung tao eh, masyado ka namang halata." Haysttt para na talaga akong baliw dito kinausap ang sarili ko.
*Knock
"Riri u okay in there?" Narinig kong tawag sakin ni Cloudy kaya dali dali akong nag ayos at lumabas ng banyo.