Ang Simula(1)

30 4 3
                                    

"Ang Ginintuang Orasan" kabanata 1:
Ang simula Ng lahat

Noong unang panahon, panahon pa Ng hapon, may Isang babae na Ang ngalan ay "Xianmei" pag pinaikli, ngunit Ang kanyang tunay na pangalan ay: "Xianmei An Lim Santiago y Capol" Ang haba, Diba? Si Xianmei ay 17 palang ngunit siya ay nag tatrabaho na para makapag tapos Ng pag aaral. Sa Buhay ni Xianmei, may maraming problema siyang nalagpasan. Ngunit Hindi Niya alam na may mas malaking problema na kailangan niyang harapin.

"Xianmei, anak. Anihin mo na Ang Palay Doon sa bukid. Para magka Kita na Tayo.." Sabi Ng nanay ni Xianmei

"Ok po, nay." Sinabi ni Xianmei at lumabas Ng Bahay na may dala dalang balde para dun itipon Ang Palay galing sa bukid.

Noong NASA bukid na si Xianmei,may biglang nag salita

"At eto nanaman Ang magsasakang babae, ano? Akala mo magaling ka diyan? Hindi noh!" Sinabi ni Lindsay at tinulak si Xianmei sa PUTIK

"Ano nanaman ba ginawa ko Sayo, Lindsay?" Sinabi ni Xianmei habang Siya ay tumayo sa putik

"Ano sa tingin mo, ah?" Sinabi ni Lindsay

"Wala Naman akong ginagawa Sayo.." sinabi ni Xianmei

"Ay Wala pala ah?!" Sinigaw ni Lindsay at tumalon sa putik.

"Ito Ang mapapala mo saakin!" Sinabi ni Lindsay at sinabunutan si Xianmei

"Ah!... Lindsay...bitawan mo ako!..." Sinigaw ni Xianmei

Tinulak ni Xianmei si Lindsay at nadapa si Lindsay sa putik

"Indio!" Sinigaw ni Lindsay at nag mamadaling umalis

Tinignan ni Xianmei Ang kaniyang kasuotan. Ito ay natabunan Ng putik dahil Kay Lindsay

Inani ni Xianmei Ang Palay na parang walang nangyari at bumalik sa kanilang Bahay

"Ano Ang nangyari sa kasuotan mo, anak?" Wika ni aling Eva

"Natabunan lang po Ng putik, nay. Wag na po kayong mag alala" Sagot ni Xianmei

"Sino Ang may gawa niyan? Xianmei, Kilala Kita, alam ko kung may problema ka o Wala." Wika ni Aling Eva

"Wag na po, nay. Baka mag alala po kayo.." wika ni Xianmei

"Sabihin mo na saakin, anak. Ang problema mo ay problema ko din." Wika ni Aling Eva

"Si Lindsay po, nay..." Sagot ni Xianmei

"Sinabunutan po Niya ako habang inaani ko yung Palay.." Sagot ni Xianmei

"'yang Lindsay na Yan, porket Español Ang kanyang ama ay nag mamayabang na Siya.." Wika ni Aling Eva

Biglang umubo si Aling Eva Ng malakas

"Nay, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Xianmei

"Wag mo akong alalahanin, anak. Simpleng ubo lang to, mawawala din ito..." Wika ni Aling Eva

"Gabi na, anak. Matulog ka na dahil may klase ka pa sa susunod na Araw." Dinagdag ni Aling Eva sa kaniyang pangungusap

Pumunta si Xianmei sa kaniyang kwarto at natulog na.

"Paano ko ba 'to sasabihin sa anak ko.." wika ni Aling Eva sa kaniyang sarili

Ipagpapatuloy....

Ang Ginintuang Orasan Where stories live. Discover now