Prologue

374 18 1
                                    


"Samanun, hatid mo ako sa bahay hindi ko dala ang sasakyan ko" sigaw ni Amber habang mabilis niya akong sinusundan patungong kotse.

May kaliitan si Amber at maiiksi ang biyas nito kaya ang isang hakbang ko lang ay dalawang hakbang na nito kaya halos patakbo siyang sumabay sa akin

"May lakad ang grupo ngayon kaya maiwan ka na baka mapahamak ka lang at mahuli ka pa" saad ko, kaya umirap si Amber sa akin.

"Ako mag dadrive, promise hindi ako magiging pabigat sa lakad ng grupo today"

Malamig na tumingin ako sa kanya, sakto namang dating ni Lesley at Molly.
Ako si Samanun Connor ay kilala sa school campus, isang graduating student mula sa criminology department. Anak ng kilalang negosyante na si Samuel At Manilyn Connor. Malinis at hindi binabahiran ng kadungisan ang negosyo kaya naman maraming nagtitiwala sa aming pamilya

"Ano itutuloy nyo ba ang paghahanap sa grupo ng mga  student na nagsunog sa  Education department?" Tanong ni Molly habang inaayos ang uniform nito.

Apat kaming kasali sa fratternity ng campus na ang layunin ay panatilihin ang kapayapaan at kaayusin sa labas at loob ng paaralan.
Ngunit kaming apat lang ang nakakaalam na ako ang leader ng naturang fraternity ng BlackDragon at tinagurian nila akong Black tiger dahil bukod sa pagiging malupit ko sa mga taong nagkakamali ay wala akong sinasanto kahit pa sino basta nagkasala. Parang mga kapatid ko na sila dahil sa samahan namin. Kaya labis ko silang inaalagaan kapag may mga lakad kami, lagi ko silang pinag iingat dahil hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanila, lahat sila ay lumaki sa bahay ampunan na pagmamay ari ng aming pamilya. Doon ko din sila nakilala at nabuo ang pagkakaibigan na hanggang ngauon ay patuloy naming iniingatan.

"Mukhang may bago nanamang target ang grupo ni Uno, balita kasi pinahiya daw siya ng instructor ng Engineering Department" wika ni Molly habang naglalagay ito ng pulang lipstick sa kanyang labi.
Masama akong napatingin sa aking kaibigan na si Molly.

"Panahon na siguro para patahimikin ang grupo ni Uno" seryosong saad ko, umigting ng panga ko dahil sa galit.

Si Uno Buendia ay anak ng isang pogante na matagal ng nagtatago sa batas dahil sa dami ng kinakaharap nitong kaso na hanggang ngayon ay hindi parin nahahanap.

"So anong plano?" Wika ni Amber.

"Ito yung lakad ng grupo na sinasabi ko Amber..delikado ang grupo nila Uno kaya mainging maiwan ka nalang at huwag na munang sumama" saad ko pero desidido si Amber na sumama sa amin, alam kong kahit pigilan ko ito ay paniguradong bubuntot parin siya kaya naman hinayaan ko nalang at ibinigay sa kanya ang pagmamaneho dahil kahit pa maliit ito ay maliksi siyang magmaneho madaling nakakalusot na talaga doon siya bihasa.
Si Molly ay flexible din ito, magaling sa asinta pagdaling sa paghawak ng baril, ganun din si Lesley pero mas magaling ito sa pakikipag karatehan. Hindi sa pagmamayabang pero lahat ng talentong taglay ng aking mga kaibigan ay kaya kong gawin dahil sa mga puspusang mga pag eensayo na ginawa ko.

"Kailangan lang nating mag ingat dahil may mga foreign student ngayon sa campus marami din sila at karamihan ay mga  future nurses and Teacher ang mga nag rarounds sa ating campus kaya sana huwag kayong basta gumagawa ng desisyon" paalala ko sa kanila. Ngunit bago pa man kami makakilos ay isang malakas na pagsabog ang aming narinig at hindi nagtagal takbuhan ng mga studyante at mga faculty staff ang aming nakita.

"Sabihan nyo ang mga miyembro na tumulong mailikas ang mga studyante at tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa!" Sigaw ko habang patakbong binuksan ang compartment ng aking kotse, sinuot ko ang leather jacket ko na itim at itim na maskara. Wala na akong panahon para ibuhol pa ang mahaba kong buhok dahil sa naalarma na ako sa sunod sunod na pagsabog.

Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon