KABANATA 3

16 2 0
                                    

KABANATA 3

Trust.

Sa kasalukuyan, hindi ko maatim na sabihing malaya ako. Nakakulong ako. Nakagapos ako sa lubid ng mga pangamba. I’m not fully free. I am being accused of something that I did not do.

But then, miracle happened in the most unexpected way. Hindi ako makapaniwalang sumugod si Cole Mallen dito sa presintong hinatiran niya sa'kin kanina para bawiin ako sa mga kapulisan.

"Ba't mo 'to ginagawa? Ano ang gusto mong kapalit kung ganon? Because there's no way that you're doing this with pure intention." I asked, doubting his intentions.

Nagtama ang mata namin ng nag-angat siya ng tingin sa akin. My eyes locked into his habang marahan niyang dinadami ang bulak sa tuhod ko. At hindi rin ako makapaniwala na pinaupo niya ako sa nguso ng kanyang itim ma Mercedes  Benz! Habang ginagamot ang gasgas sa aking tuhod at kamay.

Matalim niya akong tiningnan. Sending daggers, encouraging me to shut up.

"I think I don't need any immoral intentions to help you." He murmured... almost sounded like a lion's growl.

Muli siyang dumuko at pinagpatuloy ang pangagamot. Ngunit ang malikot kung isipan ay nagdududa pa rin sa kanya. Hindi pwedeng agad akong maniniwala dahil lang sinabi niya. Words can be twisted, you see.

Malamig at mas lumalim na ang gabi. Na nanunuot na sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Bumuntonghininga ako. I can finally call it a day, even if it's a bit uncertain. Tumingin ako sa lalaking nasa aking harap. Ngunit iniwas ko rin 'yon ng tumingala siya sa akin.

"Gabi na. Ihahatid na kita." Tumingala ako ng tumayo siya mula sa pagupo

Nagdadalawang isip akong luminga-linga sa paligid. Wala na gaanong sasakyan ang dumaraan. At tama siya, malalim na ang gabi para umuwi akong mag-isa. Dumagdag pa na wala akong masasakyan.

"Huwag na. Nakakahiya-"

He cutted me off when he opened the door of the passenger seat.

"Get in." He commanded. Leaving me no choice but follow. 

Malalim akong bumuntonghininga.

The whole ride to my house was a torture dahil sa sobrang katahimikang pumalibot sa amin. He was busy driving the long road while I leaned on his car window. Nasa labas ang atensyon.

Nang makarating sa bahay ay hindi na siya bumaba, at hindi rin nagsalita. Kaya nanatili rin akong tahimik ng bumaba. And I regretted it later on. I felt guilty that I wasn't able to say my thanks to him. I feel like I have no decency to even say my gratitudes. Suminghap na lamang ako. Maybe because the events earlier made me exhausted.

Nang mahiga ako sa kama ay palaisipan pa rin sa aking ang mga nangyari kanina. Gusto kong intindihin kung anong posibleng rason sa pagkawala ni Samantha. Alam kong dati pa ay medjo magulo na ang buhay niya. But despite that, she remained humble. Reason why it is so hard to believe what they're insinuating.

Kinabukasan, I was greeted by the loud ringing of my doorbell. Nagtaka ako kung sino ang maaring may sadya sa akin ngayong wala naman akong inaasahan bisita mula sa mga kaanak o kaibigan.

My mind was playing a trick on me, saying that it's the old man from yesterday who wants me killed. Ngunit naalis 'yon sa aking utak ng maalalang basag ang mukha niya kahapon. Impossibleng gagaling 'yon sa loob lang ng ilang oras.

"S-sandali!" Sigaw ko habang pababa sa hagdan. My heart also thumped loudly. Unsure of what might this person wants from me.

My hands trembled as I reached for the door knob. I swallowed the lump in my throat.

In Persuit Of Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon