STELL'S POV
Natapos ang shooting para sa season 1 ng show. Ngayong araw ang Press conference nila para sa first pilot episode.Nasa dressing room na ang mga artist, para ayusan. Lumapit sakin si Kuya yani para utusan ako, may kailangan daw kuhanin sa second floor na script para sa sample questions mamaya, ako na ang inutusan dahil may ginagawa pa ito. Kaya nag madali nadin akong bumaba, ilang oras nalang kasi mag start na ang prescon.
"Hello po, ako po si Stell, ako po yung inutusan ni Sir Yani na kumuha ng sample questions."
"Oh Stell ikaw pala, oh ito." Inabot sakin. Buti nalang kilala na ako ng mga ito, useful din pala pagiging extrovert ko sa set, kaya medyo close ko na ang mga ito.
"Teka, pwede tawagan mo si Yani, may mga few changes kasi." Kinapa ko ang phone ko, kaso wala ito sa bulsa ko. Shit! sa kakamadali ko naiwanan ko pala sa table, sa dressing room.
"Sorry po, naiwan sa taas phone ko."
"Hayaan mo na, ako nalang cocontact sa kanya, dalin mo na yan sa taas para mabasa na nila." Tumango ako at nag paalam na.
STELL'S POV
Ready na ang lahat para sa prescon, sumingit nadin ako dito sa bandang likod, sobrang daming reporters dito sa loob. Big show din kasi ito lalo na sa music industry, lalo pa't nag sama si Pablo at Felip sa isang show. Kaya madaming naging interesado.Napangiti ako nang isa isa nang pumasok ang tatlo, grabe ang flash ng mga cameras, buti hindi sila nasisilaw, habang nakangiti at kumakaway dito.
Isa isa nang nag pakilala ang tatlo, bago maupo, para masimulan na. Nag pakita muna sila ng trailer sa Screen. Ngayon ko lang din ito nakita, kaya nagulat ako, sobrang nakaka excite nga ang show. Ang ganda ng mga footage sa trailer, for sure mas maganda na sa mismong episode.
STELL'S POV
Sabay sabay na tumunog ang phone ng mga tao dito sa loob, kaya biglang natahimik ang mga reporters at napasulyap sa kani kanilang mga telepono, bago mag baling ng tingin sa akin.Nakaramdam ako bigla ng kaba, hindi ko alam kung anong nangyayari, at kung bakit lahat sila nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
TWO-FACED a STELLJUN AU [SB19]
FanfictionIs it right to fall in love with someone who wears two faces, without knowing which one is genuine?