Chapter 19

76 2 0
                                    

KINAGABIHAN ay pinilit akong pumunta ni Bryle sa Empire Club kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

"Anong gusto mong inumin?" Tanong ni Reid.

"Juice na lang."

Nagtaka na tumingin siya. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo."

Hindi nila pwede malaman na buntis ako sa ngayon.

Napayakap sa akin si Bryle ng makita namin si Clifford na papalapit.

"Ready ka na?" Bulong nito.

Hindi ako sumagot at hinayaan siya.

"Huwag lang kayo mag-away."

Nagulat na lang ako ng hilahin ni Clifford si Bryle patayo at bigla na lang siyang sinuntok sa mukha.

Napatayo ako at inalalayan si Bryle.
"Okay ka lang ba?"

"Act." Bulong nito.

Pinaupo ko siya at sinamaan ng tingin si Clifford.

"Huwag mo siyang kampihan." Matigas na sabi ni Clifford.

"Sa tingin mo ikaw kampihan ko? Ikaw ang sinuntok kay Bryle.

"Vivienne Claire." Seryosong tawag nito pero hindi ako nakinig.

"Umuwi na tayo, Bryle."

Nag-umpisa na kami maglakad ng marinig ko na tinawag ako ni Clifford.

"Vivienne."

Hindi ako humarap sa kaniya.

"Huwag kang sumama."

Naramdaman ko ng lungkot pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad kasama si Bryle.

"Please vivienne."

Napaupo ako ng makalabas kami sa club ni Reid.

"Are you okay." Tanong ni Bryle.

"Yeah." Mahinang sagot ko.

"Matulog ka muna sa bahay, sigurado naman pupuntahan ka ni Clifford mamaya."

Ibinuhat niya ako at isinakay sa kotse niya.

Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa makarating sa bahay nila Bryle

"Wala yata parents mo?"

"Pumunta sila sa Taytay, Rizal."

Napatango na lang ako. "Saan ako magstay."

"Sa kwarto ko sa guest room na lang ako."

"Napatanga ako dahil sa sinabi niya. "Sigurado ka?"

"Oo. Sige na magpahinga ka na."

"Okay sige good night

"Good night, Vivienne Claire."

*******

NAGISING ako na para bumaliktad yung sikmura ko.

Napatakbo ako papunta sa cr at nagsuko. Nanghina na kumapit ako sa may pintuan na makaramdam ako ng hilo.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Bryle.

Patakbo na pumunta ito sa kinaroroonan ko at binuhat ako.

Ihiniga niya ako sa may kama. "Nahihilo ako."

"Ikukuha kita sandali ng tubig." Sabi nito at lumabas ng kwarto.

Pagkalipas ng ilan minuto ay bumalik ito at inalalayan ako paupo. Uminom muna ako at pumikit.

"Magpahinga ka na muna dito. Huwag ka na muna umuwi."

"Kailangan ko na."

"Don't be stubborn. Papaalam kita kay Tito carl."

Tumango na lang ako at natulog ulit

Clifford POV

NAPATINGIN AKO kay Tito Carl, narinig ko lang siya na may kausap.

"Siguraduhin mo na bago mo siya iuwi ay maayos at pakiramdam niya."

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Si Vivienne gusto ko siya makita, Tito."

Sumama ang tingin nito sakin. "Tigilan mo na ang anak ko."

TO BE CONTINUE.....

An Affair With My Bestfriend | COMPLETE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon