Kabanata one

2.7K 24 0
                                    

Kabanata One

Pinagtaksilan

We were now having breakfast, and as usual, kung ano-ano na naman ang mga inihanda ng mga kasambahay namin, kahit tatlo lang naman kami ngayon sa hapag.

"Alam mo, anak..." panimula ni Daddy habang sumasandok ng kanin. "Huwag kang tumulad sa mga taong bobo. Yung ninanakawan na sila... pero sinasamba pa rin nila." natatawang ani Daddy. Ngunit hindi ko halos makuha ang gusto niyang sabihin.

"Ang mga 'yon, kahit kailan ay hindi uunlad ang kanilang kabuhayan. Kaya sana gusto kong mag-aral ka pa ng mabuti at husayan mo, para kapag ikaw na ang nasa posisyon ko bilang alkalde ng Maynila ay alam mo kung papaano mo panatilihin ang posisyon mo kahit na marami ka pang kalaban."

"Anong gusto mong sabihin, Dad?"

"Honey..." suway sa kanya ni Mommy ngunit nagpatuloy ito. "Carol, grade 10 na ang anak mo, kailangan na niyang malaman ang mga ganitong bagay."

"You know... during the election, anak. Ang iba ay nagpalagay nalang ng mga tinta sa kanilang mga daliri, pero hindi naman talaga sila bumoto." natawa ito sa kanyang sinasabi.

"Paano po 'yun?" tanong ko, naguguluhan pa rin.

"Like, you know... pupunta sila sa mga eskwelahan, kunware boboto sila pero walang laman ang kanilang mga papel."

"And then?"

"Then, ihuhulog nila ang kanilang mga papel sa lalagyanan. At bilang ang kanilang boto sa kung sino mang nagbayad sa kanila."

"What?" napataas ang tono ng boses ko. May nahihimigan na ngunit inalis ko sa isip ko yon.

"May mga nasilaw sa pera, at nagpadala sa tatlong libo para mabayaran ang boto nila." then I remembered nung nangampanya siya.

"Binayaran mo sila..." hindi iyon tanong kung hindi isang realisasyon.

"I did, darling." at sumubo sa kanyang pagkain. May kung anong takot ang bumabalot sa kalamnan ko.

"Maraming tao ang nagugutom," patuloy ni Daddy, his voice dropping lower, as if he was sharing a dark secret. "At ang iba ay natutulog na lang sa mga kalsada. Ayaw kong matulad tayo sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila kukuha ng pambili ng pagkain, ng mga kailangan sa pang araw-araw. Ayaw mo namang matulad sa kanila, hindi ba?"

Napakunot ang noo ko. "But during your campaign, Dad. You promised them a... better tomorrow. Na kapag ibinoto ka ay wala ng magugutom." hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko.

"Yes, I did. And then... I won. Aren't you happy, anak?"

"I am, Dad. Kaya anong sinasabi mong ayaw mong matulad tayo sakanila, when you promised them all that?"

"Technique 'yun, anak. Para tumatak ka sa isipan nila. After all... 'yun lang naman ang gusto nila... ang may mag-aangat sa kanila sa hirap." walang kahirap-hirap niyang sabi.

"That means—"

"All the promises were just lies para manalo tayo, Elle." siya na ang nagpatuloy noon. "Kung hindi tayo nanalo, anak. You think andito pa tayo sa mansyon? May magagarang damit ka pa ba araw-araw? May makakain ka pa ba ngayon? Gusto mo ba 'yun?"

I wanted to shake my head, to say no, of course not. Who would want that? But it felt wrong. I swallowed, my throat dry. Of course, I didn't want that. The thought of being out there, with no security, no idea where our next meal would come from... it terrified me. I couldn't imagine it. I had never known a life without the safety and comfort of the mansion, without the luxury that came with it... but at what cost?

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now