Kabanata four

1.4K 13 1
                                    

Kabanata four

Worry

Bumaba ako mula sa executive van namin, at inabot agad ni Apollo ang kamay ko. Mainit iyon na parang hinuhulma niya ako sa kanyang proteksyon. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na titig niya sa akin.

"Thank you..." mahina kong sabi, halos 'di ko siya matingnan habang pababa ako ng van.

Inayos niya ng kaunti ang gown ko sa aking likuran. Ang aking silver gown ay kumikislap mula ulo hanggang paa, sakto ang mga sequin at detalyeng parang mga bituin sa ilalim ng kalangitan. Naka-slit ito sa gilid, sapat para ipakita ang legs ko. Bagama't malamig ang paligid, hindi ko ito gaanong pansin dahil sa lambot ng tela at ang mala-diamanteng disenyo na bumabalot sa katawan ko.

Sinuyod ko ang paligid, ang malaking hotel ay nagniningning sa ilalim ng gabi, ang mga ilaw ay naglalabas ng mainit na liwanag. Isang pulang karpet ang nakalatag sa pasukan, umaabot sa isang napakagandang hagdang-bato.

Maraming tao ang nagtipun-tipon, puno ng saya at sigla. Ang mga journalists at photographer ay abala sa pagkuha ng litrato, sinisiguro na walang makakaligtaan na sandali sa magarang kaganapan. Isa-isa nang lumalabas ang mga ka-batch kong unang tingin mo palang ay alam mo ng anak rin ng mayayaman.

Hinarap ko si Apollo, "U-uh... are you going inside?"

"Sa parking lot lang ako, Miss Elle." ani nito, pero mamaya pa matatapos ito.

"It's okay... I'll wait for you there." tila nabasa niya ang nasa isip ko.

"Apollo, kahit bumalik ka nalang mamaya. Malaki ang seguridad sa hotel na ito..." suhestyon ko, kahit na maging ako ay hindi sigurado kung magtitiwala ako sa seguridad ng hotel.

Nakita kong umiling ito, "I can wait, Miss Elle." aniya ng nakangiti.

"Okay..." at tinalikuran na ito.

Nawala ako sa isipan nang marinig ko ang ingay at tawanan nang pumasok ako sa function hall ng hotel. Malaki ito, sa sobrang laki ay parang kayang maglaman ng daan-daang tao, bawat sulok ay kumikislap sa liwanag ng mga crystal chandeliers na nakasabit mula sa mataas na kisame.

Bawat mesa ay natatakpan ng puting telang may pilak na palamuti, at may mga centerpiece na parang maliliit na bundok ng mga kristal, kumikislap sa ilalim ng soft lighting.

Ang gilid ng hall ay napapalamutian ng mga tall silver candelabras, at ang sahig ay mala-marmol na puting tila kumikislap din sa bawat hakbang ng mga bisitang dumaraan. May mga tao sa lahat ng dako at nakasuot ng magagarbong gowns at tuxedos.

Ang stage sa gitna ng hall ay napapaligiran ng mga pulang bulaklak at malalaking ice sculptures na hugis brilyante. Sa kanan, makikita ang isang grand piano na nagbibigay ng mas eleganteng ambiance habang may musikerong tumutugtog ng malambing na melodya. Sa kaliwa naman, isang napakalaking buffet na puno ng mga gourmet na pagkain. Fancy hors d'oeuvres, fruits carved like jewels, at mga dessert na parang mga precious stones, may mga macaron na parang mga diamante.

Ramdam ko ang lamig ng air-conditioning. Ang mga boses ng mga tao ay parang humuhuni sa hangin, parang lahat ng bisita ay maingat sa kanilang mga kilos at salita.

"Wow," bulong ko sa sarili habang tinitignan ang mga chandelier. Alam kong magiging magarbo ang gabi, pero hindi ko inasahan na ganito ka-elegante.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may dumaan na waiter na may dalang tray ng champagne.

"Elle, you look stunning! Like a princess," ani Issa, hindi ko napansin na nandito na rin pala sila.

"Thanks! But you are the real queen tonight," sagot ko.

Tides of Betrayal (Casa del Pueblo Series #1)Where stories live. Discover now