A while ago.
Parang gustong sumabog ni Eckiever ng makitang umiiyak si Estacie sa loob ng silid. Inisip niya na umiiyak ang dalaga dahil nasasaktan ito sa pagkamatay ng dating nobyo. Sa pag-iisip na mahal pa ni Estacie ang dating prinsipe, naramdaman ni Eckiever sa kauna-unahang pagkakataon ang sakit sa dibdib na bago lang niya naramdaman.
"Jessa ang pangalan ko, Jessa Derylin. I'm from the future."
Nang marinig niya ang katagang yan.. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Kaya nag desisyon siyang lumabas ng silid upang makapag-isip.
However, biglang dumating ang taga-sunod ng hari at ipinatawag siya.
"Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target."
Nang marinig ni Eckiever ang sinabi ng hari. Bigla siyang natigilan.
Kung si Estacie Somyls ang target ng Escorpion, then, that girl is no longer alive. But!
"Jessa Derylin... I'm from the future."
Napa-flinch si Eckiever. Ang babaeng nag-ligtas sa kanya mula sa kamatayan, ay Si Jessa Derylin. Ang babaeng kaaway niya mula't sapul, ay walang iba kundi si Jessa. Ang babaeng halos ikabaliw niya ng inakala niyang patay na, ay walang iba kundi si Jessa.
Si Jessa Derylin, ang babaeng ayaw magpa-tahimik sa dating tahimik niyang mundo. Si Jessa Derylin na kayang buhayin ang galit sa kanyang dibdib sa paraan lang na pag-banggit sa pangalan ng prinsipe.
Yes... Si Jessa Derylin.. And bagong may-ari ng katawan ni Estacie.
"Where is she!?" Tanong niya sa taga-silbi ng pagbalik niya sa kwarto ay wala na roon si Estacie.
"Sabi ng binibini, uuwi na raw siya, My Lord." Sagot naman ng Katulong.
"Fuck!" Namutawi ni Eckiever kasunod ng mabilis na pag-takbo upang habulin ang babaeng pinaka-malian niya.
Alam niya yun, alam niyang nasaktan niya si Estacie ng lumabas siya ng silid. What if, she suddenly decided to distance herself from him?
Paano kung layuan na siya ng babae dahil natatakot na ang dalaga sa kanya?
Gamit ang espada, mabilis niyang pinutol ang tali na naka-komek sa kabayo at sa karwaheng naka-abang sa harap ng palasyo. Mabilis niyang pinatakbo iyon kahit pa nakita niya kung paanong nagulat ang ilang nagpapatrol.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang karwaheng sinasakyan ni Estacie na naka-labas na ng gate ng Prekonville.
"Nakatanggap ako ng balita na kasalukuyang lumilibot sa labas ng Prekonville ang anak ng dating pinuno ng Escorpion. Malakas ang kutob ko na ang anak ng Baron na si Estacie Somyls ang kanilang target."
Salitang sinabi ng hari na ngayon ay paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isip.
Paano kung bigla na lang sumalakay ang grupo ng Escorpion ngayon? Paano kung natunugan ng mga ito ang-
Hindi pa siya natatapos sa iniisip ng makita niya kung paanong huminto ang karwahe at walang sabi-sabing wasakin ng mga naka-itim na kalalakihan. Hindi na nga siya nag-dalawang isip, gamit ang dragon heart ring, he killed those bastards.
"Who are you?" Tanong ng lalake na na duguan na, maaring leader ng Escorpion.
"Duke Arkhil, who are you?" Sagot ni Eckiever.
"Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo, all you have to know is that, I need to kill that woman. She killed my woman and my child."
"Ah.. You mean Lucy. So Hindi ka pala kuya ni Lucy?"
BINABASA MO ANG
I Will Take Back What's Originally Mine
RomanceSi Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang maka...