(Warning: R-18)
"Let's go upstairs."
"Bakit?" ano naman ang gagawin namin doon, ililibot ba niya ako sa taas?
Maikli lang siyang sumagot sa akin... "To my room. I have gifts for you and....to your friends."
Nanlaki naman ang mata ko, talaga? naalala niya kaming bilhan?
"Pasalubong?" may saya sa boses ko
"Hmm.. let's go..." kuha niya sa kamay ko, nilingon ko muna sila pero may sariling room ang kitchen nila kaya hindi ko tanaw iyon.
"Baby..." muling tawag ni marcus, wala naman akong nagawa kaya nagpahila na lang ako sa kaniya
Pag-akyat namin sa taas ay sobrang laki din dito, sobrang lawak at maraming mga pintuan.
"Ang dami.... may naka room ba sa lahat ng kuwarto?" curious kong tanong
"Sa mga guest at kapag minsan ay may bisita kami."
Pabiro akong tumawa... "So d'yan kami matutulog kung sakaling gusto naming mag overnight?"
Mukhang magandang idea 'yon ah, sure ako hindi tatanggi ang mga kaibigan ko.
Hawak niya ang mga daliri ng kamay ko at pinaglalaruan iyon...
"Hmmm..." ngumuso siya, ang cute niya... "Yeah, diyan ang mga kaibigan mo."
"Kaibigan ko? paano ako? ah!" sabi ko ng may biglang maisip... "Puwede kong gamitin itong ibang kuwarto? Sabagay gusto ko rin naman ng solo." pagpapatuloy ko sa biro ko kanina
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako mula sa likuran....
"Ikaw? hindi ka puwede sa ibang room..." sabi niya sa banayad na boses
Bahagya ko naman siyang nilingon sa likod ko... "Hah? sabi mo para sa guest at bisita 'yang mga rooms?"
Pinagloloko lang yata ako nito e, or baka ayaw niyang mag overnight kami dito. Sayang, parang maganda pa naman matulog dito, sure ako malambot ang higaan tapos may aircon.
"For you baby..." hinarap niya ako at hinawakan ang balikat ko, yumuko siya at nilapit ang bibig sa tainga ko... "Sa kuwarto kita. Doon ka, Ivo. Sa loob ng ku.war.to. ko." madiin n'yang sabi sa akin
Napalunok ako dahil doon... namumula rin ang at nag-iinit ang pisngi ko.
Lumayo ako sa kaniya...."Sa r-room m-mo?...a-ayoko nga." nauutal kong sabi, yung kaba ko grabe na... Bakit ba siya ganiyan makatingin, para niya akong....hinuhuburan sa tingin niya
Takte kumalma ka, Ivo! huwag kang assuming ngayon ah!
Lumayo ako sa kaniya dahil hindi ko kaya ang tensyon kanina... Parang tumatayo rin...ang balahibo ko
"Ayaw mo?" tanong niya
"O-oo...g-gusto ko ng solo na room."
Shit shit! lumalapit siya sa'kin. Diyan ka na lang marcus, nanghihina ako ngayon!
Patuloy ako sa pag-atras at patuloy naman siya sa paglapit... "Tell me a good reason, Why don't you want to come into my room?
Isip, Ivo!!
"Ahhh....b-baka may.....multo?"
Tangina! Good reason nga, ano ba 'yan!
Tumawa naman siya na nagpataas lalo ng balahibo ko...ang sexy nang pagtawa niya.
"Walang multo do'n baby. Ako lang....ako lang ang kasama mo, wanna try?" he said as he licked his lips...
Inaakit ba niya ako? Huwag siyang ganiyan kasi magpapa-akit talaga ako
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomantizmCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...