CHAPTER 2

8.1K 108 13
                                    

CHAPTER 2




"Gising kana, Anak!" Rinig ko ang sigaw ni Inay. Kinusot ko ang mata at tinignan ang sikat ng araw mula sa maliit na bintana ng aking kuwarto na tumatama sa aking balat. Napangiti ako. Panibagong umaga at panibagong araw nanaman!


Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay at lumabas ng aking silid. Namataan ko si Inay na nagluluto ng pagkain kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya mahina siyang natawa.


"Ang baho ng hininga mo!" Wika niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Parang hindi ako anak!


"Maligo kana at may pasok ka pa, unang araw ng klase mo ngayon kaya magpakitang gilas ka!" Sambit pa nito. Nagsaludo pa ako na parang isang sundalo. "Ano ba 'yang niluluto mo, 'nay?"


Tumingin ako sa piniprito niya. "Nag-sangag ako ng kanin mo, dinamihan ko iyon kasi alam kong kulang pa sa'yo kapag ka-onti" mahina muna siyang natawa bago muling nagsalita. "Pasensya kana ha? Wala pa kasi tayong sahod, anak, ayos lang ba sa'yo kung tuyo at daing tska itlog muna ang iyong ulam?"


Kumunot ang aking noo. "'Nay, iyan naman ang palagi nating ulam, eh! Kaya bakit hindi magiging ayos sa akin? Siyempre naman ayos na ayos! Paborito ko na nga iyan, eh!" Pagpapalubag loob ko kay Inay dahil bakas sa mukha niya ang lungkot.



"Hayaan mo pag nakasahod ako kina Gobernador Randel ay bibilhan kita ng masasarap na ulam!" Sambit pa niya. Umiling ako. "Hindi na, 'nay, hindi naman kailangan 'yon, eh, 'yung isasahod mo do'n ay pambayad natin ng tubig, kuryente at renta natin dito sa bahay."



Bumuo ang lungkot sa kaniyang mukha. "Maghahanap pa ako ng ibang trabaho at pagkakakitaan para may pandagdag sa pang araw-araw mong baon—"

"'Nay, ano ka ba? Hindi mo gagawin ang bagay na iyon. Kaya kong mag-aral ng walang baon. Ako na lang ang hahanap ng pagkakakitaan ko, magtitinda ako sa school kung maaari," ngumiti ako kay nanay at inakbayan siya.



"Maligo kana nga! Ang aga-aga ang drama nating mag-ina," sabay kaming tumawa. Tumango naman ako.

Mabuti na lang ay hindi pa kami pinabili ng uniporme sa college. Unang araw pa lang naman ng klase namin ngayon kaya hindi muna kami bumili ng gamit. Ang mga professor daw kasi namin ang magsasabi kung ano ang mga kakailanganin namin.


Sana naman ay hindi ganoon kamahal, wala pa naman kaming pera.


Iyong scholarship na natanggap ko ay wala naman akong matatanggap na allowance dahil ang scholarship na iyon ay pang bawas lang ng tuition ko kaya kahit piso ay wala na akong babayaran sa school. Ayos na iyon. Hindi ko naman hinihiling sa scholarship ang buwanang alllowance. Ang mahalaga ay hindi na problema ang tuition.



Naligo ako at nagbihis ng presentable. Nag-bistida ako ng dark pink. At dahil unang araw ngayon sa eskuwela ay isusuot ko ang bistidang niregalo sa akin ni Inay. Biniro pa nga ako ng isang iyon na nanggaling pa daw ng mall kahit ang totoo ay itong bistida na iyon ang siyang palagi kong tinitignan sa palengke. Gandang-ganda kasi ako sa kulay niya.



Iniregalo niya sa akin ito noong kaarawan ko kaya napaka importante sa akin nito. Mabuti nga ay nag-kasya pa! Muntik na kasing hindi! Nag-diet naman ako kahit ka onti ngayon, 'no! Para hindi magmukhang puputok na sa akin ang bistidang ito.


Nang matapos akong magbihis ay inilugay ko na lang ang napaka haba kong buhok. Lumabas ako ng kuwarto ko at hinanap si Inay. Nadatnan ko siyang naglalagay ng pagkain sa plato kaya nakangiti akong lumapit.


Fearless (LUZVIMINDA SERIES 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now