SPECIAL CHAPTER

100 4 0
                                    

Sa gitna ng malawak na hardin ng dukedom, nakapalibot ang matataas na pine tree na inobrahan ng maihahalintulad sa isang malapad na bakuran. Sa entrada ng nasabing pine tree yard ay naka-arko ang buhay na halaman na maihahalintulad sa rose, bagamat walang tinik ang mga sanga.

Sa bawat dampi ng hangin sa bulalak na kulay dilaw, ay ang paglaganap ng mahalimuyak na amoy na nang-gagaling sa bulaklak.

Pag-pasok mo sa nasabing entrada, naghihintay ang isang metrong lapad ng marble na pinag-dugtong dugtong upang maabot ang pinaka-altar sa unahan.

Yes, narito tayo sa lugar kung saan idadaos ang engrandeng kasal ng dalawang pusong pinag-tambal ng pasaway na tagapag-bantay ng mahiwagang lagusan ng paraiso.

Suot ni Estacie ang kulay puting damit pangkasal na gawa sa silk at laces. Nilagyan ng totoong diamond na kinuha at inipon mula sa Dukedom treasury. Sa bawat bahagi ng nasabing aisle, naghihintay ang mga pinaka-mahahalagang tao na naging parte ng buhay ng dalawang ikakasal.

At sa hilira ng lamesa at upuan na iyon, walang imik na naka-upo si Elena sa katabi si Sylvia. Nag-hihintay sila sa pag-dating ng ikakasal.

Sa tradisyon ng Prekonville, magkasabay na papasok ang ikakasal upang tunguhin ang naghihintay na pari. They will receive the blessings, and also to make a vow.

"Hey.." Pasimpleng siniko ni Sylvia si Elena na mabilis namang napa-lingon.

"Bakit?" Bulong ni Elena.

"Manhid ka ba para hindi mo maramdaman ang nakaka-takot na titig sayo ni Clewin? Dalawang buwan na rin ang nakalilipas simula ng sabihin mo sa akin ang nangyari."

Napa-taas ang isang kilay ni Elena bago muling ibinalik ang tingin sa altar. "Let him do what he wants to." Walang pakialam na sagot niya.

"Oh? Base sa sagot mo, naalala na ba nya?" Naka-ngising tanong pa ulit ni Sylvia.

"Maalala man niya o hindi, what for? Di mo ba nabalitaan? He proposed to the daughter of the count."

"Count?! Sinong count!?" Pabulong pero may pagdidiin na tanong ni Sylvia.

Walang ekspresyon na sumagot si Elena.  "Count Vuelino. Yung anak niya na si Soly. Pagkakatanda ko, kaibigan yun ni Lucy noong nabubuhay pa."

Namilog ang mga mata ni Sylvia sa narinig. Pero saglit lang. Dahil ng pasimple niyang lingunin si Clewin na nasa kabilang dako ng upuan, nakita nya kung paanong napa-kunot ang noo ng binata habang naka-titig sa ibang direksyon.

Curious na sinundan ni Sylvia ng tingin ang tinitingnan ni Clewin. At literal na napa-smirk at napa-taas ang isa niyang kilay.

"I see..." Ani Sylvia. "Well, akong bahala." Dugtong pa niya.

Napalingon naman dito si Elena na naka-kunot ang noo. Magtatanong pa sana ng biglang magtayuan ang mga bisita na malapit sa entrada.

The bride and the groom finally arrived.

Nawala ang seryosong ekspresyon ni Elena habang si Sylvia naman ay napangiti narin ng buong puso at walang kalokohan.

Tumagal ng kalahating oras ang pag-b-bless sa kinakasal, hanggang sa matapos. And unlike sa modernong mundo na may throwing the Boquet, binuhat ni Eckiever si Estacie palabas ng lugar upang tunguhin ang reception na gaganapin sa loob ng palasyo ng Dukedom.

Party...

Dahil sa pagod, pasimpleng tinungo ni Elena ang terrace sa pangalawang palapag ng palasyo. Ilang beses siyang isinayaw ng lalakeng nagpakilalang anak daw ng Marquis. At syempre, si Sylvia ang nagpakilala sa lalake sa kanya.

I Will Take Back What's Originally MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon