Zahaira's POV
Asan ako? Bakit ang liwanag?
"Apo..."
Napatingin ako sa likod ko, nanlaki ang mata ko—si Lolo! Pero asan kami?
"Lolo..." naluluha kong sabi, nilapitan ko siya, ngunit umatras lang siya. "Lo, asan ba tayo?"
"Nandito ka sa langit..."
"H-Huh? Patay na ba ako, Lo?"
"Hindi, apo... hindi ka pa patay. Nais ko lang sabihin sa'yo na mag-iingat ka palagi. Alam kong makakaya mo ang mga problema pang darating sa'yo. Palagi mong isipin na nasa tabi mo lang ako..."
"L-Lo... B-Bakit nasa langit tayo?"
"Dito na ang bahay ko, apo. Masaya, walang kalungkutan, walang nararamdaman na sakit. At ikaw, kailangan mo pang ipagpatuloy ang buhay mo..."
"H-Hindi ko maintindihan, Lo..."
"Kailangan mo pang malaman ang lahat."
At unti-unti nang nawawala si Lolo, ganon rin ang paningin ko...
:<
Nagmulat ako, t-teka ang sakit ng dibdib ko....a-ang sakit ng puso ko... panaginip lang ba yon?
Inilibot ko ang aking paningin, nasa hospital ako, sa room ng hospital...Unti unti kong naalala ang mga nangyari sa akin nung birthday ko dinukot ako, hindi lang ako kundi ang pamilya ko at mga kaibigan ko, napaluha ako, nabaril si Liam.. nabaril ako.....at si L-Lolo
"Zahaira..."
Napalingon ako sa gilid ko, si Enzo, ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala.
"E...E-Enzo..." hirap na hirap akong magsalita. Ang sakit ng dibdib ko ay tila pinipiga ang aking puso, parang ang bawat salita ay may kasamang sakit.
"Okay ka lang ba?" tanong niya, lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. Ang init ng kamay niya ay nagbibigay sa akin ng kaunting lakas.
"H-Hindi ko alam...ang sakit, Enzo. Ang s-sakit ng p-puso k-ko."
"A-Ang pamilya ko? Mga k-kaibigan ko? A-Asan sila? S-si Lolo? A-asaan siya? O-Okay na ba siya?" Sunod-sunod kong tanong kahit ang sakit-sakit ng magsalita, pero ni isa sa mga tanong ko ay hindi niya nasagot. Nagbaba lang siya ng tingin habang hawak-hawak ang kamay ko.
"B-Bakit, E-Enzo? S-si Lolo, asan ba siya?"
"I think mas maganda if magpahinga ka na lang muna... m-makakasama sayo pag salita ka ng salita..." sagot niya, pero halata ang hirap sa boses niya.
Kada hinga ko ay parang pinipiga ang puso ko; ang sakit, sobrang sakit. Naalala ko na binaril ako sa dibdib... kaya ba sobrang sakit ng puso ko? Ang mga alaala ng mga nangyari sa amin noong araw ng birthday ko ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko—ang takot, ang pag-iyak, ang sakit.
"Enzo, please... a-ano bang nangyari? S-Saan s-sila?" nagmamakaawa ako, kahit ang boses ko ay halos mahirapan.
"Belle, please... huwag muna matigas ang ulo. Makakausap mo rin sila, pero sa ngayon, kailangan mong magpahinga. Baka mas lalo ka lang mag-alala," sabi niya, nag-aalala sa aking kalagayan.
Naramdaman ko ang pag-init ng mga luha sa aking mga mata. "Hindi ko kayang hindi malaman. Baka may mangyari sa kanila. I-isa lang ang gusto ko—ang makita sila."
![](https://img.wattpad.com/cover/372415773-288-k178966.jpg)
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?