Simula ng tomuntong siya sa ikatlong baitang nabihag siya ng isang lalaking ubod ng gwapo dagdag mo pa ang talino nito at pagka-gentleman. Sa sobrang hiya neto hindi man lang niya makausap ang lalaki. Nagpapasalamat na lang siyang nan diyan ang mga kaibigan niya para tulongan siyang ilakad dito. Malapit na ang kanilang Christmas party at di pa rin niya ito makausap usap kaya naman binilhan na lang ito ng isang susing key chain kahulugan ng susi sa kaniyang puso. Nagalak namn siya ng tanggapin niya iyon. Walang araw etong hindi niya tinitigaan ang lalaki stalker ba kung baga. Last day na at wala pa din siyang nagawa.Dumating ang unang araw ng ikapat na baitang Nalungkot siya ng malamang hindi niya ito magiging kaklase. Pero nagpapasalamat na rin siyang magkalapit lang eto ng classroom. Mabilis nag daan ang mga araw at wala padin etong na accomplish sa kaniyang "oplan kausapin si crush" Alam na ng lahat sa paligid niya ng meron itong pagtingin sa lalaki kaya malamang sa alamang alam na ng lalaki na mahal niya ito.
5th grade mas nag mature na siya at sigurado na siya mahal na mahal na niya ang lalaki. Masaya siyang nakikitang masaya ang kaniyang mahal. Pero nang malaman nito kung sino ang nagpapasaya sa kaniya para siyang binagsakan ng langit at lupa. Ang kaniyang kaibigang pinagkatiwalaan at itunuring kapatid ang babaeng nagpapasaya na sa mahal niya. Masakit man pero kailangang tanggapin.
6th grade nalaman niyang wala na sila naging masaya ulit ito. Medyo nakakausap na niya ang lalaki dahil parehas lang rin naman sila ng mga kaibigan. Madami pa siyang nalaman tungkol sa lalaki at mas lalo niya itong minahal. Pero bigla na lang ulit nawala ang kaniyang mga ngiting abot hanggang langit at mga mata netong nag niningning na parang bituin sa ulap. Isang matalik na kaibigan na naman neto ang kaniyang ginirlfriend. Ang babaeng minsan siyang tinulungan sa lalaki. Sa sobrang sakit ng kaniyang puso. Finocus niya ang kaniyang sarili at sumali sa iba't ibang activities ng kaniyang paaralan. Isang gabi nalaman niyang lilipat na pala sila ng ibang bansa. Nalungkot ito ngayon pang medyo malapit na niyang maging kaibigan ang lalaki. At mamimiss niya ang lahat ng taong sangkot sa mga kabaliwan niyang paiibigin eto. Dumating ang isang araw at break time nila nagulat siya ng biglang tumabi sa kaniya ang mga kaibigan netong mga lalaking tinuring niyang mga kuya kasama ang lalaking mahal niya. Hindi niya alam ang gagawin kaya nakatitig lang eto sa ice cream kaniyang na malapit ng matunaw. Nang umalis na sila pinagpapalo niya ang kaniyang kaibigang babae natauhan lang ulit eto ng batukan siya. February 28, 2013 ang araw na malapit na matunaw ang kaniyang Ice Cream dahil sa lalaking katapat niya sa upuan. Simula noon 28 na ang kaniyang naging favorite number. Dumating ang huling araw ng practice huling araw na matitigan niya ito ng personal. Nagpapasalamat siya sa mga kaibigang supportive sa kaniyang kabaliwan ng dahil dun nakakuha siya ng picture kasama neto at take note naka-akbay pa sinamahan pa ng isang signature sa damit with a smiley face pa. Graduation day nakakaiiyak isiping aalis na siya at lilipat ng ibang bansa. At mas lalo pa siyang nalungkot ng malamang hindi sila sabay na mag marcha dahil hindi sila magkaklase at nauna ang kaniyang graduation. Bago pa man ito umalis ay napag isipan niyang sabihin lahat ng nararamdaman nito sa lalaki gamit ang Facebook. Pero nalungkot lang ito ng tawanan ang kaniyang feelings.
7th grade pinilit niyang I-let go and forget about the guy he loved for 5 years. I-dinistract niya ang sarili sa paraang pag-fafangirl, sa pagtutok nito sa paboritong love team. Pero di nagtagal nagbalik ang kaniyang feeling ng makita ang isang pic ng lalaki. Umasa na naman siyang mamahalin siya neto kaya tuwing may okasyon ay binabati niya ito lalong lalo na ang birthday ng lalaki. Nagulat na lang siya ng isang araw ay nag message ito sa kanya ng Maligayang kaarawan. Sobrang saya ng mga araw na iyon. Pero kahit na masaya siya dahil akala niyang may pag-asa siya ay naglaho din eto ng mabalitaang nililigawan nito ang babaeng kaglit nito. Umasa na naman siya.
8th grade at umaasa pa rin siyang mamahalin siya neto pero wala pa rin talaga. Natuwa siya nung malamang namdito lang pala sila sa California. Kinausap niya eto sa Instagram at mas lalo siyang napangiti ng tanungin kung saang parte daw ako ng cali. Mabilis ang sumunod na araw brinodcast niya sa mga kaibigan ang ngayring usapaan neto. Mas lalo siyang natuwa dahil may pag asa pa talaga siya.
Summer ngayong araw 7/14/15 sobrang na iistress na siya dahil miss na miss na niya ang mga kaibigan sa pinas at syempre ang lalaking mahal niya hanggang ngayon. She's been reading fanfictions with happy endings which makes her even more depressed. She started reading the bible, looking for quotes that can help her get out of her situation right now. Pero wala even her friends can't do anything about her feelings. Her friend even took her Facebook account to talk to him but he didn't even open it so meaning umasa na naman siya...
Well I think all she's trying to say is that hindi masamang umasa pero tama na yung umasa ka ng isang beses. Wag mong hayaan ang sarili mong umasa ng paulit-ulit sa wala at saktan ang sarili mo. Baka hindi talaga siya para sayo pero kung mabait sayo ang tadhana baka maging kayo sa huli. Try opening your eyes and heart malay mo nandiyan lang siya sa tabi-tabi di mo nga lang makita. At God has a plan for us so just be patient and enjoy life. :)
------------------/////////////---------------------
Na bored lang ako kaya ko sinulat yan. Thanks for reading my kaechosan ^_^ this story might be based on a true story.... we'll never knoww