Dahan Dahan akong lumakad papuntang locker niya, pasimpleng tumingin sa hallway--- baka may makakita kasi! Hindi naman sa gumagawa ako ng illegal, pero-- ALAM NIYO NA YUN!
Nang sigurado na akong walang tao, nilabas ko na ang papel na 'naglalaman ng importanteng bagay', at pinasok sa loob ng locker niya. "Succes!!!" sigaw ko, napatakip ako ng bibig. Malakas masyado pagsigaw ko, sensya na masyadong na-excite!
Ah, ano yung laman nung papel? Love Letter lang naman para kay Cee... Napakahalagang bagay kaya nun! Pinaghirapan ko yung gawin, it was made by heart my dear people! And if it came from my heart, especially from my heart, I tell you... it would make you cry-----Yess, makapal ang muka ko, magaling daw kasi ako POET --- hindi pwet ha!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakangiti akong pumasok ng classroom ko. Muka na nga ata akong baliw kasi andaming nakatingin sakin. Paki ba nila diba?! Eh sa masaya ako eh!!
"hoy loka, bat ganyan muka mo? High ka no??!! Anong pinahithit sayo ng kuya mo?!!" bungad sakin ng pinakamamahal kong bestfriend na si Via. Diba, ganda ng bati niya no? Umagang-umaga nang-aasar na kagad, wala man lang patawad!!
"Goodmorning din Via." sabi ko nalang. Alam ko namang mahal ako niyang loka na yan kahit lagi niya akong inaasar. Tignan niyo concerned siya kung naka-drugs ba ako o hindi!
"Excuse me." sabi ng taong nasa likod ko..
Lumapad lalo ang ngiti ko. Boses palang, nakakakilig na!!
"Ay, sorry." sabay tabi sa daan NIYA. Mabilis siyang dumaan at umupo sa upuan niya. At ako? Ito nakatulala pa rin dun sa pwesto niya kanina.. Hay, Cee.. 3 years na kitang classmate, di mo pa rin ba alam ang pangalan ko??
Pwede naman kasing "Sam padaan!" o kaya "Excuse me, Samira" diba?!! Lagi nalang akong unknown!!!!!!! Tch, think positive Sam! Atleast diba kinausap ka niya! Ngumiti na ulit ako..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Sam, tara baba na tayo lunch na eh!" aya sakin ni Via. Nako, alam ko naman kung bakit yan bumababa eh. Nagpapapansin dun sa Student Assistant sa office--katabi ng canteen--.. Hayaan mo na nga, pagbigyan mo na Sam!
"Wait lang kunin ko lang wallet ko!" Sabay dampot sa bag ko nang------
"Ay--sh**, Sorry," sabay pulot ng wallet ko.. "ito oh, excuse me"
Napatulala ako, naramdaman kong uminit yung cheeks ko. Kilala niyo naman na siguro kung sino yung dumaan no? Oo, si Cee nga!!
"Cris! Balik ka dito pakipulot din nung puso ni Sa--mmmphhh" tinakpan ko yung malaking bunganga ni Via. Traydor talaga tong babaeng 'to, ipagsigawan daw sa classroom! "Via, manahimik ka kung ayaw mong maglakad pauwi--" sabi ko sa kanya, at muka namang nakuha niya kaya binitawan ko na siya
Phew, buti nalang nakalabas na siya ng classroom bago sumigaw si Via, Kundi---- DUN DUN DUN DUUUUUNNN!!!!---------------ALAM NA!!~!
"eh ikaw kasi, ang bagal mo. Nabangga ka lang niya, tumigil na kagad yung mundo mo?!! OA lang?!" Sabi ni Via habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Siniko ko yung tagiliran niya. Sobrang lakas ng boses, pinagtitinginan tuloy kami ng ibang studyante--- NAKAKAHIYA!! SC Rep. pa naman ako, tas ang ingay namin---pangit tignan diba??
Pagtapak namin ng second floor.. Namataan ko ulit siya.. Haay, gwapo talaga!! Kaso nawala yung ngiti ko nung nakita ko kung sino kasama niya--- si Mia Cervantes---a.k.a. ang nililigawan daw ni crush...
Tinignan ko silang dalwa---maganda, gwapo, bagay nga.... Tch, THINK POSITIVE SAM!! Hindi pa naman sila diba?!
---"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!" tili ni Via, with matching hampas
"nginitian niya ako Sam!! Sheeeettt!! Kalaglag panti--" hinampas ko siya sa braso, "Via, yang lengwahe mo ayus ayusin mo!!" sabi ko sa kanya.. Walang hiya talga, katabi pa namin ang Office niyan ha!
Di pa rin siya tumigil sa kakatili nang biglang may narining akong takong--------
"Ms. Dizon, Ms. Tan, please observe proper behavior. Babae pa man din kayo..." sabi ni Mrs. Riano
Napatingin ako sa paligid namin.. Nanonood ang buong student population----Kasama si Cee at Mia dun..... And by the looks of it, mukang bina-bad mouth nanaman ako ni Mia kay Cee.. tchh kahit kailan ayaw niyan sakin. Tumatakbo palang ako sa SC nung 1st year, karibal ko na yan. Hanggang kay Cee, karibal pa rin. Pero this time, mukang siya ang mananalo....
well atleast diba, SC Officer ako. eh siya???
soon to be girlfriend ni Cris Ramos, a.k.a. Cee, ang crush ko since 1st year...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
***krriiinnngggg
"okay class, please bring your designated materials for the experiment. Bring your labgowns and goggles, kundi minus 2! Understand?? Dissmissed!!:" sabi ni Ms.Rosales
Hay, last period na.. Ang daming homework! Tas Tuesday pa ngayon, coding si Kuya! Meaning 7 pa ako masusundo, scratch that, 7 pa KAMI masusundo ni Via... Ah, gawin ko nalang yung hw's ko, pampalipas oras din!
"Via, Wait lang locker muna ako!" sabi ko sa kanya. Hay, ang dami kong kukunin, libro sa A.P., Math, English... Sa bagay malapit ng mag exams, HELL WEEK na naman.... tch..
"Excuse me.." yan nanaman siya....
"ilang beses mo ng sinabi sakin yan ngayon arawn ah" nasabi ko bigla, napatakip ako ng bibig..
Bigla siyang tumawa, "ay, oo nga no! Sorry Sam! lagi kasi akong nagmamadali! It so happens na laging ikaw yung nasa daan kaya pasensya na ha!" sabi niya sabay lakad papaalis...............
Natulala ulit ako.....
Processsiiiinnnnnngggg.....
...
...
...
...
..
...
...
...
"AAHH!!" tili ko, tas naalala ko-- nasa hallway pa ako!!
Hay, kahiya naman! But I could'nt careless!!
Alam niya pangalan ko!!!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Umusad ng 1% ang lablife ni Sam. Palakpakan naman diyan oh!!:))))
-Nise