"ONCE again, let's congratulate the senior graduates of Saint Louis Technical School. Batch 2023-22024!" pag aanunsiyo ng isang guro na nasa gitna ng entablado ng paaralan para ipaalam ang pagtatapos ng mga estudyante na nasa harap nito at masayang naka upo.
May mga ilang mag-aaral na hindi mapigilan mapasigaw dahil sa saya dahil sa wakas ay natapos na din nila ang huling bahagi ng basic curriculum sa ilalim ng K–12 program ng DEPED.
Ngunit kahit na ito ang isa sa mga pinakamasayang mangyayari sa buhay ng mga kabataan ay hindi pa din naman maiwasan ng iba ang malungkot dahil mapapalayo na sila sa kani-kanilang kaibigan at maaring hindi na sila mag kita pa.
Pag kababa ng guro sa harapan ay agad ng nag si-alisan ang mga nakapag tapos sa kanilang kina uupuan at agad pumunta sa mga magulang nito, o kaya naman ay mga kaibigan.
Isa na dito si Amara na labing walong taong gulang, na nakakapag tapos sa araw na ito na naka tanggap ng ilang medalya dahil sa tinataglay nitong katalinuhan at pag sisikap.
Agad siyang pinuntahan ng mga kaibigan nito na sina Jake, Samantha, Dianne, Theo, at Jared.
Halos hindi mawala sa mga labi nila ang mga masasayang ngiti habang nag kwe-kwentuhan habang walang tigil pa din naman nag papatugtog ang mga guro ng awitin para sa pagtatapos ng mga bata.
"Oh, ano guys? tara shot tayo? graduation naman natin?" saad ni Theo, habang naka patong ang mga braso nito sa balikat nila Jared at Jake.
"Kayo nalang, hindi ako umiinom Theo," saad ni Jared.
"Kj mo naman, Jared." saad ni Theo, umiling nalang si Jared sapagkat wala itong planong nakipag pikunan pa kay Theo dahil lang dito."Ikaw tol?'' Tanong ulit ni Theo kay Jake.
"Pass muna, date muna kami ni Dianne mamaya," sagot naman ni Jake na agad ikinabusangot ni Theo.
"Kaya ayaw kong may mag jowa sa atin eh. Kayo ni Dianne napaka traydor, Akala ko ba mag kakaibigan lang tayo? Bakit kayo naman nag kaka-ibigan na ha?" napipikon na tono ng boses ni Theo, ngunit wala naman itong ibig sabihin ang sinabi niya sa dalawa niyang kaibigan.
"Oh common, Theo. Why you're so bitter? Wala ka lang naman girlfriend kaya ka ganiyan," saad naman ni Samantha na nasa camera ng cellphone nito ang attensiyon, na kanina pa kumukuha ng litrato nito habang naka suot ng toga at make-up.
"Tumahimik ka nga diyan, Sam. Puro ka lang naman tumatambay diyan sa camera mo, akala mo naman ikinaganda mo," pagbabara ni Theo kay Samantha.
Agad naman inilagay ni Samantha ang kamay nito sa dibdib nito na tila ba ay nasaktan ito sa sinabi ni Theo.
"Wow, Theo. Why you're so mean? I thought we're friends, but I was wrong, huhu." pag kukunwaring umiiyak sa sinabi ni Samantha kay Theo.
Bumungtong hininga nalang si Amara dahil sa kaingay nila, maingay na nga ang paligid dahil sa tugtugan at mga ibang tao ay dumagdag pa ang mga ito.
Ibinaling naman ni Theo ang tingin kay Amara at napa hawak nalang ito sa batok nito.
"Oo na, hindi ka umiinom" saad nito at hindi na sinubukan pang tanungin si Amara dahil alam na nito ang sagot nito sa umpisa palang.
"Nga pala, anong plano n'yo ngayong bakasyon?" Tanong pa ni Theo para naman maiba ang usapan.
"Ako mag lalaro lang ng online games magdamag" saad pa nito.
"Tambay sa bahay mag-cellphone," sagot naman ni Samantha.
"Lambingan with Diann-owww!" mabilis na siniko ni Dianne, kay Jake bago pa nito tuluyang matapos ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong Mula Sa Dilim Series # 4: Dalaga
Детектив / ТриллерSa mansion ng pamilyang Del Helga, kung saan ang simpleng isang linggong bakasyon ay mapupuno ng katatakutan at misteryo. Makakatakas kaya sila at matutuklasan ang dahilan ng kababalaghan o doon na nila matatagpuan ang kanilang kawakasan?