Chapter 25

3.6K 169 86
                                    

Promise

"Ilang araw?" Wala pa nga ay iritado na kaagad ako.

Ibinaba ko ang baso sa island counter at hinarap si Mommy na halata sa mukha ang hindi pagkakatuwa sa reaksiyon ko. Well, I'm not happy either. I love my grandfather, and I'm worried about him, but my mother's 'short vacation' doesn't seem genuine and pure. Halatang gustong magtagal doon dahil merong ibang pakay.

Namaywang ito at napahilot sa sentido.

"What do you mean by ilang araw, Benjamin? You have a two week break from school, so meaning, you will have to spend that much time in Cebu, too. Saka ka na bumalik dito kapag pasukan na ulit."

Hindi pwedi.

Ayoko.

"Three days..." Seryosong sambit ko na ikinamilog ng mga mata ni Mommy. Her reaction only made me more annoyed at the moment. Umiling ako at binawi ang naunang sinabi. "No... just two days."

"What?!" Angal nito.

I watched her calmly even when her plan is irritating the hell out of me.

"Lolo will understand. Alam no'ng ayoko do'n sa Cebu. I will just pay him a visit, and maybe accompany him to his doctors. Pagkatapos, babalik na ako dito. Hindi ako magtatagal doon ng higit sa dalawang araw, My."

Kung gusto ni Mommy magtagal doon, eh di magtagal siya. She can even invite my father if she wants to. Para naman pag-untugin silang dalawa ni Lolo.

Dalawang linggo? Hindi pwedi. I don't want to be gone that long. Ngayon pa? Ngayon pang kahit papaano ay alam ko at nararamdaman kong may kaunting pag-asa na ako kay Rael?

Hindi ako papayag.

I can't lose this chance.

"At hindi bukas kaagad ang alis. May mga kailangan pa akong gawin dito. If you're in a hurry,  pwedi ka nang mauna. Susunod na lang po ako." I said firmly and surely.

Halatang ayaw ni Mommy sa desisyon ko pero alam nitong wala naman siyang magagawa. Lolo favors me more than her and my father. Kahit anong gawing pilit niya sa akin ngayon, kahit magkampihan pa sila ni Daddy, isang tawag ko lang kay Lolo ay papayag 'yon kaagad sa gusto ko.

"Tapos na ang finals pero bakit parang mga bad mood pa rin kayo?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Eros dahil sa nang-iintrigang tanong ni Diego. Sabay kaming umiling. At sabay ring napabuntong-hininga. Samantalang kanina pa tawa ng tawa si Miggy habang may katext, walang pakialam sa aming tatlo.

Maagang umalis si Mommy papuntang Cebu katulad ng gusto niyang mangyari. Balak ko sanang magpunta kina Rael ngayong araw kaso wala nga pala kaming sessions na. He told me yesterday that we will continue our sessions when the classes resume at dalawang linggo pa bago iyon.

Though we were texting from time to time, gusto kong sa personal ko pa rin sabihin sa kanya na pupunta akong Cebu. What would be the difference? I don't know. I just want to tell him about it in person. Ayokong sa text lang.

Ako:

Ayaw mo bang mag advance study tayo?

I pursed my lips as I read our text conversation earlier today. Advance study, my ass. Ang totoo'y gusto ko lang talaga siyang makita.

Azrael:

Let's take a break. You should also take this opportunity to relax and have fun. Kawawa naman 'yang utak mo. Atsaka, tutulong ako kay Mama sa palengke ngayong sembreak.

Ako:

Pwedi ba akong sumama sa palengke?

Azrael:

Siraulo. Though kung may bibilhin ka, sure, you can come. Pero kung tatambay ka lang, mas mabuting huwag na.

Double TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon