Chapter 28

5 0 0
                                    

Umagang-umaga kinabukasan pagkagising ko ay si Mommy agad ang una kong nakita dahil sinundan niya ako rito sa condo.

Wren told me that he knew I wouldn't like to see her first in the morning. But he didn't want to be rude kaya pinatuloy niya si Mommy.

Mabuti nalang dahil hindi niya kasama si Daddy. Siguro ay alam niyang hindi pa ako handang harapin ulit siya at nagugulat pa ako sa mga nangyayari.

We had a brief conversation, but all throughout, hindi ako magsasalita at nakikinig lang sa kanya.

She explained everything to me but I didn't seem to understand it dahil hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako.

Hindi ko magets kung bakit kailangan niya ulit magpatawad, mas lalo na at inamin daw ni Daddy sa kanya na sumama siya sa ibang babae.

Ang alibi naman ni Mommy sa katangahan niyang bigyan ulit siya ng chance ay at least daw inamin niya, at ang ibig sabihin daw nun ay handa na siyang mag bago.

Napamura talaga ako sa loob ng isipan ko nun at tinitigan siya habang nakangiwi.

Pang ilang beses na ba itong chance na ibinigay niya? E, hindi ko na nga maalala.

Mabuti nalang talaga at ganda lang ang namana ko sa kanya.

She told me that she still loves my father and that she was happy again as well as my sisters.

Oo. Masaya nga sila.

Pero paano naman ako?

Hindi ba nila ako naisip?

Sila lang ba ang parte ng pamilyang ito?

"Everything is unfair," I muttered lastly as I finished telling the story to my friends.

Mika and I were at Keisha's house because she wanted us to sleepover.

She texted us and told us that she wasn't feeling well kaya agad kaming pumunta rito. This has happened a lot since high school kaya nasanay na rin kami.

She actually built a normal room for us to stay whenever we sleepover dahil nasusuka na kami ni Mika sa kulay ng bahay niya dahil puro nalang pink at glitters.

Mabuti nalang at naging considerate siya at plain white lang 'tong kwartong tinutuluyan namin.

"Do you wanna live here?" she asked because she was worried na baka wala akong matuluyan dahil ayokong kasama si Daddy sa bahay.

Pero matagal na akong hindi tumitira roon. Hindi lang nila alam dahil hindi ko pa sinasabi sa kanila.

"I'm staying at Wren's condo," I finally confessed, pero wala pa akong balak na sabihin na kinasal na kami.

Not now.

Her brows furrowed, while Mika didn't react.

"Since when?" tanong ni Keisha dahil alam niyang ayaw kong mag stay sa condo ni Wren.

Naiinis nga ako kapag nakakatulog ako roon. Pero dati 'yon dahil ngayon ay mas komportable na ako roon.

I'd choose it rather than every place in this world because it was my home now.

"6 months?" I answered unsurely.

God, I lost track of time.

Mika remained emotionless, while the other gasped. "And you didn't tell us?"

"Sasabihin ko naman talaga sa inyo." I buried my back to the headboard of the bed and hugged my knees as I placed my chin in between them.

I stared at them and stayed silent for several seconds before I dropped another bomb.

Blue Silhouette (Saved Series #2)Where stories live. Discover now