Zahaira's POV
Ngayon na ang araw kung saan gaganapin ang fun run na sinasabi ni Mikha. Excited ang lahat, pero sa puso ko, tila nag-aalab ang lungkot.
Papasok pa lang ako sa entrance, pero dinig na dinig ko na ang mga speakers, sabay ng amoy ng pagkain mula sa mga food stalls na nagkalat sa paligid. Parang lahat ng tao ay puno ng enerhiya, pero ako, wala ni kaunting excitement na nararamdaman.
"Zahaira, deretso ka sa SSG OFFICE," bungad sa akin ni Secretary Milky na nasa gilid ng entrance, hawak ang clipboard niya.
Napahinto ako saglit, bahagyang napataas ang kilay. "Bakit?" tanong ko, bagaman alam kong hindi ito pipitsuging dahilan.
"Naghihintay si Mikha, may meeting pa kayo before magsimula ang fun run. Bilisan mo na," tugon niya sabay kindat.
Napatango na lang ako at agad na naglakad papunta sa opisina ng SSG. Habang papalapit ako, nararamdaman ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi dahil sa fun run o sa meeting, kundi dahil sa mga bagay na iniwan ko bago pa ang lahat ng ito.
Pagdating ko sa SSG OFFICE, sinalubong ako agad ng seryosong mukha ni Mikha. As usual, strict pa rin siya, parang palaging may gusto siyang ipahiwatig na hindi ko mahuli.
"Zahaira, late ka na naman," bungad niya agad, hindi man lang ako kinukumusta. "We need to go over the plans again. There’s been a slight change in the schedule, and you need to be aware of it since you’re part of the organizing team."
Tumango na lang ako, parang wala ng gana pang makipagtalo. Ang totoo, wala na akong gana sa kahit ano. Habang nag-uusap si Mikha, nag-scroll siya sa laptop niya, sinasabing may additional events na kailangang isama sa line-up ng activities ngayong araw. Ngunit habang nagpapaliwanag siya, nawawala ang isip ko sa ibang bagay. Tila masyado ng malayo ang sarili ko sa lahat ng ito.
Bigla kong narinig si Anne, ang Secretary ng council, na pumasok, dala ang ilang papel at may hawak na microphone. "Guys, reminders lang ha," simula niya, mas mababa ang tono pero halata pa rin ang pagiging masungit. "Make sure na tama ang pagtapon ng basura ha! May mga nakalagay na segregation bins sa bawat corner ng venue, so walang excuse. At tungkol sa pagbabago ng school facilities, magkakaroon ng konting announcement din mamaya regarding doon."
Naramdaman ko ang lamig sa tono niya. Lahat dito, tila ba walang emosyon. Parang lahat kami ay nagooperate lang sa ilalim ng mga utos. Tumayo lang ako sa gilid, nagpipilit ngumiti kahit na ang bigat ng damdamin ko.
"Zahaira, nakikinig ka ba?" tanong ni Mikha, at tumingin siya sa akin nang matalim. Halata ang pagka-irita sa mukha niya.
"Yeah, I’m listening," sagot ko, pero alam kong hindi talaga ako naroroon.
"Sige nga, ano sinabi ko?" madiing tanong ni Mikha, halata ang pagka-irita sa boses niya habang nakatitig sa akin.
Huminga ako ng malalim, pilit na inalala ang huling mga sinabi niya. "Uh, you mentioned na may changes sa schedule ng events... tapos, may additional activities na idadagdag today?"
Tumango siya, pero hindi natanggal ang kunot sa noo niya. "Good. Pero make sure na nakafocus ka, Zahaira. Hindi ito biro. We're counting on you to handle your part, okay?"
"Yes, I got it," sagot ko, bumuntong hininga ako minsan talaga iniisip ko kung bakit pa ako naging vice president eh hindi naman saakin bagay dahil hindi
ako medyo responsible.Mikha crossed her arms, still not convinced. "Ayusin mo ha. We can’t afford any mistakes today. Lahat ng preparation natin, naka-depende sa bawat isa sa atin. So no slacking off."
![](https://img.wattpad.com/cover/372415773-288-k178966.jpg)
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?