Nakakainis man ang gumising sa Umaga pero at least Nakapasok ako sa school sa oras. Para malaman kung saan ako dapat pumunta, nagpasya akong Sundan ang pabango ni Laine. Tamang-tama nahanap kona ang Gym, at nandoon ang sa tingin ko ay mga Cheerleaders. Hindi nakaharap sakin si Laine kaya kinailangan kong lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat.
Nang lumingon siya ay Gulat na gulat na makita ako sa harapan niya.
"Katherine, Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya habang nakatingin sa paligid.
"Ano pa ba? Nandito ako para mag tryout."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Kaya ka nandito ngayon?"
Tumango ako. Lumapit samin ang isa pang babae, siya rin ang galing noon sa Cafe.
"Laine, hindi mo sinabi sakin na pupunta ang kaibigan mo dito."
"Gaya mo, nagulat din ako." Kinakabahang ngumiti si Laine
"Aw Cute! So parang surpresa?" Lumingon sakin si Heather
"Sure.."
"Since nandito ka na, pwede na tayong magsimula!"
Ako at ang ilan pang mga babae ang nagtryout. Sa totoo lang, kinailangan ko lang ng ilang harap at backflips para mapabilib sila pero sa tingin ko ay nagulat ko sila nang natapos ko ang mga split pagkatapos tumalon.
Mukhang nagulat na naman si Laine. Siya at ang iba ay nag-usap saglit at nag-anunsyo sa dalawa pang babae at ako ang nakapasok. Mission one, 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. Habang nililibot ko ang paningin sa paligid ay may naramdaman akong Taong Lobo pero hindi ko makita.
"So ano nga bang ginagawa mo dito?" Sabi ni Laine habang naglalakad palapit sakin
Sinigurado kong walang makakarinig bago ko sabihin sa kanya.
"May Transferee dito hindi ba?" Tumango si Laine. "Nalaman ni Scarlett na binabantayan ka nila. Sila ay mga Lobo at Bampira kaya pinapunta kami dito ng Hari para bantayan ka."
"Ano? Bakit hindi man lang sinabi sakin ni Scarlett?"
"Malamang ayaw ka niyang matakot. I'd also recommend to just stay calm para hindi sila makahalata na sila ang pakay namin dito.."
Masasabi kong kinakabahan siya.
"Wala ba silang alam na nandito ka?"
Napaikot ako ng mga mata.
"Of course. We just need to play it off.."
"Ang sabi mo '𝐍𝐚𝐦𝐢𝐧' sinong kasama mo?"
"Darating din dito sina Mason at Cassy.."
"Oh. Well,.. This is going to be interesting." Hinaplos niya ng braso niya dahilan para may mapansin ako.
Walang babala kong hinawakan ang braso niya at pinagmasdan ito..
"H-hey ano ka ba--!"
"May galos ka." Sabi ko habang hinahaplos ang sugat niya.. Nag marka yung sugat niya..
"What?" Bumaba ang tingin niya sa braso niya. "Ay Oo.."
"Pasensiya na jan.." Sabi ko habang nakatingin sa kanya..
BINABASA MO ANG
Hybrid (GirlxGirl)
FantasiThis is Girlxgirl Fantasy story (Taglish) Date Started - December 02, 2023