Chapter 1

40 0 0
                                    


"Sheet! I'm late!" Nasabi ko sa sarili ko at nagmamadaling lumabas ng cafeteria dahil late na ako sa next class ko.

Pagkadating na pagkadating ko sa classroom ay hindi na ako nag-atubiling umupo sa kung saang upuan nalang matripan ng pwet ko.

"Hoo! Akala ko late na ko." At nagpakawala ako ng isang malalim na hininga matapos kong sabihin yan.

Nagulat ako ng may lalaking nakatayo sa harap ko at sinabing,

"Miss, I think you've got the wrong seat." Sabi ng lalaki. Aba! Inglisero si Kuya!

"Pasensya ka na, pero wala namang tao dito ng maupo ako kaya sa tingin ko hindi naman ako nagkakamali." Sagot ko sa kanya at nagpasak ng headset sa dalawa kong tenga, pumikit at saka kumanta.

"Oh! But I'm not that bold, young, but I'm that old. I don't think---"

"That's my seat. So step out." Sabi nya matapos haltakin ang headset mula sa tenga ko.

"Aba buwisit 'to ah! Kala mo kung sino! Close ba tayo para haltakin mo yung headset ko? Pag ito nasira! Kala mo!" Sigaw ko sa kanya sabay tayo at lumipat ng upuan sa tabi nya. Malas dahil yun nalang ang available seat. Akala mo nabili nya yung upuan na yun!

"Tss. So childish." Rinig kong sabi nya. Kaya naman sa inis ko ay minostra ko kung paano nya sinabi yun..

"Tss. So childish." Sabi ko na nagmemake face. "Childish mo mukha mo! Saksak mo sa baga mo yan upuan na yan!"

"Mauna ka. Ikaw naka-isip, diba?" Sabi nya at naglagay ng headphones. Kinabog ang headset ko!

"Edi wow." Sagot ko nalang at tumahimik na dahil sakto ang dating ng Prof. Dahil kung nalate pa sya ng isang minuto ay baka mga pulis na ang naabutan nyang nandito at dinadampot ako dahil napugutan ko na ng ulo ang lalaking yan!

"Okay Class, for now ay wala muna tayong klase dahil may emergency meeting ako. I just drop by para ibigay sa inyo itong activity. To be pass on next meeting." Mahabang sabi ng Prof ko. Emergency meeting daw! Baka emergency birthday party kamo. Palusot pa!

"See you when I see you. Goodbye Class." At umalis na sya.

Matapos nyang umalis ay nagpamigay na photocopy yung President kuno namin.

"Guys! Groupings pala 'tong activity eh. Hanap nalang kayo ng Groups nyo nyo ha. By four lang!" Pagkatapos nyang sabihin yan ay kaagad akong tumingin sa likod at nakakita ng bruhang papalapit sa akin.

"As usual! Ikaw na naman ang kagroup ko. Ikaw at si Gio." Sabi ko.

"Aba! Maswerte ka nga at dyosa ang palagi mong kagroup eh!"

"Hoy! Grasyang di galing sa langit, wag mo kong biruin ng ganyan kung ayaw mong isunod na kita sa pinanggalingan mo kung saan man yan."

"Wag mong babuyin ang pangalan ko, Miracle." Asar nya sa akin.

"Yuck! Pwede ba, Denise ang pangalan ko at hindi Miracle!" Reklamo ko sa kanya.

"Miracle Denise Samonte, I am your bestfriend. Alam ko kung anong dapat kong itawag sayo."

Salita lang sya ng salita nang mapansin kong, lahat ng kaklase ko'y may grupo na pwera sa katabi kong ungas.

"Nakikinig ka ba Mi---."

"Hoy." Tawag ko sa lalaking katabi ko.

"Sa grupo ka nalang namin sumali. Wag ka nang mag-inarte dahil kami lang ang tatanggap sayo." Sabi ko at tinignan nya lang ako. Matapos ang inabutan ako ng maliit na card at umalis na.

"Aba tignan mo 'tong--- Bwisit talaga!" Dabog ko at saka tinignan ang maliit na Papel na ibinigay nya. Nagulat ako ng makita ko ng nakalagay sa Card,

James Simon Legaspi
0943******* Smart
0905******* Globe

What the! Sya yon? Sya yung lalaking ini-stalk ko sa FB! Sya yung model! Yung gwapo na may--- Abs. Likers nya pa naman ako tapos ganun ang ugali! Argh! Bakit di ko sya namukhaan agad?!

Nawindang naman ang kagandahan ko sa mga sumunod na pangyayari. Dahil bumalik sya at sinabing,


"Thanks for the flood likes." He said smiling and he moved out of the classroom.

Is this the end of the universe? 'Cause I'm doomed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nisekoi (A False Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon