Prologue

3 0 0
                                    

Prologue

~ GREATNESS FROM SMALL BEGINNINGS ~

Starting:

Danielle Amber C. Arncheta
And
Arnold Adrian G. Albeno

-----

"Kuya!"
Sigaw ko sa isang customer na nakalimutan ang kanyang sukli.

"Hoy, kuya! Sukli mo po!"

Napansin kong hindi niya ako narinig, kaya tinakbo ko na lang.

Huminto siya sa isang stall para bumili, kaya dali-dali ko siyang tinapik para maibigay ang kanyang sukli.

"Sir, sukli niyo po," sabi ko habang hinihingal.

"Ay, hala, sorry, nakalimutan ko," sagot niya.

"Okay lang ho, sir," sagot ko.

Binigay ko ang sukli, at agad naman siyang nagpasalamat.

Bumalik agad ako sa pwesto namin nang maibigay ko na ang kanyang sukli.

"Dan, bakit mo pa tinakbo ang sukli? Di na natin 'yun problema," tanong ni ate Beng habang nakatingin sa akin mula sa stall kung saan nagtitinda kami ng Japanese cake.

"Ate, "Alam mo, para sa akin, maliit na bagay lang yan, pero mahalaga. Ang pagbabalik ng barya ay hindi lang tungkol sa pera; ito'y tungkol sa pagpapakita ng malasakit sa mga tao. Kung nag-iwan siya ng barya, madali na lang na isipin na 'di na siya karapat-dapat dito. Pero gusto kong ipakita na importante ang bawat tao.

Minsan, ang mga simpleng kilos, kahit gaano kaliit, ay pwedeng makagawa ng malaking epekto. Kapag ginawa ko ito, baka balang araw bumalik siya sa tindahan, o masabi pa niya sa iba na maganda ang serbisyo dito.

Kaya para sa akin, kahit maliit na bagay, pwede itong magbukas ng mas malalaking oportunidad. Gusto kong maging bahagi ng isang magandang reputasyon para sa tindahan, at yun ang dahilan kung bakit ibinalik ko yung barya niya."

Tumingin si Ate Beng sa akin at tumango-tango, bago muling ibinalik ang atensyon sa mga dumadaang tao na posibleng bumili ng Japanese cake.

Habang nag-aayos ako ng mga Japanese cake, napansin ko ang isang lalaking bagong customer. Kasing-edad siya ng kuya ko, siguro nasa late twenties na, ngunit hindi ko siya kilala, pero mukang pamilyar sya. May hawak siyang listahan at mukhang medyo alanganin, na para bang hindi sanay sa ganitong lugar.

"Good afternoon po, gusto niyo bang tikman ang Japanese cake namin?" bati ko sa kanya. Dahil sa maliit ang tindahan namin, sanay na akong makipag-usap sa mga customer.

Nagulat siya sandali, bago sumagot. "Ah, oo, sige. pwede bali 30 ?"
Mukhang nahihiya siya, pero ngumiti siya nang konti.

"Sure! Mainit pa 'to," sabi ko, habang nilalagyan ng anim na piraso ang supot.

Napansin kong tahimik lang siyang nagmamasid, hindi kagaya ng iba naming customer na madalas tanungin kung ano ang laman ng mga stall sa paligid. Parang may iniiwasan siya o nagmamadali. Naisip ko tuloy, baka bago lang siya dito.

"Bago lang ho kayo dito sa lugar?" tanong ko, iniabot sa kanya ang kahon.

" Ahh oo, dito ako nag-aaral malapit," sagot niya, mukhang hindi sanay sa ganitong pag-uusap.

"Ah, kaya pala," sabi ko, bago ko siya sinuklian ng isang mabilis na ngiti. "Kung gusto niyo ng dagdag na Japanese cake, mura lang po para sa suki."

Napangisi sya at nagpasalamat bago umalis matapos magbayad.

Pagdating ng alas-siyete ng gabi, pakiramdam ko ay halos di na ako makatayo. Inayos ko pa ang mga gamit sa tindahan bago magsara. Ang bigat ng katawan ko sa pagod, pero kailangan kong asikasuhin ang mga natira pang Japanese cake, pati na ang mga gamit na ginamit ko sa araw na iyon. Sa kabila ng pagod, may kasiyahan din akong nararamdaman tuwing naiisip kong nagugustuhan ng mga tao ang mga tininda kong cake.

Greatness From Small Beginnings Where stories live. Discover now