~Chapter 2
Troy's POV
Isang foreigner?
Oo nga. Ang ganda niya sa malapitan. Maputi, matangos ang ilong, blue eyes at blonde na buhok.
Kaso mukha na siyang may anak na. Siguro mas maganda siya noong kabataan niya.
"Hi there, can I ask you something?" Tanong niya with accent. Pero hindi ko alam kung anong klase ng accent yun.
"Sure po.. I-I mean sure!" Sagot ni Henson na parang hindi pa sigurado kung lalagyan niya ng "po" ang sagot niya.
"Where can we find Villa Corta's High?" Naka-ngiti niyang tanong samin. E school namin yun e.
"Just straight off this way and you'll see our school." Ang sagot ko habang tinuturo ang daan papunta ng school.
"Oh, it is good seeing nice students from that school. I hope all of your schoolmates are very nice too." Mahaba niyang sabi. Sa tingin ko dumudugo na ilong ng katabi ko kaya ako na lang rin ang sumagot.
"Oh yeah, but not all of us. There's a lot sorts of students in our school, some are jerks and.. brats." Ang sabi ko at nagsabi lang naman ako ng totoo. Siniko naman ako ni Henson at bumulong.
"Balak mo bang siraan ang School natin?"
Sumagot naman ako ng, "But I'm just telling undying truth." dahil totoo naman e. Ang daming baliw sa school namin.
"Oh I wish I'm not wrong for choosing your school for my daughter." Daughter? Teka, hindi kaya-- "Okay, thanks for the infos. We gotta go. Bye!" At umalis na nga sila. Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad pauwi.
"Troy, hindi kaya siya yung--" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil mukhang alam ko na kung ano yun.
"Siya nga siguro yung Mama nung Chloe."
--
Kinabukasan..Sinigurado ko ng hindi na ko male-late ngayon dahil inagahan ko na ang paggising. At sisiguraduhin ko rin na hindi na mauulit yung katangahan ko kahapon. Hindi na talaga.
Pero tae lang, ngayon nga pala yung punishment kong pagtayo sa buong oras ng klase sa English. Tsk. Hayaan mo na nga, wala rin naman akong magagawa e.
Papasok na sana ko sa gate ng school ng mapansin ko ang pamilyar na white na van na naka-park sa gilid. Nandito ulit sila?
Pumasok na nga ako ng school at konti palang ang nakikita kong mga estudyante. Mukhang napaaga nga ako ah? Ayos na 'to para sigurado.
Pumunta na ko ng classroom at naroon na si Henson. Ang aga naman ng isang 'to.
"Troy, nakita ko si Ms. Foreigner kanina." Bungad niyang sabi.
"Tapos?"
"Kasama niya yung Chloe." Ah, sabi na nga ba e. Mag-ina yung dalawa na yun.
"Ano, maganda ba?" Tanong ko. Kung maganda nga siya, lagot talaga siya kay Jorens. Maniac talaga yung isang yun e.
"Bakit mo tinatanong? Interesado ka sa kanya no?" Tanong naman niya na naka-ngiti pang parang nang-aasar. Sira ba siya?
"Hindi ah! Tinatanong lang e!" Pasigaw kong sagot. Hindi naman kasi talaga e.
"O bakit defensive ka? Saka bakit ka namumula?" Tae, namumula ba ko? Bakit nga ba ko namumula?
"Hindi ako defensive at hindi ako namumula." Madiin kong sabi na para bang guilty na guilty. E hindi naman e.
"Uyy, Chloe.." Pang-aasar pa niya. Naka-singhot na naman siguro 'to ng kung anong droga.
"Magtigil ka nga Henson." E parang tinanong ko lang naman kung maganda yung Chloe e.
Hmmm.. Maganda nga kaya?
"Kung iniisip mo kung maganda ba, oo ang sagot Troy." Nabasa niya ba isip ko?
"Baliw!"
Dumating na nga si Ma'am Roque at gaya ng inaasahan ay pinatayo na niya ko sa bandang likuran ng classroom. Nakita kong palihim akong tinatawanan ni Henson. Lagot sakin 'tong isang 'to mamaya.
Ayun, 20 minutes na kong nakatayo at ngawit na ngawit na ko! Urgh, hindi ko na alam gagawin ko. Ilang beses na kong nagpalakad-lakad dito para lang mabawasan ang pangangalay ng paa ko. Hindi naman ako maka-upo dahil naka-tingin lagi si Ma'am sakin. Psh. Bwiset.
Kasalukuyan akong nakatunganga nang mapansin kong lumabas si Ma'am Roque ng classroom. Yes! Sa wakas ay naka-upo din ako. Wuhuu!
Tuwang-tuwa pa man din akong naka-upo ng bigla ulit pumasok si Ma'am kaya napatayo ulit ako. Sayang, akala ko pa naman ligtas na ko. Tsk.
"Okay class, listen up. There's a transferee in our school came from Australia." Biglang sabi ni Ma'am na ikinagulo ng lahat. Australia? Wag mong sabihing-- "And her average belongs to your section. So here she is. Please come inside Ms. Smith."
Nakayukong pumasok ang maputi at may blonde na buhok na babae. Hindi ko makita ang itsura niya. Humarap din naman ito at nagpakilala.
"Hello. Uhm, I'm Chloe Smith and I am from Sydney Australia. Please be nice to me." Nahihiya niyang sabi with accent na malamang ay Australian accent yun. Ang ganda lang niya habang nagpapakilala. At ang ganda lang ng boses niya. Ang lamig sa tenga na parang anghel ang nagsasalita.
"Okay good. So you can sit beside Ms. Gail Sebastian." Kumaway naman si Gail para makita siya ni Chloe. At umupo naman ito sa tabi niya gaya ng sabi ni Ma'am Roque.
Maya-maya ay kita kong nagtatawanan na ang dalawa. Ang cute lang niya habang tumatawa.
"Hoy!" Biglang batok ni Henson sakin na ubod sa sakit. Ano na naman bang problema ng isang 'to?
"Bakit ba?!" Reklamo ko kasi nga ang sakit ng batok niya.
"Kaka-alis lang ni Ma'am Roque, bakit hindi ka pa maupo? Hindi ka pa ba ngawit ha?" Umalis na pala si Ma'am? Hindi ko man lang napansin.
"Ganun ba? Hindi ko napansin e." Ang sabi ko lang at pumunta na sa upuan ko. Sinundan naman niya ko dahil katabi ko lang siya.
"Oo. At hindi mo napansin dahil kanina ka pa kasi titig na titig kay Chloe!" Ang sabi niya na ikinagulat ko. Ha? Nakatitig? Ako?
"Hindi ah!" Hindi naman talaga e.
"Oo nga! Kanina pang pagpasok niya, nakatitig ka na." Sab niya pa. Binatukan ko na dahil kanina pa siya nang-aasar.
"Hoy, kanina ka pa ha!"
"Totoo naman sinasabi ko ah!" Anong totoo? E hindi ko man nga lang sinulyapan si Chloe kahit minsan, titig pa kaya. Teka, hindi nga ba?
"Kapag hindi ka pa tumigil, masasapak kita!" Naka-amba na ang kamay ko na sasapakin siya. Natakot naman ang baliw kaya huminto na rin siya.
Tinignan ko ulit si Chloe kung anong ginagawa niya at nakikipag-usap pa rin siya kay Gail. Kapag nakikita ko siya, parang ang gaan ng pakiramdam ko. Hays, ewan.
Ngayon, masasabi ko nang, "Maganda nga talaga siya.."
- - - - -
A/N: Medyo dry at maikli pa rin na chapter. Salamat sa patuloy na nagbabasa. XDEmma Watson as Chloe Smith. :)
BINABASA MO ANG
Blood Blonde
Mystery / Thriller"Pagbabayaran niyo lahat ng mga ginawa niyo. Wag na kayong magtago pa... . . . . Wala rin kayong mapupuntahan." . .