CHAPTER 46

14 8 1
                                    

Ara's POV

Ngayon na ang araw ng exam. Matapos ang foundation day, hindi ako umattend. Nasa kuwarto lang ako, nakakulong, at hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari.

Sa ilang araw kong pamamalagi dito sa Pamilya Hernandez, medyo naiilang pa rin ako. Ang lamig ng pakikitungo ko sa kanila, at siguro naman, naiintindihan nila 'yon.

Napatitig ako sa sarili ko sa vanity mirror. Ayos na ako—uniform na binili ni Papa, bago pa, pero AIS pa rin ang logo. Lahat ng wala sa akin, binili nila para kumpleto.

Lumabas ako sa balcony at tumingin sa langit. Malalim akong huminga, pinipilit ipunin ang lakas na kailangan ko para harapin ang araw na 'to.

"Lolo..." bulong ko, kasabay ng pagdampi ng hangin sa mukha ko. "Para sa'yo, ipagpapatuloy ko ito."

"Miss Ara..." Pumihit ako paharap sa maid. "Ready na po ang sasakyan..." nakatungo nitong sabi. Ngumiti ako ng pilit at lumabas na ng kuwarto.

Pagbaba ko, nakita ko sina Mama at Papa, pero wala si Ezekiel at Troy dahil pumasok na sila nang maaga.

"Oh... anak, papasok ka na?" tanong ni Mama. Pilit akong ngumiti.

"Hmm.."

Tumayo silang dalawa at niyakap ako. Malambing talaga sila, ramdam ko ang pagmamahal nila kahit na malamig pa rin ako sa kanila.

"Mag-iingat ka, ha," bulong ni Papa sabay halik sa noo ko. Ngumiti lang si Mama at sinenyasan akong umalis na.

Pilit ko ulit tinago ang bigat sa dibdib ko. Hay, kaya ko 'to.

Lumabas na ako ng mansion at sumakay na sa kotse. Sinabi ko na ako na lang ang magmamaneho dahil kaya ko naman, pero agad silang umiling.

"Anak, baka mapano ka pa. Mas mabuti nang may driver ka," sabi ni Papa na puno ng pag-aalala. Hindi ko na pinilit pa kahit gusto kong patunayan na kaya ko. Ang ending, ipagmamaneho ako ng isa nilang driver.

Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik akong nakatingin sa bintana. Hindi ko maiwasang mag-isip. Iba pa rin talaga ang pakiramdam, pero... ito na 'to. Sisimulan ko na ulit.

"Uh, Miss Ara, kamusta naman po ang buhay niyo dito sa Pamilya Hernandez?" tanong ng driver habang nagmamaneho, bakas ang pag-usisa sa boses niya.

Napatingin ako sa rearview mirror, nakita ko ang mata niya na parang curious talaga. Saglit akong natigilan bago sumagot, hindi pa rin ako sanay na tinatawag akong "Miss Ara" ng mga tao dito. Mas sanay ako ma'am....Ma'am Haira.

"Okay naman," tipid kong sagot, sabay balik ng tingin sa labas ng bintana. "Medyo... naninibago pa rin. Pero okay naman sila."

Alam kong wala siyang masamang intensyon, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-ingat. Masyadong bago ang lahat para sa akin, and honestly, I'm still trying to figure things out.

"Sobrang bait po ng Pamilya Hernandez, sa totoo lang po ilang taon na po akong driver nila," tuloy niya, halatang comfortable na sa kwento. "Alam na alam ko po ang mga nangyari sa Pamilya Hernandez dati."

Tahimik lang akong nakatingin sa labas, pero pinapakinggan ko siya. Hindi ko akalaing magiging ganito ang buhay ko, kasama ang isang pamilya na noon akala ko’y malayo sa akin. At ngayon, naririnig ko ang ibang tao, tulad ng driver, na alam din ang history nila.

"Talaga?" Sagot ko ng mahina, curious pero hindi halata. "Ano bang mga nangyari noon?"

Narinig kong huminga siya ng malalim, tila nag-aalala kung dapat ba niyang ikwento.

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now