[Louise]
Almost one week na rin ang lumipas mula nang ma-broken ako kay Brent. Nakikita ko siya sa school dahil classmates kami sa ibang subjects ko. Iniiwasan ko na nga siya, tho, masakit pa rin talaga at mahirap para sakin ang iwasan siya. Gusto ko talaga siya eh. Nakadagdag pa ng sakit iyong makikita kong sinusundo siya ng girlfriend niya sa room namin after class. First time kong makita ang babae at lalo akong naiyak with the thought of ang laking ganda ko do'n—hindi sa pagmamayabang. Real talk lang.
"Hoy, Louise! Natulala ka na!"
Nawala ako sa pag-iisip dahil sa sigaw na iyon ni Rica. Kanina pa kami nakatambay dito sa unit. Friday ngayon at wala kaming pasok dahil may something activity sa school. Mamaya ay uuwi kaming Laguna dahil debut ni Rica sa linggo. At syempre, kaming mga friendships niya ay kasali sa debut niya. Nagpaalam na ako sa parents ko na doon ako uuwi kina Rica. HAnggang sunday kami doon then luluwas nalang kami ng Monday ng umaga pa-Manila. Alas-diyes pa naman ang first class namin no'n.
"Ano nga iyong tanong mo?" tanong ko.
"May isusuot ka nab a para sa sunday, kako?"
"Ah, madali na 'yon. 'Diba bukas bibili kami nina Yen sa SM Sta. Rosa."
Tumango-tango siya. "Ah, sige. Basta bukas hindi ko na kayo masasamahan kasi alam mo na, magiging busy ang debutant." Nakangiting sabi niya.
"Oo naman. Para ;yon lang. Hindi naman kami maliligaw doon. Hello, taga-Laguna din ako. Si Yen, ililigaw ko. Haha!"
"Baliw ka talaga. Pero, Louise.."
"O?"
"Masaya ako na nakakatawa ka na ulit." Seryosong sabi niya.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Nalungkot na naman ako pero na-appreciate ko naman sina Rica dahil lagi nila akong kino-comfort. Comfort in other way. Mula kasi noong na-reject ako ni Brent, lagi akong umiiyak sa kwarto ko. Hindi na nga ako sumasama sa mga gala nila o kahit bonding lang dito sa mismong unit ko. Ilang beses nila akong sinubukang ayain, pero wala. Walang nakapilit sa'kin dahil hindi ko kayang magsaya. Ang sakit sakit naman kasi. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakaka-move-on pero sinusubukan ko na namang kalimutan siya eh. Hindi nga lang ganoon kadali.
Minsan kasi, kahit gusto ng isip ko na alisin na siya sa sistema ko, ayaw naman ng puso ko. Mahirap ding kalaban ang puso, minsan.
"Oo nga eh. Isang lingo rin akong nagsayang ng luha." Sabi ko.
"H'wag mo na ulit iiyakan si Brent. May ourpose si God kung bakit nasasaktan ka ngayon. Siguro dahilhindi talaga siya ang para sa'yo. Malay mo, may darating na lalaking para sa'yo na makakatulong sa'yo na makalimutan si Brent. Iyong mamahalin ka at iyong deserving para sa'yo."
Natat-touch ako kaya naluha ako. Hidni dahil sa sakit na dulot ni Brent kundi dahil ang katotohanang may mga kaibigan akong handing making at bigyan ako ng advise.
"Thanks, Rica. Sana nga.."
"Kaya, cheer-up ka na ha? Dapat maganda ka sa debut ko. Malay mo doon mo na makita si Mr. Right—na mas angat ng million times kay Brent." Nakangiting sabi niya.
Baliw talaga 'tong si Rica. Alam naman nilang hindi ako ganoon kadaling magka-crush o ma-attract sa isang lalaki. Lalo na ngayon na may Brent pa ring nag-e-exist. Hindi naman ako katulad nila na makakita lang ng gwapo, kinikilig na. May kasama pang hampas. More on ugali and talet kasi ako tumitingin. Aanhin ko naman kasi ang gwapo tas patapon naman—I mean, walang talent, masama ugali o basta walang ipagmamalaki kung hindi ang mukha niya.
Iyong ka-gwapuhan, nagpe-fade Eh ang talent at katalinuhan? Pang-habambuhay iyon.
"Oo nalang."
BINABASA MO ANG
The Substitute
General FictionNagsimula sa pagpapanggap dahil sa isang pabor. Pumabor din kaya si Kupido at ang tadhana?