"Mayroong isangdaan at dalawangpu't dahilan kung bakit hindi para sayo ang kwentong ito ngunit... gusto ko pa ding magpasalamat dahil kahit pilit kitang inaalis sa bawat kabanata ng buhay ko gumagawa ka pa din ng paraan para makasama ka sa magulong istorya ng buhay ko."
"Mabuti at nakuha mo. Kaya kahit anung pagpapalayas mo sakin pilit ko parin ipagsisik-sikan ang sarili ko maging bahagi lang ng kwento mo."
"Mahal kita Lucas"
"Mas mahal kita Athena" Inakbayan niya ako at naglakad palabas ng park. Ayoko pang umuwi sigurado pagkauwi namin. Magbabago na ang lahat.
"Lucas kung may hihilingin ka anu yun?"
"Nandito kana kaya wala na kong hihilingin pa."
"Sige na.. gusto kong malaman."
"Gusto kong mayakap ang Mommy ko...." Mahilig magkwento si Lucas tungkol sa Mommy niya, kaya ramdam ko na noon pa lang simula na nalaman niya na hindi ako normal na tao gusto na niyang hilingin sakin ang bagay na imposble mangyari. Kaya lang alam rin niya ang consequence na mangyayari kapag ginawa ko ang bagay na iyon.
Mamatay ako.
Isang buhay ang magkakaroon at isang buhay din ang babawiin.
Pero hindi niya ginawa, hindi siya humiling ng kahit ano sakin,kahit alam niya ang kaya kong gawin.
Kahit alam niya na handa akong gawin iyon para sa kanya.
"Athena.." Narinig ko ang boses ni Daddy sa isip ko. Alam ko na eto na ang huling araw naming dalawa, gusto ko pa sanang pahabain ang oras pero hindi ko iyon kaya. Ang kaya ko lang ang pahintuin ito pansamantala.
"..noon yun ang hiling ko pero ngayon ang wi----" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at pinatigil ko na ang oras. Kahit hindi ako lumingon alam ko na tumigil lahat ng nasa paligid ko at kung meron man hindi nakasama sa paghinto iyon ang mga luha kong patuloy na umaagos. Alam ko na ang hiling niya, at sa sitwasyon namin hindi ko iyon kayang ibigay.
Gustuhin ko man, hindi pwede. Hindi maari. Hindi pahihitulutan ng konseho.
Hinaplos ko ang mukha niya at tinignan siyang mabuti, gusto ko itatak sa utak ko ang itsura niya dahil eto na ang huling araw na makikita siya ng ganitong kalapit. Susulitin ko na ang ilang minuto ganito kami dahil pagkatapos nito hindi na niya ako maalala.
"Maaring hindi matatandaan ng isip mo pero naniniwala ako na matatandaan ng puso mo na mahal kita. Isa ka sa pinaka magandang kabanata sa buhay ko. Pinaka magandang nangyari sa buhay ko Lucas." Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak sa balikan niya. Masakit sa akin ang gagawin kong pagtangal ng ala-ala niya, gaya ng ginawa ko kay Abrie. Pero wala kong ibang pagpipiliin kung hindi madadamay lang sila at ayokong mangyari ang bagay na yun. Kung meron lang sana ibang paraan hindi ko ito gagawin, kung sana nahatulan lang ako ng mas maaga magagawa ko sanang protektahan silang dalawa.
Nawalan ako noon ng mga kaibigan dahil kakaiba ko sa mga normal na tao, iniwisan, kinukutya, nilayuan, kinatatakutan. Ngayon, nagkaroon ng minamahal at kaibigan pero mawawala na naman. Ganito ba talaga ang kapalaran ng katulad ko?
Anu bang kasalanan ko? bakit pinaglalaruan ako ng mundo? Bakit hindi ako pinanganak tulad ng normal na tao? Bakit nagkaroon pa ng ibang tao sa katauhan namin mga sorcerer? Hindi ba kami pwedeng ituring na normal? Mabuhay ng normal?
Nakatakda ba talaga ako ba nagisa? Eto ba ang kapalit ng mayroon kapangyarihan pero walang kaibigan at minamahal? Sabi nila the judgment day will be base on our heart. Kung gugustuhin ba ng puso ko na maging normal na tao iyon ba ang mangayayari?
"Athena tama na.."
"Bakit hindi sinakop ng kapangyarihan natin ang pagmanipula sa tadhana? Bakit hindi pwedeng umibig ang mortal sa immortal? Bakit kailangan humantong sa ganito? Bakit!"
BINABASA MO ANG
The Heartbeat (One-shot)
Fantasy"Mayroong isangdaan at dalawangpu't dahilan kung bakit hindi para sayo ang kwentong ito ngunit..."