Chapter 26

30 1 0
                                    

"Merry Christmas!" masigla kong bati pagkababa sa dining room. Naroon na silang lahat at busy sa paghahanda ng bonggang almusal.

Unforetunately, wala nang nakabangon ng alas dose para mag-Noche Buena. Hindi ko alam kung dala ng alak na nalimutan na namin na kagabi pala ang salubong ng Pasko.

Maski kami ni Sonnet na naiwan sa roof deck ay hindi na nakapagbatian dahil sobrang tahimik din naman ng paligid. Ang layo namin sa ibang mga transient. Hindi namin naramdaman na Noche Buena na pala.

"Oy, gising na pala ang prinsesa," panunuya ni Kuya Ali habang naglalapag ng mga plato. "Merry Christmas."

I rolled my eyes at him. "Sorry naman po, kamahalan. Napuyat ako kagabi. Ang dami niyo kasing alam." Hinila ko ang bakanteng upuan sa tapat ni Sonnet at naupo na.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang inaalala ang mga nangyari kagabi.

Pagkatapos kasi naming kumain kagabi ay nagkwentuhan lang kami doon hanggang alas kwatro ng madaling araw. Kung ano-ano lang naman ang napag-usapan namin. Walang kakaiba. Mostly about sa graduation niya next year at sa start naman ng OJT ko.

Gusto ko sanang i-brought out ang tungkol sa wedding nila Daddy, kung ano na ba ang stand namin doon at kung paano namin sila kakausapin about sa relationship naming dalawa pero palagi akong inuunahan ng kaba at takot.

Pakiramdam ko kasi nag-aadjust pa si Sonnet sa status naming dalawa. Siguro naghihintay din siya ng tamang oras para sabihin 'to sa mga magulang namin. Tama naman na hindi pa namin iklaro sa kanila ngayon dahil baka masira lang ang celebration bukas. Birthday na namin ni Kuya Cart.

Ayaw ko pa sanang matulog kaninang alas kwatro pero alam kong kailangan ko dahil maraming gagawin ngayong araw para sa preparation ng handaan bukas. Although handaan lang 'yon ni Kuya Cart dahil mamayang gabi ay uuwi na ako kay Mommy.

Kuya Ali said he'll drive me back home since uuwi na rin si Summer.

"Hi. Merry Christmas," masaya kong bati kay Sonnet nang tumingin din siya sa akin. "Did you sleep well?"

Matagal siyang nakatitig lang sa akin bago pagod na ngumiti. "Yeah."

Napakunot ang noo ko. "Are you okay?"

Hindi siya kumibo at hindi na siya ulit tumingin sa akin. Bakas na bakas ang puyat sa mga mata niya.

Malakas ang naging kabog ng dibdib ko dahil sa hindi niya pagsagot kung ayos lang ba siya. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil iba ang awra niya ngayon kumpara kagabi.

Okay naman kami kagabi hanggang sa matapos ang kwentuhan namin. He even kissed me good night pagkahatid sa kwarto namin nila Tita. Pero bakit parang wala siya sa mood ngayon?

Hindi ba siya nakatulog ng maayos? O nakatulog pa ba siya? Masyado ko ba siyang napuyat kanina?

Ilang beses niya akong inayang matulog na kanina pero sobrang hyper ko. Dala na naman siguro ng alak.

Nakokonsensya tuloy ako. Bakit kasi ang kulit ko, e?

"G-Gusto mo ng soup?" alok ko sa kaniya kahit nag-aalangan akong kausapin siya dahil baka hindi niya lang ako pansinin.

Tipid lang siyang ngumiti at tumango. Kinuha niya ang sandok na hawak ko at siya na mismo ang naglagay sa mangkok niya.

Isang salok lang ang ginawa niya at binaba na niya ang sandok at mangkok. Ni hindi man lang niya hinigop o tinikman 'yon. Parang kumuha lang siya para tumahimik na ako sa pag-aalok sa kaniya.

May nagawa ba akong mali? May nasabi ba akong mali? Galit kaya siya sa akin? Bakit?

Hindi ko na maituloy ang pagkain ko dahil pinagmamasdan ko na lang ang bawat emosyon at galaw niya. I don't even know if he knows I'm staring at him.

Dis-Engagement ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon