Day Eight
May 24, 20**
Dear Ma and Pa,
They said that after a rain, there's a rainbow... Derp... It seems people are so positive with that statement. Ma, Pa, I just wanted to tell you that I changed my mind in regards in finding Andrew's mother. I have hope. I've seen the light, the guide I needed. At the right time, when I almost give-up.
I'm going to update you as soon as possible. I'm sorry for very short messages. I hope that you understand that I hate being mushy and I always wanted to go straight to the point.
Your Son,
Marcus
**
Nakatingin lang ako sa babae sa harapan ko. Nakaupo siya sa aking kama. Ako naman ay nakaupo sa silya sa harapan lang niya. Nakatayo sa tabi ko si Pedro, nakabukas ang kanyang bunganga. Halatang nabigla ito. Kanina pa iling ng iling si Lucy sa gilid malapit sa bintana. Ako, di lang ako makapag-salita.
Umiyak sa gitna ng katahimikan si Annie. Humahagulhol ito. Wala akong magawa. Wala kaming magawa. Naikwento ko na lahat kina Pedro at Lucy. Halatang namangha sila. At nagulat. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inabot ang pink na tela na nasa aking bulsa. Ang telang inabot ko sa kanya ay ang telang nahulog niya noong nakaraan sa corridor. Medyo nagulat si Annie pagkaabot ng pink na tela.
"Akala ko, wala na ito," sabi niya.
Tinitigan niya lamang ito kaysa ipunas sa basang mukha niya.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Kay ate itong telang ito."
"Ate?" ulit ko.
Tumango siya. At nagkwento siya... katulad ng inaasahan ko.
Di siya tumingin sa amin, nakatingin lang siya sa kanyang hita habang kinukusot ang pink na tela sa kanyang mga kamay.
"Wala namang talagang multo dito sa hotel," simula ni Annie na medyo kinagulat naman ni Pedro, "Pakana lang iyon ni Mama para matakot kayo."
Napakunot-noo ako, "Kami? Bakit kami?"
Tumingin sa akin si Annie, namumula ang mga mata nito, "Nalaman ni Mama na hinahanap niyo si Ate, ayaw niyang malaman niyo," sabay hinawakan niya ang aking kamay na siyang kinagulat ng kalamnan ko, para bang biglang nagbuhol-buhol ang pakiramdam ko, "Marcus, ang Ina Inigo na hinahanap niyo ay ang ate ko."
Katahimikan. Lahat kaming nakarinig ay halatang nagulat sa balita ng dalaga sa aming harapan. Mas lalong napahigpit ang hawak ni Annie sa aking kamay, "Binayaran ni Mama si Mr. Enrico para sana lituhin kayo, pero medyo nahuli siya. Ngayon ginagawa ni Mama lahat para sana mapalayo kayo sa totoo niyong hinahanap. Pero, halos lahat ata ng ginawa niya ay huli na. Noon pa man ay binabantayan na kayo ni Mama. Gusto niyang wag niyong hanapin si Ate Ina. Hanggang sa maisip niyang buhayin ang tsismis tungkol sa namatay na dalaga dito sa seventh floor. Inutusan niya akong magpanggap na multo para sana takutin ka. Lagi niya akong pinagsusuot ng pregnancy belly para maluko kita at ang ibang taong kailangan kong takutin para mukhang magkatotoo ang kwento. Ang biglaan na sira ng elevator pag kasama mo ako ay scripted rin. Binayaran ni Mama ang operator para gawin iyon at tumahimik," lumunok ito bago nagpatuloy, "At saka...
Buhay pa si Ate Ina."
**
Palubog na ang araw. Napag-isipan kong pumunta ng swimming pool area para sana magpahangin. Mamaya kasi ay pupunta kami ng Cagayan, sa lugar ng mga Inigo. Pagtapak ko sa lugar, nakita ko sina Lucy at Annie. Di nila nakita ang aking pagdating. Nakaupo silang dalawa sa may plastic chairs malapit sa entrance. Tumayo ako malapit sa kanila, tama lang para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Wala akong balak mag-eaves drop, pero di ko alam...
"So, Kumusta na ang ate mo?" tanong ni Lucy kay Annie na siya naman nakayuko, ngunit halata ang namumugtong mata.
"Mabuti naman siya, ngunit malala na kasi ang depresyon niya," mahinang sagot ni Annie.
Naikwento na ng dalaga ang nangyari sa ate niya seven years ago. Pumunta talaga si Ina at ang nanay niya sa hotel na iyon. Dahil sa pangit na reputasyon ni Ina, pineke nila ang kwentong 'suicide' sa hotel. Walang pakialam si Mrs. Inigo kung papangit ang reputasyon niya dahil doon, basta ang importante sa ngayon eh, wala na si Ina. Wala na siya, sa akala nila. Tinago ni Mrs. Inigo ang kanyang dalagang anak sa isang lugar sa Aurora at dito na rin naisilang ang sanggol. Dito na rin niya pinamigay ang sanggol kay Mr. Enrico na nag-ha-handle sa orphanage, at saka nagsinungaling kay Ina na patay ang sanggol. Sumama ang loob ni Ina kaya't di niya naalagaan ang sarili niya. Nadepress ito at para bang nawala sa sarili. Pinunta ito sa Amerika para ipagamot... at hanggang ngayon eh nandoon.
"Gusto mo bang magkita na si Ina at ang anak niya?" tanong muli ni Lucy, na gustong sabihin sa anak ni Ina ay si Andrew, ang kapatid ko.
Sa loob-loob ko masaya ako at sa wakas nahanapan ko na ang nawawalang pamilya ni Andrew. Sa wakas...
"Oo naman," tahimik muling sagot ni Annie.
May mahabang katahimikan. Bigla na lang umihip ang hangin. Linilipad ng hangin ang buhok ng dalawang dalaga. Sa paglubog ng araw, iniilawan nito ang maamong mukha ni Annie at ang magandang mata ni Lucy. Aalis na sana ako ng natigilan ako sa sumunod na tanong ni Lucy kay Annie.
"Anong meron sa inyo ni Marcus?"
Lillingon sana ako, para tignan ang ekspresyon ni Annie, pero naisip ko... wala naman... di ba?
"Gusto ko siya..." sagot ni Annie.
Napalunok ako sa narinig ko. Di ko na pinakinggan ang mga susunod. Ayaw ko kasing malaman ang kasunod sa sasabihin ni Annie, na gusto niya ako... bilang kaibigan... bilang kuya... o kaya bilang isang matandang lalaki na gumabay sa kanya... dahil bata pa siya para sa akin...
Kasi... pag nalaman ko na gusto niya ako dahil lang sa mga mabababaw na rason na iyon...
Masasaktan ako...
Dahil...
Gusto ko siya...
At hindi ko kailangan ipaliwanag iyon...
**
Malapit na ang pagtatapos... naks naman...
Anyways, thanks sa time for reads, vote and even comments :)
_tagalog_
BINABASA MO ANG
10 Days with Ms. Preggy [Completed]
Não Ficção"Mas pipiliin kong magpalaki ng mga aso kaysa magpalaki ng sanggol na ang alam lang gawin ay umiyak, kumain, tumae at sirain ang buhay mo." Ito ang mga salitang lumabas sa bunganga ni Marcus ng makasabay sa elevator ang buntis na si Annie. Ngunit di...