-UNANG PAGTATAGPO-
"Ginoo maari bang tumingin ka sa dinaraanan mo?" inis na saad ng isang dalaga sa akin habang pinupulot nito ang kanyang mga pinabiling gulay
"Paumanhin lang Binibini sapagkat ikaw ang unang bumangga sa akin...malay ko ba at kung saan saan ka nakatingin" mahinahon kong sabi sa kanya
Babae parin sya at kailangan ko parin itong galangin gaya ng paggalang ko sa aking ina.
Tumayo ito at pinagpagan ang kanyang suot na bestida pagkatapos niyang pulutin ang mga pinamiling gulay.
"Aba't ako pa talaga? Ako pa talaga ang may kasalanan?" halata sa boses nito ang inis kaya mas lalo akong natawa mag sasalita pa sana ako ng may sumigaw mula sa aming pwesto
"Leonora halika na at kailangan na nating umuwi" sigaw ng kung sino sa likod ko
Nilingon ko ito at isang babae ang nakita kong nakatingin sa pwesto namin. Lilingunin ko sana ulit ang babaeng nakabanggaan ko pero dumaan na ito sa gilid ko at nagtungo sa pwesto ng babaeng sumigaw kanina.
"Ikaw Leonora ha sino yung makigis na lalaking kausap mo? Nobyo mo ba?" natawa ako ng marinig ang pagbibiro ng kaibigan niya
Hindi ko mawari ba't kailangan ko pang manatili sa kinakatayuan ko at nakatingin sa papalayong bulto ng dalagang nakabanggaan ko kanina. Saka lamang ako umalis ng di ko na talaga siya makita.
Nasa harapan palang ako ng pintuan sa maliit na bahay naming ng maamoy ko na ang niluluto ng aking ina. Pumasok ako at dahan dahang nagtungo kay ina.