Francis POV
Kinabukasan ay pumasok na rin siya. Gusto ko siyang lapitan at kausapin. Pero ano naman ang sasabihin ko? Nanatili na lamang akong walang imik.
Lunch time
Nakain ko rin naman ang pagkain ko kahit parang walang lasa. Hay... Magkakasakit ata ako. Anyare sa taste buds ko?
Papunta na kami sa pwesto namin nang tinawag ako ni Jane. Isa sa mga close friend ko.
"Francis, pwede ka bang makausap?"
"Oo naman, ano ba yun?"
"Pwedeng wag tayo dito?"
"Sige. Dun tayo sa garden. Best, alis muna kami." Paalam ko sa kanila. Tumango naman sila. Dumiretso naman kami sa garden. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Duh.. I'm so weird.
"Francis, tungkol kay Roewell..."
"Ah... Jane... Ano kasi... Magta-time na."
"Francis, alam ko na gusto mo talaga siya. Nakikita ko na kayong masaya dati ah? Ano ba talaga ang nangyari? At ngayon bakit hindi mo siya lapitan? O kausapin?"
"Jane..."
"Wag ka munang umuwi mamaya. Kausapin mo siya,please." Yumuko ako. Hindi ko naman matatanggihan kasi nga isa pa, gusto ko naman talaga siyang kausapin. Huminga ako nang malalim.
"Okey. Pero nahihiya naman akong sabihan siya ngayon."
"Ako nang bahala. Basta, mamaya ha." Tumango ako. Aalis na sana siya nang bigla ko siyang tinawag.
"Bakit mo pala ginagawa to?" Ngumiti siya.
"Simple lang Francis, alam kong gusting-gusto niyo ang isa't-isa. Kung baga eh parang perfect match. Kaso ang hindi ko lang maintindihan, bakit kayo nag-break." Lintaya niya.
Hindi ko siya masagot nang diretso kasi hindi naman talaga klaro kung ano ba talaga ang nangyari. Kasi nga diba? Nasa stage nang takot pa ako.
"Salamat Jane."
"Tara pasok na tayo." Pag-anyaya niya.
Natapos narin ang first,second and third class sa hapong iyon. Hindi ako umalis sa upuan kasi kinakabahan ako. Nakita ko kanina na kinausap ni Jane si Roe. Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko sa kanya mamaya. Kaso ano ba ang sasabihin ko? Alangan naman mag-sorry ako kasi bi-nreak ko siya? Ano pang saysay nun? Magkwento kaya ako nang buhay ko this past two days? E ano naman pake nya dun? Diba? Hay... ano na?
*kring!!!!!!!!!!(Tunog nang bell, hudyat na tapos na ang klase.)
Nilapitan ako ni Jane. Tinap niya ako sa balikat. Tumango naman ako. Para bang pinaparating na 'kaya mo yan." Bago umalis si Jane ay isinara niya ang pinto. At naiwan kaming dalawa sa room.
*silence
Walang umimik sa amin. Spell Awkward?
Maya-maya ay nakarinig ako nang kulog matapos magpicture ang langit. Hehehe... etchos. Nagagawa ko pang magbiro. Wala pa rin imikan. Napatingin naman ako sa pwesto niya nang marinig ko ang pamilyar na musika. Doon ay nagkatinginan kami.
Roewell POV
(Np: You and I by JRA)
Hi
Girl you just caught my eye'Hoy! Bat ba ang iingay niyo! Can you keep your mouth shut!'
Thought I should give it try
And get your name & your number'Guys, Don't get into trouble. I think Ms...'
'Miss Riomeda.'
'Miss Riomeda is right.'
Go grab some lunch & eat some cucumbers
'Hindi ka ba pwede kahit sandali lang?'
'Hindi e... next time.'
Why did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' & it's something' I like
On your face, yeah it suits you'Perfect tayo! Yehey!'
'Tuwang-tuwa ka ata?'
'Paanong hindi? Mas magiging close na tayo nun diba?'
Girl we connect like we have bluetooth
'Roewell, eto oh. Meryenda muna tayo para hindi ka gutumin sa pagtuturo sa akin.'
You & I
Could be like Sonny & Cher
Honey & Bears
And You & I
Could be like Aladdin & Jasmine
Lets make it happenThis is one of my favorite song. This one makes me think of her. Sumulyap ako sa kanya. Nagkatinginan kami. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagulat nalang ako nang tumayo siya pero hindi niya dinala ang mga gamit niya. Tumakbo na siya sa labas.
Francis POV
Bakit ganun? Ang ayoko sa lahat ay ang nararamdaman ko ngayon. Pagsisisi. At bakit? Isa lang ang dahilan. Pinakawalan ko ang gusto ko. Agh!
Hindi ko kinaya ang makasama siya ngayon. Ayoko nang magsalita pa about dito. Ang sakit lang kasi. Ang babaw ko kaya. Diba? Pinakawalan ko siya dahil baka masyado na akong ma-attach sa kanya. Baka tuluyan akong mainlove sa kanya. At ang tendency, baka maging possessive na naman ako. Kasi nga e sobra akong selosa. Oo, nalaman ko lang yan nung second year ako. Remember nung kay Oliver. Bi-nreak ko siya kasi nga nagsiselos ako. Kasi ang isip ko noon ay dapat ako lang ang priority niya. Meron kasing nag-papa-cute sa kanyang transferee. And boom! Eto ang naging resulta.
Tumakbo ako palabas nang classroom. Ilang distansya pa lang akong nakakalayo nang biglang umulan. How great is the weather! Nakikisabay! Tumuloy parin ako kahit umuulan. Kasabay nang luhang lumalandas sa pisngi ko. Ha! Buti nalang at umulan. Hindi halata (at natuwa pa). Biglang may yumakap sa likuran. Oh no! hindi ito tama.
"Francis..."
".........." Hindi ko makayang magsalita. Baka pumiyok ako. I let him hug me for a moment.
"Bat ganun? Bakit?" masakit pakinggan ang mga tinatanong niya kasi hindi ko mabigyan nang matinong kasagutan. Bakit nga ba? Ang babaw ko naman kasi! Ang babaw nang dahilan ko.
"I... I'm...so... s-sorry..." Ang tanging nasabi ko. Then kumawala na ako sa pagkakayakap niya at tumakbo.
I can't be with him. Sasaktan ko lang siya. Mabuti nang maaga pa ay tapusin ko na to. Kasi kung hidi, baka lumala pa. Yan ang paulit-ulit na inisip ko. Oo, sabihin natin na masaya ako sa kanya. He was my happiness. Pero hindi ko kayang maging selfish. Kung siya man ang rainbow nang buhay ko, ako naman ang magiging rain nang buhay niya. Dahil sasaktan ko lang siya sa huli.
" Makakalimutan niya rin ako. Mas mabuti na to. Hindi na ako mahuhulog sa kanya." I whispered into the wind.
Another update!
What can you say about this guys?
Please leave some comment, okay?
Thank you!
this chapter is dedicated to THESELECTIONNOVELIST- Ms. Kiera Cass. :)
jonisse.
BINABASA MO ANG
I am the Rain
Teen Fiction"Ang ulan, minsan dumarating., minsan hindi. Kahit gaano ka aliwalas ang panahon, pwedeng umulan. Diba parang love? Hindi natin mape-predict kung kailan dadating. Kailangan handa tayo." Sabi niya habang nakatingin sa langit. Pinamasdan ko lang siya...