CHAPTER 47

13 9 0
                                    

Ara's POV

Sa mga sinabi ni Kristell, napagdesisyonan kong pumunta sa mansion, hindi dahil makikipag-ayos ako kundi dahil kukunin ko ang pusa ko na si Dark.

"Please, pakideretso sa mansion ng Valeria. Alam mo naman kung saan 'yon, diba?" tanong ko sa driver ko.

"U-Uh... Miss Ara, sure po ba kayo?" tanong ng driver, may halong pag-aalangan.

"Mm," sagot ko nang maikli, wala nang balak na magpatumpik-tumpik pa. Ayoko na ng drama, pero hindi ko kayang iwan si Dark sa mansion. Sobrang attached na kami sa isa’t isa.

Makalipas ang ilang minuto, narating na namin ang mansion. Bago pa man ako makapasok, tumayo ako sandali sa harap ng gate, bumuntong hininga.

Nagulat ang mga kasambahay nang makita nila ako; literal na nanlaki ang mga mata nila.

"M-Ma'am Haira?" tanong ng isa, halatang naguguluhan.

"Asan ang pusa ko?" sabik na tanong ko, hindi ko na kayang itago ang inis sa tono ko.

"P-Po?" sagot nila, parang hindi pa rin makapaniwala na narito ako.

"Are you deaf? Asan ang pusa ko? Si Dark?" pinalakas ko ang boses ko, tila hindi ko na kayang maghintay pa.

Dahil sa mga tanong ko, napatingin-tingin ang mga kasambahay sa isa’t isa, nag-aalangan. "Ma'am, n-nasa kwarto po ni Ma'am Yazmina," sagot ng isa, nanginginig ang boses.

"Salamat!" mabilis kong sagot, sabik na tumakbo patungo sa kwarto ni mom.

Oo mom pa rin tawag ko sakanya! duh.

Pagpasok ko sa kuwarto, para akong naging poste. Naabutan ko si Mom na nakaupo sa kama at tulala, tila nawawala sa sarili. Napalingon siya sa akin nang marinig ang pagbukas ng pinto, at nanlaki ang mga mata niya na parang nabuhayan.

"Z-Zahaira!" boses niya, puno ng gulat at pag-aalala.

"Andito ako para kay Dark," sagot ko, walang emosyon. Hindi ko maalis ang tingin sa kanyang putlang labi at sa mga mata niyang puno ng pag-aalala. Ano bang nangyari sa kanya?

"W-wait," sabi niya, tumayo at naglakad papalapit sa akin. "D-Don’t you want to stay? Ang dami nating dapat pag-usapan…"

"Wala akong oras para diyan, Mom. Kailangan ko si Dark," sagot ko, ramdam ang pag-aalangan sa boses ko. Kailangan kong makuha ang pusa ko, at wala akong ibang iniisip kundi siya.

"N-nasa ilalim ng kama," sagot niya, tinuro ang sulok ng kwarto. "Pero Zahaira, please, w-wag mong kalimutan ang—"

"Hindi ko na gusto ang pag-uusap na ito," putol ko, tumingin sa ilalim ng kama. Agad kong nakita si Dark na natatakot na nagkukubli. Mabilis ko siyang kinuha at niyakap ng mahigpit.

Nilapitan ako ni Mom at hinawakan sa braso, napakunot ang noo ko ng maramdaman kong mainit siya.

"M-Mom.." nag-aalala kong tawag sakanya, nabigla ako ng malapit na ito matumba mabuti na lang nahawakan ko, binaba ko si Dark at pinaupo naman si Mom sa kama.

"The hell...asan ba si Ate?" Inis kong tanong, saktong pagbukas ng pinto ay bumungad saakin si Ate, halatang pagod, bahagyang nanlaki ang mata niya ng makita ako pero inis ko siyang tinignan

"May sakit ba si mom? asan ba ang gamot niya? asan si Daddy?! tsk! kainis.."

"Zahaira..." Nagsimula na siyang magsalita pero hindi ko siya pinansin

Stay With Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now