CM #1

22 4 5
                                    

CM #1: Trip to the Club

Avis x Gabriel

-*-*-*-*-*-*-

Avis

-*-*-*-*-*-*-

I was busy fiddling with my phone when suddenly, it slipped from my hands. Napatingala kaagad ako sa kung sino man ang kumuha ng phone ko. The nerve!

Nasa isang bar ako. Actually itinakas lang ako ng apat na mokong para daw maexperience ko ang night life. To get a glimpse daw para hindi daw ako maging ignorante.

Maingay sa bar. Malakas ang musika, maraming taong nagsasayawan, nagiinuman, naghahalikan. Pumayag ako dahil curious rin ako. Gusto kong makita with my own eyes kung gaya bang pagkakadescribe nila sa books ang night life. Then I got bored.

Wala yung kasi yung tatlo, at naiwan ako mag-isa sa stool. Hindi naman ako umiinom at nakatalikod ako sa bartender. Baka kapag nalaman nilang minor ako palabasin pa ako. Sina Alvin at Oliver hindi ko na mahagilap kasi may nilalandi, si Simeon lumabas kasi may aasikasuhin daw siya at babalik rin kaagad, si Syl naman kumukuha ng inumin. Tristan, on the other hand, bigla nalang nawala bago pa sila umalis.

Silang lima, mas matanda sa akin ng ilang taon. Kung tutuusin, ako ang bunso sa aming lima and not to mention, ako ang nag-iisang babae. Overprotective sila on a normal basis, pero hindi ko alam kung bakit mag-isa ako dito ngayon.

Nakaupo lang ako sa spot namin at nagbabasa ng isang story nang hinablot ito sa akin. When I looked up, I saw a guy. Siya yung lalaki na bigla nalang na nakaupo sa tabi ko kanina pero hindi ko pinansin. Heck I don't know him at baka mapasama pa ako.

Nang makita ko siya, isang salita kaagad ang naisip ko.

Gwapo. He had rich brown eyes and black hair, his brows were bold but just right, his lips were just the right kind of thin and pink tapos matangos ang ilong. Plus! His jawline is perf. Lalo na't nakangisi siya sa akin. Did I say na lalo niya yung ikinagwapo? Guess not but yeah. He's hot.

I glanced at my phone I his hands. "Hand back my phone." I said. I was directly staring at those pair of rich brown beautiful orbs.

Ngumisi siya lalo. "Kanina pa ako dito pero ngayon mo lang ako napansin nang kunin ko phone mo,"

Tinaas ko ang kilay ko. "So?"

Inabot niya sa akin ang isang bote ng beer. "You want?"

I took it. "Wala ka naman sigurong nilagay dito?" Beer lang naman 'to eh, hindi ako malalasing. At wala rin akong plano.

"Wala naman." I took down a few gulps. "Gayuma lang." He chuckled.

Muntik ko pang maluwa. But I knew better. Sa gwapo niyang yan? Hindi uso ang gayuma.

Instead, I scoffed. "I guess you're not confident in your charms then."

Nakatingin lang ako sa mga taong sumasayaw at uminom pa. Nasaang lupalop ba ng bar na ito ang tatlo? Hindi naman siguro matagal ang pagkuha ng inumin, right? Hinarang na siguro si Syl kaya hindi pa nakakabalik.

"Nope, tiwala naman. Hindi naman kasi gayumang likido ang baon ko." He leaned towards my ear, "bakit ko pa kailangan ng gayuma kung tingin ko pa lang nakuha na kita?"

Natawa ako tsaka ko siya nilingon. Wtf? Is he hitting on me? I never thought this'd happen.

"Don't be so sure. Alam mo naman sigurong maraming namamatay sa maling akala." I smirked and got up. Gusto kong hanapin yung apat. Pero sinusundan pala niya ako.

Uminom na naman ako when he poked my left shoulder. Lumingon ako pero hinila niya lang ako sa dance floor. I surveyed. Baka sakaling makita ko ang apat o si Simeon. But no to avail kaya I let the music get to me at kusa akong umindak sa beat.

Chasing MomentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon