Matthew's POV
Dean's Office
Pagpasok namin sa Dean's Office, nakita ko si Zahaira na nakaupo na, masama ang tingin kay Yohan at sa mga kasama niya. Ang tensyon sa hangin ay halos ramdam na ramdam; si Dean ay namumula na sa galit
"This is unbelievable!" sigaw ng Dean, ang boses niya ay umaabot sa dingding ng silid. "What were you thinking, Yohan? Throwing a baseball at a student? What do you think this is, a game?"
"Dean, hindi po—" sinubukan ni Yohan na ipagtanggol ang sarili, pero pinutol siya ng Dean.
"Enough! tinatanong ko bakit niyo kailangan hampasin si Kristell ng Baseball! Why?!!!!"
"Ah… D-Dean, hindi po—" sinubukan ulit ni Yohan na ipagtanggol ang sarili, pero hindi na siya pinansin ng Dean.
"Don’t give me that! You think this is funny? Putting another student in danger? You have to take responsibility for your actions!" nagpatuloy ang Dean, ang mga mata niya ay sumisiksik sa mga lalaki sa harapan.
Tumingin ako kay Zahaira, na masama pa rin ang tingin kay Yohan at sa mga kasama niya. Alam kong hindi siya natatakot sa sitwasyong ito; ang galit at pagkabahala ay nakikita sa kanyang mga mata.
"Naglalaro lang po kami non tapos—"
"Sinong tanga ang maglalaro sa loob ng cafeteria?" Sarkastikong singit ni Zahaira nakasandal na siya sa upuan at cross-arms. "Tanga na lang ang gagawa non, cafeteria yon, kung saan pumupunta pag kumakain hindi para maglaro. Tanga ba kayo?"
"Zahaira! enough!" Sigaw ng Dean
"Gusto kong ipatawag ninyo ang magulang ng mga yan Dean, gusto kong malaman nila ang kagaguhan na ginawa ng kanilang mga anak dito sa loob ng Asia international school!" Matapang na
sabi ni Zahaira"Secretary Milky, please, pakitawag ng magulang ni Yohan. Please, faster," utos ng Dean
"Yes, Dean," sagot ni Secretary Milky, mabilis na lumabas ng opisina para tawagan ang mga magulang.
"So, Yohan, don’t you have anything to say?" tanong ng Dean, ang boses ay puno ng pagtatanong.
"Dean, naglalaro lang po kami. Wala kaming intensyon na saktan si Kristell," sagot ni Yohan, ngunit halata ang takot sa kanyang boses.
"Naglalaro’?" sagot ni Dean, nag-aapoy ang kanyang mga mata sa galit. "Naglalaro ka sa isang lugar kung saan ang mga estudyante ay kumakain at nag-aaral? Alam mo bang delikado ang ginagawa mo? Isang simpleng laro lang? Nakaapekto ka sa buhay ng ibang tao!"
Mayamaya pa..
"Good morning, Dean," bati ng mga magulang ni Yohan habang pumasok sila sa opisina. Ang ina ay may pag-aalala sa kanyang mukha, habang ang ama ay tila galit na galit.
"Please have a seat," sabi ng Dean, ang tono ay nananatiling seryoso. "We need to discuss what happened today."
"What exactly happened?" tanong ng ama ni Yohan, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. "Why are we here?"
"Yohan, explain to your parents what occurred," utos ng Dean, ang kanyang tingin ay nakatuon kay Yohan.
"Uh, naglalaro lang po kami sa cafeteria," sinimulan ni Yohan, medyo kinakabahan. "Tapos, hindi ko sinasadyang matamaan si Kristell ng baseball. Hindi ko naman inisip na masasaktan siya!"
Ano daw? stupid reason.
"Really?" sagot ni Zahaira, sarcastic. "Is that your excuse? Naglalaro sa cafeteria? Sa tingin mo ba, Yohan, kaya mo itong ipagtanggol sa mga magulang mo? Sobrang tanga mo!"
YOU ARE READING
Stay With Me (COMPLETED)
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?