Season 2: Chapter 12

393 13 8
                                    

Chapter 12: She' back and pregnant

"Goodmorning sir, mam."

Tumango lang si Wess at hinila na ako. Buhat buhat ni Wess si Drea. It's funny how everyone greets us. They are looking at me and Drea, maybe wondering kung kami ba talaga ang sinasabi sa balita. Kung kami ba talaga ang sinasabing pamilya niya.

Derederetso lang kami hanggang sa opisina niya. Wala sa aming dalawa ang gustong magsalita. I don't want to open a conversation with him. Nahihiya ako sa sarili ko. How could I let something happen between us? Yes, mahal ko pa rin siya but that is not enough para hayaan kong may mangyari sa amin. At hindi lang isang beses Ianne. Damn.

"Gian, may appointment ba ako ngayon?" Pambungad ni Wess kay Gian. Hawak pa rin niya ang kamay ko at si Drea.

"Sir wala po, pero may bisita po kasi kayo."

Dahan dahang umikot ang swivel chair sa loob ng opisina ni Wess. Nanlamig ang buong katawan ko sa nakita. Mikaella is sitting on the chair, wearing a maternity dress and looking at us.

"Sigi na Gian. Iwan mo muna kami. I want to talk to my boyfriend." Narinig kong sabi ni Mikaella. Boyfriend. She emphasized that word. Oo nga naman Ianne. Boyfriend niya si Wess, ikaw? Salimpusa lang sa kanila. How can you ever fucking forget that Ianne?

Dali namang lumabas si Gian. Siguro ayaw rin niyang makigulo sa amin. Pwede rin kaya akong lumabas? Let them talk?

"Wess babe I miss you!" Naramdaman kong binitiwan ni Wess yung kamay ko. Ako nanaman pala ang talo. Ako nanaman ang bibitawan niya. She gave Drea to me and faced Mikaella. I want to run outside. To keep Drea away from these people.

Ayokong makita ni Drea ang mga ganoong eksena. Kung paanong lumapit si Mikaella kay Wess. Kung paanong yumakap siya at hinalikan si Wess sa labi. Kung paanong, kung paanong tumugon si Wess sa bawat halik na ibinigay ni Mikaella. Masakit pa rin pala. Akala ko manhid na ako.

"I-I miss you too." Marahang sagot ni Wess. Then it hit me. Wala si Mikaella at nandito ako. Ako lang pala ang panakip butas. Parausan. You will never be greater than her Ianne. You'll always be the rebound. Yung kakailanganin kung wala ang tunay.

"Look Wess, magkakababy na tayo." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi kay Wess iyon.

"You're pregnant?"

"Of course silly. Akalain mo yun? I am 2 months pregnant babe. I've gave up my modeling career for this, for you. You've always wanted this babe. We've always want this. I am now ready to be your wife. I am saying Yes."

She's pregnant, they are getting married. She said Yes.

"Speechless babe?"

"I-" Wess looked at me. Anong sasabihin ko? Congratulations? Come on Ianne hindi ka plastic.

"Oh my gosh Ianne? Nakabalik ka na pala. Grabe its been what, 4, 5 years? Ang tagal na nating hindi nagkita. And who's that little kid na kasama mo? Anak mo? Oh don't tell me anak niyo ni Rhed."

Bitch.

"Oo nga eh ang tagal na nating hindi nagkita. Four years na. This princess here is Andrea. Anak namin ni Wess." Sabay ngiti sa kanya.

Nakita kong biglang namuo ang luha sa mga mata niya. Don't forget Ianne, artista yang kaharap mo. Magaling umarte. She was crying and acted as if she was about to faint. Agad naman siyang sinalo ni Wess at inakay paupo sa couch.

"Babe stay here. Baka mapaano ang bata. Mag-uusap lang kami ni Ianne. Please don't worry too much." Hinalikan siya ni Wess sa noo. That gesture na sa akin lang dati ipinakikita ni Wess. Oh how I hate him right now.

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon