a/n:
I made a promise to #Twinkle Dicen, or Empress Twinkle na magiging main character siya sa istoryang ito. Kaya para sayo ang buong istoryang ito. Salamat ng maraming marami sa suporta at tiwala. Sana magustuhan mo ito. : )
Chapter 1
[ Fritz ]
NAIA INTERNATIONAL AIRPORT...
Its good to be back. Ilang taon ba akong nawala sa Pilipinas? 4 years.. 4 years have past. Napangiti ako sa mga taong nakikitang kong hindi magkamayaw sa paglalakad sa aking paligid. Ang mga balikbayan na katulad kong napakalaki ng mga ngiti sa kanilang mga labi dahil kagaya ko sa wakas makikita na rin nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Parang tanga kong sinamyo ang paligid.. na para bang may maaamoy akong kakaiba gayung wala naman.. Talagang hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na ako. Huminga ako ng malalim, ipinikit ko ang aking mga mata at umusal ng mahinang pasasalamat sa diyos dahil binigyan niya ulit ako ng isa pang pagkakataon na makabalik sa aking pinagmulan.
Nagsimulang manlabo ang aking paningin, huli na ng mapagtanto kong lumuluha ako. Bago ko pa man mapahid iyon para hindi mapansin ni Twinkle Dicen ang aking bestfriend at private nurse.. narinig ko na ang tinig niyang punung puno na ng pag aalala. " Fritz, are you alright? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" hawak hawak na niya agad ang aking kanang palapulsuhan habang binibilang niya ang tibok ng puso ko doon. Kagat labing napailing na lang ako dahil sa ginagawa niya. Nasa panic mode na naman siya, nakahinga lang siya ng maayos at kumalma lang ng matiyak niyang ayos lang ako, na walang problema sa akin. Kinuha niya ang kanyang panyo na nasa bulsa ng pantalon niya sa likuran at marahan niyang pinunasan ang aking magkabilang pisngi.
" S-Stop crying Fritz, bago ko pagsisihan kung bakit hinayaan at pumayag ako sa kagustuhan mong umuwi tayo dito sa Pilipinas. Im really against it l-lalo na sa k-kalagay------------
" Im fine, Kels. Ayos lang ako. Maayos na ang kalagayan ko. Ilang beses mo pa ngang pina ulit ang tests hindi ba? P-Please kahit ngayon lang o sa buong duration na pag stay natin dito sa Pilipinas kalimutan muna natin iyon. Nakakapagod marinig sa inyong lahat ang salitang ' are you alright?' na para bang may mangyayari sa aking masama. Na parang any moment now magco collapse ako. Dont mind my tears.. its just tears of happiness dahil sa wakas nakabalik na ako.. Alam mo naman kung gaano ko namis ang Pilipinas hindi ba?" punung puno ng pakiusap ang aking tinig habang hawak hawak ko ang kanyang dalawang kamay, magkaharap kami habang nakatayo kaming dalawa. Kunut noong pinagmasdan niya ang aking itsura. . pinag aaralan niya ang aking mukha na para bang may hinahanap siya doon. Bumuntong hininga siya ng pagkalalimm lalim bago siya nagsalita ulit.
" If I know, hindi naman talaga Pilipinas ang namis mong bruhilda ka.. kundi ang lalaking iyon. Tss.. kahit kailan talaga para ka pa ring bata kung umiyak at magdrama.. Umayos ka oy ipinapaalala ko sayo 23 years old ka na. At isa pa.. alam mo naman na nag aalala lang kami sayo, hindi ba? Alam mo naman ang traumang dinanas namin sayo noon, kaya wag ka ng magtaka kung bakit ganito kaming ka paranoid pagdating sayo. " mahigpit ko siyang nayakap ng dahil doon, dahil alam kong nakuha ko na ang loob niya.. nadala ko na naman siya sa paglalambing.

BINABASA MO ANG
SOMEONE to OWN (on-hold )
Ficção Geral" Bakit hindi mo siya makalimutan? Bakit hanggang ngayon, siya pa rin? My goddd, asawa mo ako, pero hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang puso mo!! Pinagpalit ka na niya sa iba, hindi ba? Masaya na siya sa iba hindi ba?!! pero bakit hindi mo siya...