Ang gulo ng utak niya ng mga sandaling ito. Ang daming iniisip. Ang daming gustong gawin at sabihin. Pero wala naman siyang magagawa kundi ilahad dito ang lahat ng iniisip at nararamdaman niya.
Isa lang naman siyang taong kung gaano karami ang expectations sa buhay ay ganun din karami ang insecurities na mayroon siya. Expectations na nagbibigay lang naman sa kanya ng sakit kapag hindi nangyari. At mga insecurities na nagsusumigaw sa kanyang magmukmok na lang o matulog sa isang tabi. Lupet lang ng buhay sa kanya. Ang sarap tulugan!
TAO lang naman siya. Marupok sa mga bagay at taong nagbibigay sa kanya ng kasiyahan.Tao lang siya na naghahangad ng maayos na buhay dahil mura pa lang ang kanyang isipan ay hinubog ng mga problema at masasakit na katotohanang hatid ng mundong ito. At tao lang siya na may PRIDE at ayaw na ayaw niyang KAAWAAN siya ng iba. Kung gusto mo siyang tulungan, wag kang magpapakita ng awa sa kanya.
Gustung-gusto niya ang pagmumuni-muni at pagtulog.
Sa tuwing nagmumuni-muni siya, doon niya naiisip ang mga bagay at katangahang pinaggagawa niya - na naghahatid sa kanya ng mga ngiti tuwing naaalala ang mga masasayang sa buhay niya kasama ang mga taong pinahahalagahan niya; at mga buntung-hininga at pagtitiim ng bagang tuwing naaalala ang mga kahihiyan at lungkot na pinagdaanan niya. Lahat ng iyon ang humubog ng pagkatao niya sa mga oras na iyon. At sa pagmumuni niya papasok ang mga pangarap sa buhay kasabay ang nakakainis na mga expectations. Ang mga pangarap na iyon ang nagsisilbing tagatulak para patuloy siyang mabuhay, patuloy na mag-aral at magsumikap hanggang sa maabot niya ang mga pangarap na mayroon siya.
At tulad ng nabanggit ko, gustung-gusto niya ring matulog. Naniniwala siyang hindi iyon katamaran, kundi isang paraan para panandalian niyang matakasan ang lupit at problemang hatid ng mundong ito. Kapag tulog siya, wala siyang inaalala, bagkus ay naroon siya sa mundo na kanyang ginawa para maging masaya. Nandoon siya sa mundo kung saan walang sakit, walang paghihinayang at walang pagsisisi.
Pero naniniwala rin siya na ang lahat ay may katapusan - maging masaya o masama mang mga sandali. Lahat ay may dulo. Lahay ay may hangganan. Dahil sa katotohanang iyon na pinanghahawakan niya upang magpatuloy lang siya sa buhay kahit na anong sakit ang nararanasan niya. Patuloy lang siya kahit tapos na ang mga masasayang sandaling mayroon siya kasama ang mga taong mahal niya dahil ang mga masasayang sandaling iyon ay itinatanim niya sa kanyang isip at puso. Patuloy lang siya hanggang sa dulo ng oras niya.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts and Feelings.
RandomCollections of my random thoughts and feelings. ^_^ Dito ko isinusulat ang lahat ng mga bagay o pangyayaring para sa akin ay may katuturan. Para sa mga makakabasa: kung makaka-relate kayo, salamat! Mayroon rin pala kasing mga katulad ko. haha! Sa m...