Chapter 12

458 21 2
                                    



"Saan ba yung lintek na baryo na yan!?". Tanong ko kay freen habang nilalakbay namin ang kahabaan ng baryong sinasabi niya.

"Sabi dito..Purok tres..But were here na e"

"Akin na nga yan!". Kinuha ko ang papel na hawak niya at mariin na tinignan yun. Lumabas na rin ako para makapag tanong tanong.

"Kuya? may kilala ba kayong Margaret gonzalez? yung nag titinda ng isda sa palengke?"

"Margaret? gonzalez? may kilala akong gonzalez pero hindi margaret ang pangalan, sino ba sila?"

I just don't get it, Lahat nalang ba may trust issue?

"Tangina?! sabihin mo—"

"Pasensya na kuya!". Pag pigil ni lux sa akin. "Hinahanap niya kasi nanay niya, pasensya na po talaga"

"Aba'y kayo na nga itong may kailangan kayo pa tong matalim ang bibig?! Kung hinahanap niyo si margie, nasa palengke siya ngayon at nag titinda! mga antipatika!".

"S-salamat po.. pasensya na ulit" . Aniya ni lux.

"This fucking assh—"

"Wag mo na kasi patulan! o ayan ha, nasa palengke daw..Margie ang pangalan"

"Let's go"

Agad naming pinuntahan ang nanay ko , at mukhang nag iba nga siya ng pangalan. Margie na ang pangalan niya at hindi margaret.

Halos nilibot na namin ang palengke at bilihan ng mga isda pero halos hindi namin makita ang nanay ko.

"Boss! Nasa Number 24A daw yung pwesto ni mam margaret!". Aniya ni julio, kabado at puno ng excitement kong pinuntahan ang nanay ko.

"F-faye, is that your mom?". Tinuro ni engfa ang babaeng nasa pwesto ng mga isda at busy sa pag titinda, Hindi ako pwedeng mag kamali, Siya yung babaeng nakita ko sa baby picture ko.

Palapit na sana ako ng may batang babae na lumapit sa nanay ko.

"Nay!". tawag nito sa kaniya.

Napa atras ang mga paa ko nang makita at marinig yung sinabi ng bata, this kid looks like a ten years old. Maganda siya at nakuha niya rin ang mukha ng nanay namin.

"Oh!? Failyn mae Domez! saan ka na naman galing?!"

"Nay naman!? siningil ko lang si manong lando sa utang niyang isda"

"Halika nga dito at tulungan mo muna ako mag tinda"

Kita ko na masaya sila sa ginagawa nila at hindi na muna ako nangealam, mas pinili ko nalang silang pag masdan muna. Hindi ko akalain na may pamilya na palang bago ang nanay ko, All this time she was here selling fish for a living.

"Freen? Can you buy all of those fish?"

"H-huh?!"

"Buy it and give it"

"S-sige.."

Hindi kilala ni mama ang mga kaibigan ko kaya sila na muna ang pinalapit ko sa kanila.

"Auntie...? Magkano po lahat ng isdang tinda niyo?" . Rinig kong tanong ni freen.

"P-po?!"

"I was here to buy fish and give it po eh, How much po?"

"Nako ma! Bibilhin na ni ate ganda yung paninda natin! ". Masayang sabi ng anak niya.

"Nako mam, Para sayo ibibigay ko nalang po ng....ten thousand!"

"Nako napaka mura naman po ata? Ganito nalang po i'll buy this fish for fifty thousand! is that good?"

The Stranger behind meWhere stories live. Discover now