They said that the heart knows what it wants. It is like a compass that points us towards where we need to be. But what happens if our heart becomes a compass long lost at sea? Where will it lead us? Where will we be found?
Ilang minuto na atang nakatitig si Faron sa mensaheng nakasulat sa likod ng litratong nahanap niya habang nililigpit ang kanyang gamit sa bagong apartment na nilipatan niya.
Litrato ito ng kompas na natagpuan sa pampang. Nakalapag ito sa buhanginan, isinasayaw at hinahalikan ng malalakas na alon. Tila naghihintay matagpuan, mahawakan at muling buhayin upang magkaroon ng silbi.
Pero sa tagal na nitong inalon-alon ng karagatan, hindi pa ba ito nasisira? Kung tutuusin, kahit pa natagpuan ito at subuking ayusin, dalawa lang ang pwedeng mangyari: hindi na ito gagana o mabubuhay sandali pero mamamatay ulit.
Napailing si Faron sa naisip pagkatapos ay ibinalik ang larawan sa kahon. Nakita niya lamang ang larawan na ito sa isang kainan sa Paraw Shore nang minsang bumisita sila ng mga katrabaho niya. Tinanong ang may-ari kung pwede niyang bilhin pero ibinigay na lamang sa kanya.
He felt a connection with the photo. Ito rin marahil ang rason kung bakit malakas ang kagustuhan niyang maangkin ang litrato. Pakiramdam niya'y kinuhanan ito para sa kanya.
Ikinukumpara ang sarili sa kompas na matagal nang nawawala at inaanod ng madilim, nakakatakot at malawak na karagatan. Nais umahon ngunit walang kakayahan.
Ibinalik na ni Faron ang kahon sa cabinet, at tumayo na upang ituloy ang plano nitong pagligo. Kailangan niya ring pumasok sa trabaho dahil naka-red alert sila ngayong linggo gawa ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Pababa na mula sa kanyang apartment si Faron upang bumalik sa fire station nang tumawag ang kaibigan at katrabaho nitong si Lucas. He was called due to a collision of a bus and taxi few kilometers from where he is staying and they need help for the rescue operations. Natumba't nahulog ang bus sa mababaw na bangin at kailangan ng rescue team para ilabas ang mga pasahero nito. Samantalang wala nang buhay ang taxi driver nang matagpuan ito ayon sa kaibigan.
Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente, sunud-sunod din ang pagdating ng mga ambulansya para dalhin sa ospital ang mga pasyenteng kailangan ng agarang tulong. Humahaba na rin ang traffic congestion gawa ng aksidente. Mabuti na lang din ay dumating na rin ang mga pulis na tumutulong upang harangin ang mga taong sinusubukang pumasok sa pinangyarihan ng aksidente.
Mag-asawang matatanda, mga batang, estudyante, dalaga't binata, ang ilan lang sa mga nailabas na nila sa bus. Sa kinseng pasahero, dalawa rito ang wala nang buhay, lima ang walang malay at ang natitira ay sugatan at di makagalaw.
Nang wala na silang makita pang natitira sa loob ng bus, maging sa paligid nito, umakyat na ulit papunta sa kalsada si Faron.
"Please... I... I have something important inside the car... I can't leave here without it..."
BINABASA MO ANG
hold me, once more
RomanceSeven years since the tragedy that crashed and wounded their souls, Aster and Faron found themselves standing on the same cliff again, engulfed with the memories of their tragic past. Will this chance encounter allow them to make amend with their p...