Kabanata 13
Karera
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Sa dinami-rami ko ba namang pwedeng masaksihan, ang ganong senaryo pa talaga? Muntik ko na tuloy masira ang kaarawan ni Trobie. Mabuti na lang at napigilan niya akong umuwi dahil hindi ko maatim na makita si Tupe at Leigh Rie na nasa paligid ko lang. Nasasaktan ako.
Nirerespeto ko na lang rin kasi ang selebrasyon ni Trobie tsaka ayaw rin akong pauwin ni Aling Diding. Gusto niya raw na magtagal ako roon. Wala naman akong nagawa. Bumuntong-hininga ulit ako.
"Kanina pa yan, ah. Baka maubos na ang hangin mo sa katawan kakabuntong-hininga,"
Natauhan ako nang magsalita si Ludia. Hinagis ko na sa apoy ang huling piraso ng sanga ng kahoy at tumayo saka tumungo sa kanya. Umupo ako sa kanyang harap.
"Ano bang iniisip mo?" tanong niya. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng karne sa hapag. "May nangyare ba kahapon sa party ni Trobie?"
Meron. At naiinis ako sa twing naaalala ko!
"Wala naman," tipid kong saad.
"Hmm... Talaga ba? Kanina pa kasi kita napapansing tahimik, e. Mukhang wala ka sa mood,"
"Pagod lang talaga siguro ako,"
"Sus, huwag ka na ngang magpanggap diyan. Nababasa ko ang isang tao kapag may bumabagabag sa kanya. Kaya sige na, ikwento mo na yan. Baka kapag naipon yan diyan sa dibdib mo, maging sakit pa." nasa ginagawa ang kanyang paningin.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko, Ludia. Parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Ano klaseng sakit ba ito?"
"Hindi sakit yan," aniya. "Well, pwede. Pero alam mo kung anong tawag diyan?"
"Ano?"
"Selos,"
Lumukot ang mukha ko sa kanyang sinabi. "Anong pinagsasabi mo? Kanino naman ako magseselos?"
"Kay Sir Vion,"
Uminit ang mukha ko sandali. "B-bakit naman nasali si Sir Vion sa usapan? E, ako naman ang may issue dito?"
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tamad akong nilingon. "Duh? Alona, hindi ako bulag, hindi ako bingi at marunong akong makiramdam. Alam kong may something sa inyo ni Sir Vion dahil iba siya makatingin sayo at panay naman ang iwas mo,"
Hindi ako nakapagsalita.
"Sabihin mo nga sa akin, Alona... May something bang nangyare sa Poblacion Hermosa habang nandoon si Sir Vion?"
Umiwas agad ako ng tingin dahil sa kanyang titig na puno ng simpatya.
"W-walang nangyare, ah! Tsaka tumulong lang naman ako sa kanya dahil kailangan niya ng tulong. Yun lang,"
Natawa siya ngunit sarkastiko. "Sige, Alona, i-deny mo pa. Lalo kang nahuhuli, e." nagpatuloy ulit siya sa paghihiwa. "Una pa lang nung nakita ko kayo ni Sir Vion sa labas ng mansyon at habang buhat-buhat ka niya, doon ko na napansin. The way na tumitig siya sayo... Rawr talaga! Para bang nakaglue na yung mata niya sayo at ayaw talagang tanggalin,"
"Baka nagulat lang siya--"
"May nagugulat bang makatitig ng ganon katagal? May gusto sayo si Sir Vion, Alona. At may gusto ka rin sa kanya---"
"W-wala akong gusto sa kanya--"
"Kung ganon, ba't ka nagselos kahapon nung halikan ni Ma'am Leigh Rie si sir Vion?"
YOU ARE READING
The Heart of the Wildest Wave (Madrande Series #1)
RomanceSi Pearl Alona Escartin ay isang responsableng Ate sa kanyang dalawang kapatid. Handa siyang gawin ang lahat upang maibigay lang pangangailangan ng mga ito at para may makain sila sa araw-araw. Ngunit nasukat ang kanyang pagiging kapatid nang di ina...