Kabanata 1

6 0 0
                                    

Itinapon ko ang wala ng laman na banana milk na hawak ko sa nadaanan naming bin papunta sa susunod na klase. Nang makapasok sa klase ay kaagad kong iginala ang paningin sa paligid, may hinahanap.

At kaagad ko naman itong nakita na nakaupo sa likurang bahagi habang nakatingin sa labas ng bintana.

Kumunot ang noo ko, Hindi makapaniwalang magkasama kami sa magkasunod na klase. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at pumunta sa pwesto namin, sa harapang banda. Iniisip na nagkataon lang iyon.

Hanggang sa natapos ang lahat ng subject ko ngayong araw at may napansin ako. Lahat ng subject ko ay kaklase ko siya. Isinuklay ko ang daliri ko sa buhok ko, medyo naguguluhan.

"Talaga bang kaklase natin iyan last year, josh?"mahinang tanong ko kinabukasan sa katabi ko at sinabayan ko pa iyon ng kalabit. Sinadya ko talagang lumapit sa kanya para itanong ito.

Naguguluhang niya akong tinignan.

"Si Levi."pagtutukoy ko sa lalaking nakaupo sa likurang banda. Nabanggit niya kasing kaklase namin siya last year at nakasama sa group activity sa biology last month.

"Huh? Kaklase natin siya simula noong junior pa tayo."mahina rin niyang sagot. Mukhang nakaramdam siya na ayaw kong ipaalam sa ibang kasama namin ang pinaguusapan namin kaya mas lumapit ito saakin.

Ako naman ang napakunot noo at napaisip sa sinabi niya.

"Talaga?"hindi naniniwalang tanong ko makalipas ang ilang sandali.

"Oo nga. May mga class picture at yearbook tayo icheck mo pa."tugon niya.

Naisuklay ko ang daliri sa buhok ko at napatingin sa kawalan. Kung totoo ang sinasabi niya, bakit hindi ko man lang alam o napansin? Talaga bang kaklase ko siya sa magkakasunod na taon?

Kung hindi niya ako nasagi hindi ko pa malalaman na kaklase ko ito.

"Bakit mo tinatanong?"mahinang tanong niya kaya napabalik ako sa sarili. Inilagay ko ang parehong palad sa hita ko at napangisi.

"Wala lang."tugon ko at tinignan ang lalaking tahimik na nakaupo sa dulo mula sa gilid ng mata ko. Nakatingin lang ito sa libro niya.

He lacks of presence. And it's bothering me.

Ano kaya ang nagawa ko sa kanya? Unang sagi niya saakin ay ayos lang dahil maaaring hindi ito sinasadya, ngunit nasundan pa iyon na medyo nagpagulo sa isip ko.

May nagawa ba ako sa kanya ng hindi ko alam? Kaya gumaganti siya?

Imposible namang may ginawa ako sa kanya. Hindi ko nga alam na nag iexist siya.

Napabuga ako ng hangin. I should forget about it dahil hindi ako mapakali sa iniisip ko. Atleast i know deep inside na wala akong ginawang masama sa kanya.

Baka hindi niya lang sinasadya. Ulit.

"Anong pinagbubulungan niyo dyan?"rinig kong wika ni mello kaya napatingin ako sakanya. Tumayo narin siya at tumabi sa kabilang gilid ko at sinabayan niya pa iyon ng pag akbay.

Nakatabingi pa ang ulo niya habang tinitignan kami.

"Wala."natatawang sabi ko at pabirong itinulak siya. Napanguso ito at masama akong tinignan.

THE BETATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon