KABANATA 3: EMELIA

27 10 5
                                    

"AMARA, bilisan mo mag lakad" utos ni Samantha ng malapit na siya sa kinaroroonan ng mga kaibigang nito, habang naka tanaw sa may harapan ng hagdan at hindi niya malaman kung bakit.

Tila huminto naman at nanatili sa kinatatayuan ni Amara nang makita nito kung ano ang maaring dahilan kung bakit siya pinatawag o kung bakit kanina pa nakatitig ang mga ito sa may hagdanan.

Isang malaking litrato ng babae ang naka sabit sa harap ng hagdan, naka puti itong bistida. Halos masakop na nito ang pader sa may hagdanan.

Pero hindi ito ang ikinagulat ni Amara at ang mga kaibigan nito, kung hindi ang mukha na nakalagay dito.

"Amara...." mahinang saad na naka tingin sa kaniya si Jared, habang ang iba naman ay hindi alam kung saan titingin.

Sa larawan ba na naka sabit sa harapan nila, o kay Amara na kahawig na kahawig nito.

"Mara, hindi mo sinabi na kahawig mo ang inang mo? Konti nalang maniniwala na kami na ikaw 'yan e" saad ni Samantha sabay turo sa may larawan.

"Hindi si inang yan, nakita ko na ang mukha ni inang pero hindi ganiyan ang mukha niya" saad ni Amara habang nasa litrato na nasa harapan nila.

Mahinhin pero pilit itong naka ngiti, tila nasa iba iba tingin nito. Hindi ito sa harap naka tingin nang kunin ang litrato nito, kung hindi mas malayo at nasa likod ng kumukuha ng litrato ang binabalingan nito ng tingin.

Sobrang luma na rin ang litrato dahil halos kulay kayumangi na ang litrato at wala ng iba pang matatanaw na kulay kung hindi itim na buhok ng dalaga sa litrato, puting damit na suot nito at kulay kayumangi, tsokolate at kape na nasa paligid nito.

Ngunit kahit na sobrang luma na ng litrato ay maayos at wala pa din itong sira, halatang sobrang iningatan... o hindi man lang nahawakan.

"Kung hindi ang ibang mo 'yan e sino?" nag tatakang tanong ni Theo.

"Aba malay ko, baka naman kamag anak ni Mara. Kamukha niya talaga e" saad ni Dianne.

"Tanga, hindi ikaw ang tinanong ko. Very obvious naman na kamag anak ni Amara ang nasa picture no? kahit sino naman yan ang iisipin kapag nakita nila ang picture e" sagot naman sa kaniya ni Theo.

"True, mapagkakamalan pa nga silang kambal sa sobrang magkamukha" pag sang-ayon ni Samantha kay Theo.

"Ang tanong, sinong kamag anak niya at paano?" tanong naman ni Jake na nasa tabi pa din ni Dianne. Agad naman nilang ibinaling ang tingin nila kay Amara na kahit ngayon ay hindi makapaniwala at nagugulahan din sa nakikita.

Mabilis naman tinitigan pabalik ang mga ito ngunit nanatiling walang imik. Gustuhin man kasi nitong sagutin ang tanong ng mga kaibigan nito ay hindi niya magawa, dahil pati mismo siya ay gustong malaman kung sino at ka-ano ano niya ang babaeng nasa larawan dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito.

Buong buhay niya kasi ay madalang lang niya makita ang inang nito nung nabubuhay ito, ngunit wala itong nakwe-kwento sa buhay niya. Kapag naman tatanungin niya ito ay iniiba ng inang nito ang usapan, kung minsan pa nga ay pinapagalitan siya ng kaniyang ina kapag tinatanong niya iyon.

At higit sa lahat, mukhang wala ding alam ang kaniyang mga magulang tungkol sa buhay ni inang. Kahit ang pamilya o pangalan man lang nila ay hindi alam nila ina, at hanggang ngayon ay wala na ang inang nito ay tuluyan na ngang naitago ang buong pamilya ng mother side nila nang wala man lang nalalaman na kung ano.

Kaya ganun nalang ang pagtataka at gulat ni Amara nang makita niya ang litrato ng babaeng kahawig nito, hindi kilala at mukhang walang paraan para makilala.

Mga Kwentong Mula Sa Dilim Series # 4: DalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon