Chapter 29
Queen Leigh Hernandez POV'Sino ba siya sa akala niya para diktahan ako?' Mariin akong bumuntong hininga bago inis na sumitik. 'kahit kailan talaga ay nakakainis ang Uno na iyun! Tchhh!'
"Bakit nga pala hindi ka sumama kay Uno?".
Bahagya akong nag angat ng tingin kay Ford sa tanong niyang iyun. Muntik ko nang makalimutan na mag kasama nga pala kami ngayon sa kaniyang sasakyan.
'Sabi ko na nga ba ay ano mang oras ay itatanong niya iyun'
"Wala namang dahilan, Actually. Trip ko lang talagang sumakay dito sa sasakyan mo". Ngumiwi ako.
"I'm sure isinusumpa na ako ng dalawang iyun dahil sa akin ka sumama". Birong aniya bago mahinang natawa.
"Tss..".
"Pero honestly.. Aaminin ko na somehow---No.. Natuwa talaga ako ng sobra dahil ako ang pinili mo". Matamis siyang ngumite. Bahagya ko siyang tinitigan bago malalim na Bumuntong hininga.
"You know na walang meaning ito, Ford. It's just that.. ayoko lang talagang sumakay dun sa dalawa. Huwag mo sanang bigyan ng ibang kahuluga---".
"I know..". Pag putol niya sa sinasabi ko. Ikinagulat ko ang naging reaksyon ng mukha ni Ford. Matamis parin siyang nakangite sa kabila ng mga sinabi ko. "But still I'm happy dahil sa kabila ng naging pag amin ko sa'iyo ay sa akin mo parin napiling sumabay. A-Ang akala ko kasi ay iiwasan mo na ako ng tuluyan o di kaya ay hindi na papansinin". Pinanood ko ang marahang pag haba ng kaniyang nguso. Katulad na katulad iyun ng palagi niyang ginagawa dati kapag malungkot o kaya naman ay nag tatampo siya.
'A-Ang cute niya..'
'Bakit ba napaka enosente ng Mukha ng lalaking ito? Hyss.. kaya ang hirap mong saktan eh'
"Hindi mo kasalanan kung may nararamdaman ka man sa akin, Ford. Hindi ako magagalit sa'iyo at hindi kita iiwasan. Subalit ako na mismo ang mag sasabi sa'iyo na wala iyung patutunguhan". Seryosong anas ko bago mariing bumuntong hininga matapos isandal ang likod sa upuan. "Hanggat kaya mo ay pigilan mo ang sarili mo na lubusang mahulog sa akin. Hindi na ako katulad ng Babaeng nakilala mo noon. Hindi kita kayang saluhin, Ford bagamat ayaw kitang masaktan".
Bahagya siyang natahimik. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya muling nag salita.
"Pwede ko bang malaman kung bakit Hindi pwede?". Bagamat nakangite subalit ramdam ko ang lungkot sa boses niyang iyun. "I-I just wanted to know..". Doon na niya ako bahagyang nilingon bago pilit na ngumite. "B-Bakit hindi pwedeng magustuhan mo rin ako? B-Bakit hindi pwedeng maging Ikaw at ako.. B-Bakit hindi pwedeng ma--maging Tayo?".
"Dahil mahal ko parin si Uno hanggang ngayon". Mariin kong Ipinikit ang mata ko bago mapait na ngumite.
"A-Ano..".
"Masakit aminin pero iyun ang totoo, Ford. Ilang ulit ko mang itanggi sa sarili ko iyun subalit malinaw sa akin na siya parin hanggang ngayon. Kahit na ayaw ko man maramdaman ito.. ang puso ko ay tila nagkukumawala sa dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Tuwing malapit siya sa akin at tuwing nakakausap ko siya. Para siyang isang lason na Unti-Unting winawasak ang buong Sistema ng katawan ko at nakakainis mang aminin subalit iyun ang katotohanan".
Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko ito kay Ford. Alam ko na masasaktan ko siya subalit batid ko rin na mas masasaktan ko siya kapag hinayan ko pa siya sa nararamdaman niya sa akin.
'This is the best thing to do..'
"I'm so sorry Ford..".
"Thank you, Queen Leigh..". Ngumite siya bago Maluwag na huminga.
"H-Huh? T-Thank you for what?".
"Thank you for being honest to me and to yourself". Senserong aniya bagamat pinangilidan ng kaniyang luha. Mga luhang pilit niyang ikinukubli gamit ang kaniyang matatamis na ngite.
'F-Ford..'
"Sabi ko na nga ba at mahal mo parin si Uno sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa'iyo. Napaka swerte niya kung alam niya lang..". Naagaw ng atensyon ko ang marahang pag galaw ng kaniyang mga kamay mula sa manebela. Bahagyang humigpit ang mga iyun. "Naiingit ako sa kaniya..".
Tahimik ko siyang pinakinggan. Nasasaktan ako para kay Ford at nalulungkot dahil alam ko na nasasaktan ko ang isang taong itinurin ko nang nakababatang kapatid. Batid ko rin ang labis na pag pipigil niya ng emosyon at mga luha. Matahil ay ayaw niyang Ipakita sa akin kung gaano siya nasasaktan. Bahagya akong nag baba ng balikat at pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang kamay.
"May darating din na taong para sa'iyo, Ford. Isang tao na mamahalin ka higit pa sa kaya mong ibigay. Isang tao na palaging nandiyan para samahan ka kapag pakiramdam mo ay nag iisa ka o kaya naman ay yayakapin ka tuwing giniginaw ka. Isang tao na hindi ka susukuang mahalin at intindihin. Mag hintay ka lang dahil sigurado ako na malapit na siyang dumating sa buhay mo. Sa oras na iyun ay sana huwag mo siyang saktan o paluluhain. Iparamdam mo sa kaniya ang Pagmamahal ng isang Ford Dymond Khairuz. Ang Gwapo at Cute na ikaapat na anak ng Tanyag na pamilya Khairuz". Ngumite ako.
"I just really hope na hindi mo siya kamukha". Birong aniya bago marahang pilit na tumawa.
"Ganun?".
"This is too much trauma, Bruh! You just basted me so many times. Ayoko namang maalala ang masaklap na araw na ito tuwing tititigan ko siya". Muli ay biro niya na siyang mahina kong ikinatawa. Pakiramdam ko ay Unti-Unti ng nawawala ang kaninang mabigat na Tensyon sa pagitan naming dalawa kanina. Kahit papaano ay mas gumaan narin ang pakiramdam ko dahil alam ko na totoo si Ford sa mga sinasabi niya sa mga sandaling ito.
"Sa palagay ko ay mahihirapan akong maka move on sa'iyo, Queen". Bagamat nakangite subalit nahihimigan ang Pagiging seryoso ni Ford. Subalit hindi na iyun katulad kanina na mabigat sa pakiramdam. Pinapanood ko siyang huminga ng Maluwag bago matunog na ngumite. "You're my First Love and I am very happy. I will never regret that I loved you even though it was pretty painful as Fvck, tchhh!..".
"Napaka ganda naman kasi ng First Love mo eh". Birong anas ko bago kami sabay na tumawa. Halos tanaw ko na ang West Campus at ano mang oras ay malapit na kaming makapasok sa main gate kaya naman ay bahagya ko na inayos ang aking sarili.
'Dalawang Araw din ako absent, Omooo!'.
Nang tuluyan kaming makapasok ay kaaga akong lumabas matapos mag pasalamat kay Ford. Subalit kaagad din na natigilan ng marahang tawagin ni Ford ang aking pangalan. Taka ko siyang nilingon at dinungaw mula sa bintana.
"I still do have feelings for you, but I already know my boundaries. Just allow me to admire you quietly until those feelings disappear". Marahang aniya habang deretyang nakatitig sa mga mata ko bago tahimik na ngumite. Malamlam parin ang kaniyang mga mata subalit hindi na katulad kanina bagamat basa ko parin ang lungkot mula doon. Bahagya akong natigilan subalit kalaunay gumanti ng ngite sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Novela Juvenil"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...